"Ako na Nana!", bigla niyang hinablot ang bag ko pagtayo ko sa upuan.
"Roni---", bago pa ko makasigaw at magalit ay nagtatakbo na siya palabas ng pintuan.
"Sa gate!", sigaw niya paglabas niya ng room.
Aaaaahhhhhh!
Langhito!!! Gusto kong magwala! Grrrr!
"So..", mataray na sabi sakin ni Angelica na humarang sa harapan ko, "Enjoying the moment? Tingin mo maganda ka na?"
What the---masasali ba ko sa mga cliche ng mga stories?? This is bullsh*t!
Sinubukan kong kalmahin sarili ko, and it worked. I don't care what she says basta wag lang niya akong mahawak-hawakan. Prinsipyo ko yun di ba?
Wala ng tao sa paligid kaya ganito siya kung umasta ngayon.
Tinalikuran ko na lang siya at naglakad palayo. Pero bigla-bigla niyang hinawakan ang braso ko at malakas akong pinihit paharap sa kanya. Kasabay ng pagharap ko sa kanta ay ang malakas na pagsampal ko sa pisngi niya.
Bumakat sa pisngi niya ang kamay ko at ramdam ko ang sakit sa palad ko. Hawak-hawak niya ang pisngi niya at nanglalaki ang mga mata sa sobrang gulat.
"Nakakadalawa ka na sakin ha.", sabi ko, "Sabi ko wag mo kong hahawakan di ba?"
Di pa din siya makapagsalita sa sobrang gulat.
"Pasalamat ka di suntok ang nakuha mo. Subukan mo pang pakealaman at hawakan ako gugutay-gutayin ko yang magandang mukha mo."
Nagsimulang umapaw ang takot sa mukha niya. Linapitan ko pa siya at napaatras siya.
"Alis.", sabi ko.
"Pag-babayaran mo---"
"Alis sabi!", tiningnan ko siya ng masama at kulang na lang kainin ko siya. Kaso tiyak pangit lasa ng babaeng ito.
Dali-dali naman siyang tumakbo paalis.
"Tagal mo naman.", sabi ni Ronin sakin sa labas ng gate. May bike siya at bitbit pa din niya ang bag ko. "Sakay na sa porsche ko! Hatid kita sa inyo.", abot tenga ang ngiti niya.
Grabe! Di ako makapaniwalang ginagawa niya to! Ano ba talagang tingin niya sakin?? Uto-uto??
"No. Akin na ang bag ko.", sabi ko.
"No. Sasakay ka ngayon dito.", sabi niya na ginagaya pa ko. "Sakay ka na kasi. Dali na."
No way! Mamatay na lang ako pero di ako sasakay dyan!
"Kung ganun dalhin mo na lang ang bag ko bukas.", sabi ko at naglakad na paalis.
Pero naglakad din siya sa tabi ko habang tulak-tulak niya ang bike.
"Ok. Di mo namang sinabing gusto mong maglakad. Magandang exercise din to di ba? Malayo ba ang bahay niyo dito? Palagi kang naglalakad?"
Di ko siya sinagot o pinansin. Uuwi din yan kapag na.OP at mapahiya sa sarili niya.
"Malapit na pala ang Acquintance party. Punta ka ha. Black night ang theme at tutugtog kami ng banda. May partner ka na ba?"
Dire-diretso pa din ang lakad ko.
"Teka asan na pala bike mo? Di ba may bike ka nung first day ng school?", sabi niya.
Pano niya nalaman yun??
"Nakita kita na nagbabike noon. Alam mo kasi ikaw lang ang babae na nagbabike dito sa school. Ang haba pa ng sayal mo.", tawa niya.
Napatingin ako sa kanya kaya napahinto siya sa pagtawa. Hindi ba siya ang nagsira sa bike ko? Bakit parang hindi?
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
RomanceHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..