Options

85 3 0
                                    

~as i promised! 2 chapters!,hahaha~

"Mom..wala pa bang balita?", tanong ko kay mommy na nakaharap sa laptop niya. Ewan ko kung pang ilang beses ko na itong tinanong sa kanya ngayong gabi pero di ko maiwasan. Masyado akong thrilled na malaman kung mayroon ba talagang paraan para mawala itong parang sumpa sa amin ni Ronin.

"Pang sampung beses mo na yang itinanong sakin. Sabi ko sayo sasabihan kita agad di ba?", sabi ni mommy.

"Ok. Tulog na ko.", sabi ko na lang at bumalik sa kwarto na walang sigla.

Parang sobrang tagal ng bawat segundo na lumilipas. Gusto ko na talaga maging normal itong sitwasyon namin ni Ronin. Yung tipong tulad ng love story ng ibang tao dyan. Mas madali lang sana kung langit at lupa lang na tipo yung love story namin. Kaso hindi eh.

Nag beep bigla ang phone ko ng nakahiga na ko sa kama. It was from Ronin.

"Good night.", basa ko sa text niya at napangiti.

Ano kayang irereply ko? Teka...magrereply ba ko? Gosh di pwede!

Saka na siguro kapag may paraan na para mawala itong sumpang ito sa amin. Tama..doon ko na lang gagawin kapag umabot na sa puntong wala na itong mga kalokohan na to.

Haist!!

Biglang nag ring ang phone at nagulat ako na sinagot ko agad yun ng di tinitingnan kung sino ang tumatawag. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil alam kong si Ronin iyun.

"Hello Nana?", nadinig ko ang boses ni Lowi.

Naisubsob ko ang mukha ko sa unan. Ugh! Bakit ba iniisip kong si Ronin ang tumawag? For sure si Angelica tinatawagan nun ngayon. Hanggang text lang naman siya sakin eh.

"Hello?", sabi ulit ni Lowi.

"Uhm..oo..nakikinig ako, bakit?", sabi ko.

"Iremind ko lang yung usb na hihiramin ko bukas. Baka makalimutan mo.", sabi niya.

"Ok. Nasa bag ko na.",

"Uhmmm...", ilang segundo di siya nagsalita.

"May kailangan ka pa ba?", tanong ko.

"Actually...nandito kasi ako sa labas ng bahay niyo."

"Ha???"

.....................................................

Lumabas ako ng bahay at nadatnan ko si Lowi na nag-aantay sa labas ng sasakyan niya.

"Gabi na. Ba't ka pa pumunta dito?", sabi ko.

"Grabe. Kahit mag pretend ka man lang masaya ka at nandito ako ngayon.", kunwari emot niya.

Tiningnan ko lang siya. Wondering kung bakit nandito siya. Kung may problema ba? Kung may bumabagabag ba sa kanya.

Hinubad niya ang jacket niya at ipinatong yun sakin.

"Lumabas ka ng walang jacket eh ang lamig.", sabi niya.

"May problema ba?", pagtataka ko.

Ramdam ko na may problema siya. Halata sa mga mata niya at sa kilos niya. Di ko alam kung kelan ko natutunang basahin si Lowi pero ngayon, sigurado akong may problema siya.

Tiningnan niya ko saglit saka napangiti siya. Pero di umabot ang ngiting iyun sa mga mata niya.

"Gusto lang kitang makita. Masyado akong naging busy this past few days di na kita masyadong nakakausap o nakakasama.", sabi pa niya, "Bakit? Masama ba nandito ako?"

"Dapat nagpapahinga ka ngayon.", sabi ko.

Naisip ko kung gano nga siya ka busy. Nakita kong madami siyang inasikaso para sa school festival at alam ko yun.

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon