Research

141 4 0
                                    

"Mommy pupunta ako ng party sa school.", sabi ko bigla habang kumakain kami ng dinner ni mommy.

Nanglaki ang mga mata niyang napatingin sakin.

Napabuntonghininga naman si Ron2 na nasa harapan ko. Syempre alam na niyang partner ko si Lowi. Ang sarap ngang isumbat sa kanya ang holding hands nila ni Angelica!

"Sure!", sabi ni mommy, "Bukas pagkatapos ng klase mo bibili tayo ng damit mo."

"No mom.", sabi ko dahil for sure uutang na naman yan," Meron pa din akong luma diyan na binili mo noon at di ko nagamit."

Nalungkot naman bigla mukha ni mommy. Pilit siyang ngumiti, "Ok."

Sumubo siya saka napatingin sakin, "Kukuha na lang ako ng make-up artist para sayo."

"Ako na lang mom."

"Kaya mo?"

"Oo.", lipstick lang naman yun at pulbos.

"Bakit di ka magpaganda kay Lowi?", sabat naman ni Ron2 sakin.

'Ba't di mo na lang atupagin si Angelica?', sabi ko pa sa isip na kausap siya.

"I think i'll hire a make-up artist Nana. Di mo kaya ng ikaw lang.", sabi pa ni mommy.

"Pakipot ka pa ,gusto mo namang gumanda sa harapan ni Lowi.", sabi pa ni Ron2. "Magpa make-up ka na lang kasi."

'Shut up!', sabi ko kay Ron2 dahil nakakainis na sumisingit siya habang kausap ko si mommy.

"Mom. Ayoko mag mukhang desperadang gumanda doon.", sabi ko.

"Maganda ka naman ah!", sabi agad ni mommy.

"Lubuslubusin mo na lang kasi. Tutal pumayag ka na kay Lowi mag mukang desperada ka na lang kaya.", sabi ni Ron2.

Napapikit ako sa inis sa dalawang kausap ko. Bakit ko nga ba kasi pinapatulan itong si Ron2?? Oo nga pala, dahil naiinis ako sa kanya na ang sarap patayin!

"Ok. Fine!", nasabi ko bigla.

Ngumiti ng malapad si mommy.

"Good.", sabi niya.

Tiningnan ko ng masama si Ron2.

"Pakipot.", sabi niya na umalis.

Nag-aaral ako ng biglang pumasok si Ron2 sa kwarto ko.

Humarap siya sakin.

"Nana bakit mo ba ginagawa sakin to?!", bigla niyang sabi.

Binitawan ko ang librong binabasa ko at tumingin sa kanya.

Pagkatapos niyang mag walk out kanina habang kumakain ako sasalubungin niya ko ng kadramahan ngayon? Daig pa nito ang babae sa sobrang mood swing.

Tiningnan ko na lang siya ng masama dahil kahit ako di ko alam ang sasabihin sa kanya. Sobrang badtrip ako na di ko alam san ako magsisimula.

"Gusto mo ba siya? Umamin ka ng di ako nagkakaganito.", sabi niya, "Pinapaalis mo ba ko para wala ng gugulo sayo para kayo na ng Lowi na yun??"

"Baliw ka ba??", nasabi ko na lang.

"Hindi mo ba alam na nagselos ako ng kasama mo siya kanina? Ako ang unang nag-alok sayo pero ano? Sinakal mo pa ko? Ano yun Nana?? Tapos ngayon gumagawa ka ng paraan na mawala ako?? Why do you hate me so much huh?? Tulad ng sabi ko sayo nararamdaman ko ang sakit niya! Alam ko kung anong tumatakbo sa utak niya habang nakikita kita. At ang ayoko sa lahat yun lang ang meron ako ngayon! Mga alaala mo lang ang meron ako! Ikaw lang ang meron ako ngayon Nana! At wala akong magagawa dahil araw-araw kitang nakikita dito. At mas lalong wala akong magawa dahil multo ako at di makalabas sa bahay nato!", sobrang galit ang mukha niya at parang ano mang oras ay tutulo na ang luha niya. Hinintay ko yun pero di din naman lumabas.

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon