the truth

96 1 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito??", tanong ko pagkatapos ng ilang minutong pagkakatunganga doon.

Saka siya lumingon sakin at agad na napangiti ng nakita ako.

"Tamang-tama! Luto na ang mami ko! Upo ka na!", sabi nito na nagsalin na sa plato namin.

Pagkalapag niya nun sa mesa ay inusog niya ang upuan at napatingin sakin, "Dali na."

Napabuka ang bibig ko pero di ko alam anong una kong sasabihin, kaya nanatili iyong nakabuka sa ere. Linapitan naman niya ko at akala ko anong gagawin niya kaya mabilis akong napaatras. Pero nahuli niya ang braso ko at agad na pinatong ang isa niyang kamay sa noo ko.

"Hmm. Wala ka nang lagnat? Good!", hinatak na niya ko papunta sa mesa, "Ngayon, kumain ka na dahil kailangan ka pa namin bukas.", pinaupo niya ko sa mesa. Umupo din naman siya sa katapat na upuan.

Nakatingin lang ako sa kanya. Gusto ko siyang paalisin pero...gusto ko din siyang nandito. But mas kailangan ko siyang paalisin di ba?

Napabuntong-hininga ako.

"Umalis ka na Ronin."

"Nope. Not until makita kong inubos mo yan."

"Please. Ayokong makipaglaro.", walang gana ang boses ko at tingin ko nahalata niya yun dahil naging seryoso ang boses niya.

"At tingin mo ba nakikipaglaro ako?"

"Bakit mo ba kasi ginagawa to?? Dun ka na lang sa Angelica mo!!", napatigil ako sa sinabi ko. Did i just sounded jelous?

Anak ng ipis na may bigote sa pwet! Ughh!!! Nana ano ba??? Really?? Ngayong mga panahon mo pa naibulalas yan?? Wala na nga di ba? Game over na!!

Napakunot ang noo ni Ronin.

"So...let me get this straight. Tungkol ba ang lahat ng to kay Angelica?"

"No!", bulalas ko. "Tungkol to sayo at yang katigasan ng ulo mo sa pagsunod-sunod sakin hanggang ngayon! Kami na nga ni Lowi di ba? Di mo pa ba yun maintindihan?? Hinding-hindi magiging tayo! And whatever that you are planning right now di yun mangyayari. I will never be yours!"

Naramdaman ko na lang hinahabol ko ang hininga ko. Na parang tumakbo ako ng napakalayo.

Biglang gusto kong umiyak. Bakit nasabi ko yun?? Gosh Nana hanggang kailan ka ba gagawa ng pagkakamali?? Bakit bigla-bigla ka na lang sumasabog dyan??

I hate it!!! Urghhh!

"Sige nga.", seryosong sabi ni Ronin na napasingkit pa ang mga mata, "Tutal nandito naman tayo magprankahan tayo Nana. Alam kong kayo ni Lowi, pero sabihin mo nga sakin, mahal mo ba siya?"

Napababa ako ng tingin. Bahagya akong nagulat sa tanong niya at the same time biglang nagpanik ang utak ko. Anong sasabihin ko??

"Mahirap ba ang tanong ko na di ka makasagot?"

Letsugarengreng talaga! Bwesit ka Ronin! Putingalasusu!

"Look at me Nana.", may diin ang pagkakasabi niya.

Napatingin ako sa kanya, "Ano pa bang sagot ang gusto mo? Kami na nga di ba?"

"So di mo siya mahal.", he smirked and it was like final na ang sinabi niya at sigurado na siya, "Kung di mo siya mahal bakit kayo?"

"Ronin ano bang gusto mong palabasin?"

"Answer me Nana!", halos sigaw niyang sabi.

I never feared anyone...or anything..not until now. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit. Na parang he could devour me anytime he wants. At pinipigilan lang niya ang sarili niya.

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon