Points

103 5 0
                                    

Ang lapad ng ngiti ni Lowi ng pinuntahan ko siya sa meeting ng mga school officers nila. Nagsiuwian na ang lahat at supposedly uuwi akong mag-isa ngayon. Kaso after malaman ko yung sitwasyon ko sa teacher namin, naisip kong kailangan ko na agad siyang sabihan na sasali ako sa stupid booth nila. Ayokong maunahan dahil hanggang 10 members lang ang pwede every booth at tiyak na maraming mag-uunahan dyan.

"So...sali ka na samin?",ngiti niya na parang ini.expect niya na mangyayari to.

"Oo.", sabi ko.

"Good.", sabi niya na hinimas pa ulo ko, "Isasali ko na ang name mo sa list ko. Ano pang balak mong salihan? Atleast 2 booths para mas mataas na points."

"Ilan bang points per booth?", pagtataka ko.

"25 pts."

What the fukerruru! 25 pts lang?? Biruan to?? 150 pts ang kailangan ko!!! Gusto ba nila akong patayin??

"Bakit...ilan ba kailangan mong pts?", tanong niya na nahalata ang pag-kadismaya ko. And i wonder if nabasa ba niya kung anong mukha ko. Stone face di ba? Well, whatever.

"150.", sagot ko.

Namilog ang mga mata niya saka biglang, "Pft! Hahahaha.", tawa niya, "Ok. I'll help you."

"Pero kailangan ba talagang tawanan ako?", sabi ko.

"Hehe. Di naman. Di ko lang expected na ganyan kalaki yung points na kailangan mo. Hmmm...can you wait? Sandali na lang meeting namin at i know just what you need."

"Hmmm..ok.", sabi ko.

Pumasok na siya at umupo ako sa pinakamalapit na bench. And i wonder kung ilang minuto yung sandali na lang na meeting nila.

San pa kaya ako sasali ngayon?

Haist. For sure kung san man ako sumali mahihirapan ako nito. Hate pa ko ng mga tao. Ngayon, di lang nila pinapakita dahil alam nilang lalabanan ko talaga sila. Takot na naman yung mga yan. Sira ulo lang talaga mga classmates ko noong sinubukan nila akong patulan.

Biglang nakita ko sa malayo si Tanya na papasok sa Gym. Naalala ko yung ticket na binigay ni mommy sa kin na nasa bag ko. Isang linggo na ang inabot at di ko pa din nabibigay kasi palagi kong nakakalimutan. Nagpasya akong sundan muna siya since alam kong mamaya pa talaga si Lowi matatapos.

Kinuha ko ang ticket sa loob ng bag ko at tinungo ang gym. Malapit na ko ng narinig ko ang ingay sa loob.

Parang tilian ng mga babae?

Sinilip ko mula sa pintuan ang nangyayari at nakita ko ang basketball team na naglalaro. Sa gilid ay iilang mga babaeng nagkukumpulan at tuwang-tuwa sa panonood.

At nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na itsura na naglalaro ng basketball. Si Ronin. Naliligo siya sa pawis at basang-basa ang buhok. He looks so serious sa ginagawa niya. And then suddenly nag three point shoot siya mula sa malayo. Pumasok ang bola kasabay ng tilian na naman ng babae.

Wow. He's good. Ngayon ko lang siya nakitang maglaro and i admit nakakahanga nga naman ang laro niya.

Haist. I miss him.

Stop it Nana! You shoud'nt! Haist!

Nagkaroon ng time out at hinihingal si Ronin na umupo sa bench nila. Nakikipagkulitan agad siya sa mga team mates niya at nagkakatuwaan pa sila. Kaya talaga niyang makihalubilo sa kahit na sinong tao.

"Kuya Ronin!", kaway ng mga babaeng tingin ko ay mga freshmen pa.

Kumaway din siya dito at nginitian sila na siyang ikinatuwa ng mga babae.

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon