Van

128 2 0
                                    


Shuknenes ni alipururu! Anong sinabi ko???!!!

Babawiin ko ba? Joke lang yun. Di yun sinasadya. Ugh! Ito ang bad habit ng bibig ko eh, kung anu-ano lang ang lumalabas.

Bigla namang tumawa si Ron2 ng malakas. Hawak-hawak pa nito ang tiyan niya habang tumatawa at nakatingin lang ako sa kanya.

Di ako makapaniwalang nagkagusto ako sa isang baliw na lalaki katulad niya.

"Umalis ka na nga Ron2!", galit kong sabi.

Anong nakakatawa sa sinabi ko?? Aba't di pa nagselos ang mokong! Samantala kanina ang lungkot niya! Nalaman lang niya na si Lowi tumawa na. Ano yun?  Masaya siyang si Lowi ang nagustuhan ko dahil wala akong chance?? Nakakainsulto ha!!

"Oo na aalis na.", sabi niya na tawa pa din ng tawa habang palabas na ng kwarto ko.

Di ko alam kung gano kalala ang sira ng ulo ng lalaking yun. Grabe, biglang magtatampo, mangungulit, magagalit, tapos biglang tatawa.

Hay naku... ano bang ginawa kong kasalanan at binigyan ako ng mga ganitong klase ng tao sa buhay ko??

......................................................

Agad na napaupo sa sahig si Ron2 pagkalabas na pagkalabas niya ng kwarto ni Nana. Agad na nawala ang ngiti sa mga labi niya. Hindi naman talaga siya masaya, pakiramdam pa nga niya gusto niyang umiyak pero di niya magawa. Sa lahat ng taong pwedeng magustuhan ni Nana, si Lowi pa talaga.

"Wala akong panama dun.", malungkot niyang bulong sa sarili niya, "Game over Ronin."

........................................................

Di ako nakatulog ng gabing yun kaya medyo inaantok ako sa mga lectures namin. Pinag-iisipan ko kung tama ba yung nasabi ko kay Ron2 kagabi. Ok naman siguro yun di ba? Di naman malalaman ni Ronin o ni Lowi yun. Kaso feeling ko tuloy nasaktan ko si Ron2.

Kanina kahit ngumingiti siya medyo matamlay pa din yung kilos niya. Sensitive pa naman yung isang yun. Kala mo sobra na akong mahal at madami ng pinagdaanan namin, di naman.

Hay naku...makakalimutan din naman siguro ni Ron2 yun paglipas ng mga araw. Di naman kami palaging nagkikita ni Lowi eh. Si Ronin ang palagi kong kasama kaya no worries. Soon he will smile again at magkakaroon din yun ng energy. Yun pa, madali lang yun makabangon.

Di na ko hinatid ni Ronin pauwi ng bahay dahil may practice daw sila ng basketball. Malapit na daw kasi ang School's Week kung saan maraming nagaganap na kalokohan sa school. Yung tipong Freshmen versus Juniors thing at iba pa. Ah! Wala akong pakealam.

Ibig sabihin magkakaroon ako ng isang linggong bakasyon. Ito ang mga favorite times ko. Yung nandoon lang ako sa bahay at walang ginagawa. No assignment, projects, or pag-aaral. Since wala naman akong plano na sumali sa kahit anong kalokohan nila, it will be a grand vacation.

Wait...kasama ko pala si Ron2 sa bahay. So hindi ito magiging normal grand vacation ko. Pero ok na din. Atleast kahit di ko makakasama si Ronin nandyan naman si Ron2.

Hay naku...nagugustuhan ko na talaga ata ang dalawang yun. Mukang mga tukmol naman! Bwesit!

Palabas na ko ng gate ng school ng may biglang may humarang na sasakyan sa harapan ko. Muntikan pa kong masagasaan kung di lang ako nakahinto agad. Agad namang bumukas ang pintuan ng van at bumaba mula dun ang ilang pamilyar na mga mukha. Mga barkada ni Lowi. Nakita ko pa si Lowi sa loob pero parang di ata siya masaya.

"Sama ka samin Nana!", sabi ng dalawang lalaki at namukhaan ko ang isa na si Brad.

Di pa ko nakakapagsalita ay hinawakan na nila ang magkabilang braso ko at binuhat ako sabay tulak sakin sa loob ng kotse. Bago pa ko makakurap, nasa loob na ako at nakaupo habang napapalibutan ng mga nakangising mga tao. Narinig ko ang pagbuntong hininga ng katabi ko na si Lowi, napahawak siya sa sentido niya na parang sumasakit iyun.

I was shock, confused and loading. Di pa maprocess ng utak ko kung ano ba talaga ang nangyari. It was too sudden. Di ako makagalaw at napatingin lang sa mga tao sa loob ng van.

"Hi I'm  Tanya Gonzaga. Nice to fin'ly meet you Nana.", sabi ng babaeng nasa front seat.

Napakunot-noo lang ako saka bumaling sa pintuan para lumabas sana. Everything is so wierd kaya gusto ko ng umuwi. Hinawakan ako bigla sa balikat ng lalaking nasa likod ng upuan namin.

"Hey. San ka pupunta. Sasama ka nga samin di ba?", sabi nito.

Tinanggal ko kamay niya sa braso ko, "Uuwi ako. Di ko sinabing sasama ako sa inyu.", sabi ko  saka binitawan niya ko na nakangiwi ang mukha.

"Put your seatbelts on guys. It's time to party!", narinig kong sabi ni Lance na siya palang driver.

Anak ng--- Di ba niya narinig ang sinabi ko???

Humarurot ang sasakyan kaya napasandal pa ako dahil sa bilis at bigla ng pag-andar nito.

"Sorry.", narinig kong sabi ni Lowi, "Pero can't you just go with us? Ngayon lang."

"No.", sabi ko kay Lowi.

Pagkatapos niya kong biglaain na isama dito?? Ano yun biglang oo din ako dito? Di ba ko pwedeng mag-isip muna. Di ko nga alam kung san kami pupunta eh.

"Don't worry. Walang alak na magaganap ngayon para sayo.", sabi pa ng babaeng si Tanya. Siya lang ata ang babae dito? Maliban sakin syempre.

At teka...may nagaganap na bang alak sa kanilang lahat dito.

"Special request ni Lowi dahil alam niyang di ka pwede nun.", sabi naman ng isa pang lalaki sa likuran ko na namukhaan kong drummer noon ng tumugtog sina Ronin sa party. "Christian Lavin Cortez pala. Call me Bin for short.",

"Ako nakilala mo pa ba ko Nana? Ako to si Brad. Pinakilala ka na ni Ronin minsan sakin.", sabi ng isang nasa likod. Siya ang kausap ni Ronin ng bigla na lang hawakan ni Ronin ang mga kamay ko habang naglalakad papuntang klase.

"Yeah you know me, i'm Iggy.", sabay kindat sakin. Siya naman yung kausap ni Ronin while naglulunch kami noon.

"Pit pala. Hi.", kaway ng katabi ni Lowi na ngayon ko lang napansin. Siya yung lalaking may dala ng shots na nainum ko noong party.

Ok. So kilala ko na silang lahat. Then what? Pano ako makakalabas dito? Ano ng gagawin ko?

"In case you don't know birthday ni Lowi ngayon.", sabi ni Tanya sa gitna ng pag-iisip ko.

Napalingon naman ako kay Lowi na napayuko lang pero halatang nakangiti. Mukang nahihiyang sinabi ni Tanya ito.

So...kung bday niya? Anong ginagawa ko dito? Ba't ako invited?

"Kaya your invited sa party.", dugtong ni Tanya.

"Bakit?", tanong ko.

Wait..with our uniforms on? Party agad? Pwedeng dahan-dahan muna? Masyado naman atang atat ang mga tao dito.

"Well because ikaw kasi ang rega---", napahinto si Tanya ng biglang nagpreno si Lance at napasubsub kaming lahat sa unahan.

"What Tanya meant is that because tingin namin bukod sa amin,isa ka sa pinaka close na kaibigan ni Lowi. Kasama nga dapat si Ronin kaso my practice siya eh.", sabi nito saka biglang paharurot din ng sasakyan kaya napasandal kami ulit sa mga upuan namin.

Seriously wala bang may planong sitahin ang driving ng lalaking to?? Nakakamatay ah!

"So your coming ok.", sabi ni Pit.

Wait...so birthday nga ni Lowi ngayon. Sasama ba ko? As if my choice pa ko. Nandito na ko eh. Alangan naman tumalon ako sa napakabilis na andar ng kotseng ito.

"It's not a question my dear.", sabi ni Tanya ng napansin ang pag-iisip ko, "Sasama ka talaga samin."

Nagpakawala ako ng hininga at sumandal sa upuan saka inicross ang mga kamay sa dibdib ko. Tumahimik na lang ako at pinabayaan silang lahat.

This is going to be a long drive.

And thi is going to be a long update!!

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon