War

114 6 0
                                    

Puno ng dugo ang mga kamay ko. Pero alam kong hindi yun galing sakin, alam kong galing yun sa ibang tao. Luminga-linga ako sa paligid para hanapin kung sino ang nasaktan. Pero nababalot lang sa kadiliman ang paligid. Maya-maya pa ay  nakita ko si Ronin sa harapan ko. Nakapulang t-shirt siya...or so i thought. Dahil pumapatak ng dugo ang damit niya. At dinig na dinig ko ang bawat patak nun na parang echo sa pandinig ko.

Lalapitan ko na sana siya ng naramdaman kong may hawak-hawak na ako. Isang malaking kutsilyo na puno ng dugo. Bigla kong naisip na ako ang may gawa kung bakit puno ng dugo si Ronin.

  Nagsimulang manginig ang kamay ko at nabitawan ko ang kutsilyo. Fear engulfed me in an instant. Pero ng tiningnan ko ulit si Ronin, nakangiti siya...habang nakalahad ang isa niyang kamay para kunin ko.

And i was shocked! Hindi  ako makapaniwala sa ginagawa niya ngayon. Alam ba niya ako ang may gawa ng sugat niya??!! How could he smile at me?!

How could he?...

How could you Ronin...

How could you...

Nakaramdam ako ng malamig na something sa pisngi ko...at unti-unti akong kumalma kaagad. It was kind of soothing...na parang in an instant rumelax ang isip at katawan ko. It was kind of euphoric actually.

Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Ron2 sa harapan ng mukha ko. He was so close na konti na lang magdidikit ng mga ilong namin. At narealize ko ang malamig niyang kamay ang naramdaman ko sa pisngi ko.

"Bad dream?", halos bulong niyang sabi habang patuloy na hinihimas ang pisngi ko.

"Nightmare.", usal ko.

"Gusto mong ikwento?", alok pa niya.

Umiling ako ng bahagya. Ayoko ng maalala pa yun.

"Sleep.", sabi niya. "I'll be watching."

Kahit di na niya sabihin unti-unti ng pumikit ang mga mata ko. Pero may gusto pa kong sabihin sa kanya kaya nagsimula akong magsalita habang nakapikit ang mga mata ko. Ang problema lang, pag gising ko kinaumagahan, di ko na maalala ang sinabi ko.

..........................................................

Kumakain ako ng breakfast kasama si mama. Sobrang busy siya sa trabaho niya lately kaya ngayon lang kami nag-abot. Pero sanay naman ako at wala akong pakealam kaya ok lang. Ang hindi ok ay ang napangalumbabang si Ron2 sa harap ko na may abot tengang ngiti. Para siyang tanga.

Tingin ko may kinalaman yun sa sinabi ko kagabi. Kaso nga, di ko na maalala.

"Balita ko malapit ng school festival niyo?", biglang tanong ni mommy.

"Yep." , although di ko alam pano niya nalaman pinabayaan ko na lang.

"May sasalihan ka ba?",

"Wala."

"Ok. May libreng ticket pala ako ng Gaurdian of the galaxy movie. Bigay sakin ng boss ko dahil maganda daw performance ko this past few weeks.", inilapag niya ang dalawang ticket sa tabi ng pinggan ko, "Isama mo kaya yung si Ronin. Ano sa palagay mo?"

Agad nawala ang ngiti ni Ron2 at napatuon ang tingin niya sa tickets na nasa mesa.

Kukunin ko ba?

Of course hindi pwedeng si Ronin ang makasama ko. Ayoko din naman si Lowi. Or pwedeng ibigay ko na lang kay Tanya since ang bait niya sakin. Tama...ibibigay ko na lang kay Tanya. Di naman malalaman ni mommy kung nanood ba ko o hindi.

"Ok.", sabi ko at inilagay ang ticket sa bag ko.

Ngumiti ulit ng malapad si Ron2.

"Alis na ko.", sabi ko at diretsong lumabas na ng bahay. Narinig ko pang sumigaw ng paalam si Ron2.

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon