Cafe Booth

93 3 0
                                    

Lowi's POV

"Sabihin mo na ng diretso. Malapit ng magbukas ang coffee shop nila Lance. Baka hanapin na nila ako.", sabi ni Ronin sakin.

Nasa likod kami ng school at inimbitahan ko siyang kausapin dito. Naisip kong gawing malinaw ang lahat. Hindi niya alam kung gano kahirap kay Nana ang ginagawa niya. Alam kong nasasaktan siya kapag nasa malapit si Ronin. Alam kong di siya makahinga kapag nakikita ito. Alam kong nahihirapan siya sa pag-iwas dito at ngayong si Ronin ulit ang kusang lumalapit sa kanya, mawawalan ng saysay lahat ng tiniis na paghihirap ni Nana. Worse,  Ronin is making his own death bed.

"Stop it. Whatever your thinking about kay Nana you should stop.", seryoso kong sabi.

Napangiti ito at napailing-iling.

"Bakit? Wala naman akong ginagawa ah.", sabi niya.

"Stop the act Ronin. Alam ko kung anong ginagawa mo. May girlfriend ka na."

"Ok. First, kung ano mang ginagawa ko wala ka ng pakealam dun. What? Takot ka bang agawin ko sayo si Nana tulad ng ginawa mo? Second, di ko girlfriend si Angelica. At alam na yun ni Nana."

"Wala kang alam sa nangyayari Ronin! Di mo alam kung anong ginagawa mo.", unti-unti akong naiinis sa kanya at kanina pa ko nagtitimpi. Ang hirap ng sitwasyon dahil wala siyang alam!

Hindi niya alam na ginagawa namin to para sa kanya and he's messing everything we worked for!

For God's sake kahit karibal ko siya kay Nana ayoko ding mawalan ng kaibigan!

"Di ko alam? Then sabihin mo sakin. Ano ba talagang nangyayari Lowi? Bakit kahit kayo ni Nana pakiramdam ko ako pa din ang gusto niya! Kahit iniwasan ko na siya para sayo...para maging masaya siya...bakit pakiramdam ko malungkot pa din siya sa piling mo? Bakit di mo siya mapasaya huh? Bakit ramdam na ramdam ko ako pa din ang gusto niya at hindi ikaw!!"

Naibuka ko ang bibig ko pero walang lumabas dun. I was speechless. Di ko alam ang sasabihin. I can see his angry and frustrated at the same time. Tumpak ang mga sinabi niya and it just hurts.

"Babalik sakin si Nana. At di ko siya aagawin sayo. Dahil siya mismo ang babalik sakin. And i'm gonna let that happen just you see.", seryosong sabi ni Ronin saka linagpasan ako at umalis.

Alam ko,.galit siya sakin. But i never thought he would loath me.

So ito ang life ko. A girl i like who can't and will never like me back, and a friend i cared about but now...did'nt give a f*ck anymore. Just great! So great!

......................................................

Dalawang bagay lang ang nasa isip ko ng nakabalik ako sa school. Una, may pag-asang magbago ang tadhana namin ni Ronin at pangalawa, pwedeng wala. Sabi ni mommy di naman yun sigurado eh. But di ko maiwasang mag hope na meron! Di ko maintindihan kung matutuwa ako o malulungkot o maeexcite. Kinakabahan ako at gusto ko ng malaman agad kung may pag-asa ba talaga o wala.

Nagkakagulo ang mga tao pagdating ko sa coffee shop. Si Lance, Brad and Pit, at Iggy.

"Bro ok na tie ko?"

"Teka di ata to naplantsa ng maayos."

"Ah!! Di ko pa naayos buhok ko."

"Asan na perfume ko dude!"

"Pre pupunta daw si Kathy mamaya! Ayos!"

"Pare di yan perfume deodorant ko yan!"

Umigham ako. Nahinto sila lahat at napatingin sakin.

"Good. Nandito na ang cook natin.", sabi ni Iggy na dinala ako sa mini kusina doon.

"Ikaw ang mag-aasikaso sa orders dito. So,..uhmmm...", tumingin siya sa paligid at napakamot sa ulo.

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon