Naramdaman ko ang sarili kong tumama sa lupa saka nagpagulong-gulong. Naghanap ako ng makakapitan pero sa lakas ng hangin ay nagpatuloy ako sa paggulong. Kahit naibaon ko na ang mga daliri ko sa lupa ay wala pa ding kwenta. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko pero nagulat ako ng papahulog na pala ako sa bangin. Mabilis akong nakakapit sa isang malaking bato habang nakalambitin na ako.
Maya-maya pa ay may narinig din akong nahuhulog at mas nagulat ako ng nakita ko si Ronin. Pero di tulad ko ay wala siyang nahawakan kaya nagdirediretso siya.
Sh*t!!!
Mabilis ko siyang nahawakan ng isa kong kamay.
F*ck! Ang bigat!!! Aaaaahhhhh!
"Nana.", sabi niya ng tiningala ako.
Pareho na kami ngayong nakalambitin sa bangin habang magkahawak ang mga kamay namin.
Naramdaman kong unti-unting bumibitaw ang isa kong kamay na nakahawak sa bato.
"F*ck!! Tulong!!!", sigaw ko.
Aaaahhh! Ang kamay ko! Ang sakit!!!
"Kumapit ka!", sigaw ko kay Ronin.
Mahigpit din naman ang hawak niya sa kamay ko.
Ang sakit...ang sakit...God! Pero di ako pwedeng bumitaw!!! Di ako bibitaw!!!
Unti-unti ng bumibitaw ang kamay ko na nakahawak sa bato dahil sa sobrang bigat namin.
Pero ok lang. Wala akong pakealam kung kaming dalawa ni Ronin ang mahuhulog. I don't care! I don't f*cking care!!! Di ako bibitaw kay Ronin kahit anong mangyari!!
Ito na ang katapusan...tiningnan ko si Ronin at napaiyak na lang ako. Sasama ako sa kanya. Kung dito ang magiging katapusan niya, sasama ako.
Nawalan nako ng pag-asa ng nabitawan ko ang bato pero naramdaman ko naman agad ang isang kamay na nakahawak sa braso ko. Nakita ko si Lowi sa taas na nakahawak sakin. Mahigpit din akong humawak sa braso niya.
"Kumapit kayo!", sigaw niya.
"Lowi!", masaya kong wika.
Maliligtas din kami!
"Wag kang bibitaw!", sabi ko kay Ronin.
Sinubukan akong hilahin ni Lowi pataas pero di niya magawa. Kita ko ang hirap niyang maitaas kami.
"Aaahhh!!! Sobrang bigat! Di ko kaya!", sigaw ni Lowi.
Dun na ko napaiyak ulit. Umiling-iling ako.
"No...kaya mo yan Lowi!", sabi ko pa.
"Nana..", sabi ni Ronin.
"No!!!", putol ko sa kung ano mang sasabihin niya, "Kumapit ka! Di kita bibitawan!! Narinig mo ko??"
Tiningnan ko ang ibaba ng bangin na isang maliit na ilog. Di ko alam kung maliit ba talaga yun o kung lumiit lang yun dahil sa taas ng bangin.
"Walang bibitaw ok??", sigaw ko sa kanilang dalawa.
"F*ck!! Shit!!", sigaw ni Lowi dahil unti-unti ng nagsaslide ang mga kamay namin sa braso ng isa't-isa.
"Nana.." ,tawag ulit ni Ronin.
"Di kita bibitawan...", sabi ko na napahagulgol na ng iyak, "No...di kita bibitawan Ronin. Mahal kita...please...tulong...tulong...tulungan niyo kami!", hagulgol kong iyak.
Kahit sino...tulungan niyo kami!!
"Aaarrggghhh!, Sh*t!", sigaw ni Lowi.
"Nana...", tawag ulit ni Ronin.
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
Roman d'amourHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..