Pinapasok ko Si Lowi muna sa bahay. Hihintayin niya akong magbihis para makapunta na kami sa bahay nila.
Nagulat naman si Ron2 ng makita si Lowi na pumasok. Kahit si Lowi ay nagulat din ng makita ito.
"Kamukhang-kamukha nga niya si Ronin.", sabi ni Lowi.
"Upo ka muna. Saglit lang ako.", sabi ko at tuloy-tuloy na ko sa kwarto ko.
Umupo naman si Lowi sa sala.
15 minutes din ang inabot ng matapos akong magbihis. Pagbaba ko ng hagdan, nakita kong may ipinakita si Lowi sa cellphone niya kay Ron2. Hindi ko makita ang mukha ni Ron2 pero nakita ko na napaigting ang mga bagang ni Lowi sa pinakita niya kay Ron2.
Dahan-dahan akong naglakad pero agad akong naramdaman ni Lowi kaya naitago niya yung cellphone niya bago ko masilip iyun.
Namutla silang dalawa ng nakita ako.
"Ano yun?", tanong ko sa kanila. Parang ayaw pa ata nilang ipaalam sakin.
"Wala.", sabi ni Lowi.
"Ano nga yun??", tumaas ang kilay ko sa kanilang dalawa.
"Sex scandal!", agad na sabi ni Ron2.
Binatukan ko siya. Napakamot naman siya sa ulo.
"Halika na nga Lowi.", sabi ko at tumayo naman siya na lihim na napapangiti.
"San kayo pupunta? Iiwan mo na naman ako?", sabi pa ni Ron2.
"Oo! Ayokong mag stay ng matagal sa manyakis na tulad mo.", sabi ko na patungo na sa pintuan.
Sumunod naman si Lowi.
"Ingat kayo ha! Lowi ingatan mo ang Nana ko! Lagot ka talaga sakin pag hinawakan mo yan! Akin na yan Lowi ha! Babye!!",
Napabuntong hininga ako ng nakaupo ako sa kotse ni Lowi. Ang daldal talaga ng isang yun!
"Mukhang close na kayo ni Ronin ah.", sabi ni Lowi.
"Ron2. Tawagin mo siyang Ron2 para magkaintindihan tayo. Si Ronin yung nasa school at Ron2 ang nasa bahay ko.", sabi ko.
"Ok.", ngiti nito at pinaandar na niya ang sasakyan.
Tahimik lang ako sa buong byahe. Nagsimula akong kabahan ng malapit na kami sa bahay nila.
Kahit excited ako may kaba pa din sa puso ko. Anong unang sasabihin ko? Matutuwa ba si lola kapag nakita niya ko? Namiss ba niya ko?? Kumusta na siya kung saan man siya ngayon? Ang daming tumatakbo sa utak ko.
Buti na lang at tahimik din si Lowi. Parang may malalim din siyang iniisip.
Pagdating sa kanilang bahay, dumiretso kami sa isang kakaibang kwarto nila doon. It was all white room. Maluwag iyun at may isang bilog na mesa sa gitna ng kwarto. May dalawang upuan na magkaharap sa isa't-isa at isang kandila sa gitna noon.
Iba siya sa inaasahan ko na puro itim sana, may mga buto ng tao at hayop o mga kakaibang bagay tulad sa mga pelikula pero kabaliktaran iyun sa lahat.
"Upo ka miss Dizon.", kindat niya sabay tulak sa upuan para makaupo ako. Alam kong nagbibiro siya pero di ko na pinansin at umupo na lang. Umikot din siya para umupo sa katapat kong upuan.
Tiningnan ko ang paligid at namangha ako kung gano kalinis at kaputi ang kwartong iyun. Walang kadumi-dumi. Parang mahihiya ang alikabok na magtambay doon.
"Not what you expected?", tanong niya.
"Oo.", sagot ko.
"Well, ayaw kasi ng lolo ko ng magulong kwarto, makalat at kung anu-anong bagay na nakalagay dito. He prefer a clean environment kapag nakikipag-usap kami sa mga multo."
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
RomansaHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..