Speachless

132 5 0
                                    

Hey guys! I know it's been decades and centuries..haha,.sorry ngayon lang ako nka.update ulit..but don't worry medyo marami-rami naman tong ipopost ko eh...so bawi na lang ako okiz?.

Kung nagtatanong kayo kung bakit natagalan to (and i doubt walang nagtatanong coz literally wala naman talagang nagtanong at gusto ko lang magmukhang may nagtanong),well uhhh..yun nga..nagkaroon kasi ako ng 2-week vacation. You know gala there, gala here, gala everywhere, haha,..ok,fine, ako lang yung natutuwa..so yun na nga..have fun reading this na lang!mwah!

Napatingin silang lahat sakin pagkasabi ni Lowi nun. Tiningnan ko si Lowi na kinakabahan pa din at saka ang mga kaibigan niya na abot tenga ang ngiti. Hinihintay ba nilang may sabihin ako?

Hmmm...may dapat ba akong sabihin sa mga ganitong sitwasyon? Or reaction. Kailangan ko siguro ng reaction. Pero ano?

Teka, noong nagtapat sakin si Ronin sinuntok ko siya. Suntukin ko din kaya si Lowi? Pero nakakahiya sa mga kaibigan niya. Saka ang layo, katamad tumayo.

Haist! Dapat nanonood na kasi ako ng mga love stories eh. Kaso kadiri eh! So, ano na ngayong gagawin ko?

Letchugas ng ampalaya at sampalok naman oh! Bakit nagkagusto sakin si Lowi??

Abnormal ba din siya? May sira ba siya sa ulo? Ang hirap na ngang ihandle ni Ronin dadagdag pa siya sa problema ko!

Unti-unting nawala ang ngiti ng mga tao sa paligid ng ilang minuto akong nakatunganga sa kanila. Masyado akong nagfocus sa pag-iisip sa kung anong sasabihin ko kaya nagtinginan lang kaming lahat sa mahabang katahimikan na bumalot sa paligid.

Pero kahit ilang minuto na ang lumipas wala pa din kahit ano na pumasok sa utak ko.

"Ah...wala ka bang sasabihin Nana?", tanong ni Tanya.

"May dapat ba akong sabihin?", sagot ko.

"Of course wala.", sabi ni Lowi na nakangiti na ngayon at parang nabunutan ng tinik. "But soon meron na yan. So balik sa birthday ko!", wika ni Lowi na mas naging masaya, "Kumain muna tayo bago ang swimming at kung anu-ano pang gusto niyong gawin ngayon."

"Yey! Kainan na!", bulyaw nilang lahat.

Nagtakbuhan silang lahat kung nasaan banda ang mga pagkain. Parang ngayon lang nakakita ng pagkain sa tanang buhay nila. Mukhang gutom na gutom silang lahat.

"Wow! Sarap ng luto mo Tan'z", sabi ni Brad na puno ang bibig.

"Syempre. Future Master Chief of the Philippines yata to.", sabi naman ni Tanya sabay flip ng hair.

"Oooohhhh...", sabay-sabay nilang reaction saka nagtawanan.

Masarap nga yung pagkain ng tinikman ko. Hindi ako nagpahalatang sobrang dami ng kinain ko. Maliit lang linalagay ko sa plato ko pero panay ang kuha ko ulit kapag ubos na at walang nakatingin. Sobrang nabusog ako pagkatapos.

Everything  after the dinner was a blurr. Sobrang bilis ng mga naganap na tawanan, kantsawan, usapan, kantahan, at swimming. Sabi nga nila, times fly when your having fun. At sa unang pagkakataon, i had fun with these people. Makulit, mababait, at palabiro ang barkada ni Lowi.

They're really really nice to me. Kahit medyo avoidant pa din ako sa kanila, sila palagi ang unang nag-aaproach sakin.

I feel normal.

Pero at the same time malungkot ako sa narealize ko. I've been missing this kind if things my entire life. At suddenly, i wanted to have these kind of friends. I wanted this kind of life.

Pero...too late na ba ako? Mukang mahirap na ata kung ngayon lang ako magsisimula.

Naalala ko tuloy si Ronin at Ron2. Those guys have nothing, kung tutuusin they have no one dahil wala ng pag-asa ang ama nila. Oo Ronin has alot of friends, halos kaibigan niya lahat ng tao sa school pero di ko pa siya nakitang sumama sa isang partikular na tao. Yung matatawag na bestfriend, yung kasama mo kahit saan at kahit anong mangyari, yung group of friends na tulad nito.

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon