That day was weird. Natapos ang Caffee Booth ng maayos but umuwi ako sa bahay na may dalang sampung roses. It was from the same booth na nagbigay sakin ng roses from Ronin kanina. But, galing yun sa iba't-ibang tao na di ko kilala. Di ko alam kung kay Ronin ba iyun at gumagamit lang siya ng ibang pangalan o mayroong gumagawa ng prank sakin. Kasi kahit anong isipin ko, imposible naman na may mga lalaki dyan na magbibigay sakin nito.
"Kanino galing yan?", chorus na tanong ni mommy at ni Ron2 pagkakita sa dala kong roses.
I shrugged my shoulders. Inilagay ko na lang yun sa vase namin na walang laman. Andun lang yun for decoration.
"From Ronin?", tanong ni mommy.
Nakita kong napakunot-noo si Ron2. Probably thinking na isang rosas lang naman ang ibinigay niya sakin kanina.
"Hindi.", sagot ko.
Biglang napalingon sakin si Ron2 na parang may nakakagulat akong ginawa sa harapan niya.
"Hmm..eh kanino yan?", tanong pa ni mommy.
Ramdam ko ang matutulis na tingin ni Ron2. Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero pinigilan ko na lang.
"Ewan. Di ko kilala.", sabi ko at diretso ng umakyat sa itaas.
"Bumaba ka na pagkabihis mo. Kakain na tayo!", sigaw ni mommy.
"Ok!"
Pagdating ko ng kwarto ko, agad kong kinuha sa bag ko ang rosas na bigay ni Ronin sakin kanina. Inipit ko yun sa isang libro saka itinago. Sakto naman ang pagdating ni Ronin.
He was pouting na parang isang batang inagawan ng candy.
"Bakit?", tanong ko na tinutukoy ang di maipintang itsura niya at matulis na tingin sakin, "Magbibihis ako Ron2. Labas ka muna."
"Kanino galing yung mga roses na dala mo??", tanong niya. Puno ng pagdududa ang tono ng boses niya.
"Di ko nga alam di ba?", napataas ang kilay ko sa sinabi niya, "Alis na, magbibihis ako!"
"Di ako aalis hangga't di mo sinasabi sakin kung kanino galing yun!"
Kulit pa din talaga ng mokong na to!
Tiningnan ko siya ng masama sabay napamewang sa harapan niya. Really? Di ba niya maintindihan ang sinabi kong di ko alam. I mean, sinabi naman ng delivery boy ang mga pangalan ng mga nagbigay sakin nun kaso i did'nt bother memorizing names of useless people! And i don't care kung sino man ang mga nagbigay sakin nun!
Nagbago naman ang itsura ni Ron2 ng nahalatang seryoso ako sa pag iiba ng mood ko.
"It's just---yung, alam mo yun---kasi yung pakiramdam ko---ano...kasi...", di niya alam ang sasabihin.
Para siyang nagpapanik kung anong dapat sabihin at kung pano niya sasabihin. I just suddenly find it cute. To see him like this.
Nagseselos ba siya?
"Nagseselos ako.", napabuntong hininga siya ng nasabi niya yun, "Gusto ko ako lang."
Nakita ko na siyang nagselos noon pero ngayon lang ako natuwa. Siguro dahil ngayon, malinaw na sakin kung anong nararamdaman ko kaya di na ko naguguluhan.
"For sure may nagtitrip lang sakin kaya wag ka ng mag-aalala dyan.", sabi ko, "Saka rosas lang naman----", napahinto ako sa pagsasalita dahil biglang naglaho si Ron2 sa harapan ko.
Nagpalinga-linga ako at kinabahan sa nakita ko. Agad ang daming pumasok sa utak ko na masasamang bagay. Si Ronin...
Agad kong kinuha ang cellphone ko at idadial na sana ang number niya ng bumukas ang pinto at nakita ko si mommy.
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
RomanceHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..