Tiningnan ko ang upuan ko na puno ng basura, basag na itlog at pulang pintura. It was a mess.
Napabuntong hininga si Ronin sa tabi ko.
"Sinong may gawa nito?", tanong ni Ronin sa lahat ng kaklase kong andun.
"Jake may alam kaba dito?"
"Wala brad."
"Jestoni?"
"Wala din."
"Shaira?"
"E-ewan..."
"Wag mo na na nga lang palakihin ang gulong to.", sabi ko kay Ronin.
"Pero...wala ba talagang nakakita sinong may gawa??" , sabi ni Ronin sa buong klase.
"Pag dating namin ganyan na yan dyan eh.", sabi oa nbg isang kaklase namin.
"Oo nga Ronin.", sabi pa ng iba.
Alam ko kung sino ang may gawa. Pano ko nalaman? Tinanong ko sa babaeng multo na pagala-gala dito sa classroom. Noong una ay palagi siyang nasa labas ng pintuan pero dumadalas na siyang pumapasok sa loob ng klase. One thing na maganda sa mga multo kapag tinanong mo ay di sila marunong magsinungaling. Kaya nga sobrang vocal at honest ni Ron2 sa kanyang nararamdaman dahil dito.
Tiningnan ko ang babaeng tahimik lang na nakayuko at nagsusulat sa isang sulok. Siya ang may sala! Di ko alam pangalan niya pero lagot talaga siya sakin mamaya!
Napatingin siya sakin pero agad siyang yumuko ng tiningnan ko siya ng masama.
"Dun ka na lang muna sa upuan ko.", sabi ni Ronin sakin, "Maghahanap na lang ako ng available na upuan sa ibang classroom."
Umupo din naman ako sa upuan ni Ronin. Aarte pa ba ako? Katamad kaya mag hanap ng vacant seats sa ibang rooms at buhatin papunta sa room namin. Mahalaga di ko inutusan si Ronin.
Natapos ang araw na yun na ang topic ng buong school ay ang nangyari sa video ko. Mas lalo silang natakot sakin at dumami pa ang haka-haka. Nagkaroon pa ng issue na ginayuma ko daw si Ronin at Lowi. Oo, nadamay pa pangalan ni Lowi. Dikit din kasi ng dikit yung isang yun.
Pero kung tutuusin, this is my life. Ganito naman talaga ako kahit noon pa kaya parang wala lang sakin ang kaguluhang ito. Sanay na ko...this is so normal for me.
Di din naman sinundan ng kahit anong pang bubully ang araw na yun. Si Ronin palaging nakasunod sakin. Makulit as usual,..madaldal. Kala niya siya si Superman at paranoid na kala mo may mangyayaring masama sakin ano mang oras. Minsan, nakakapagod mainis sa kanya. Lugi kasi ako kasi tinatawanan niya lang ang inis ko.
"San mo nakita yung video?", tanong ni Ronin sakin habang sumasabay siya sakin palabas ng gate. Hatak-hatak niya pa din bike niya at ihahatid na naman daw ako.
Oo na, ako na itong hinahayaan siya kaso, ano bang magagawa ko kung ayaw niya talagang lumayo. Kanina muntikan ko na siyang mapatay sa ballpen ko kaso ang bilis umilag sa mga saksak ko. Eh napagod ako. Bahala na nga si Batman!
"Sino nagpakita sayo? Grabe! Eto ako ingat na ingat na di mo makita tapos mayroon pang tanga na nagpakita sayo. Sabihin mo sakin pano mo yun nakita?", tanong niya.
Ikaw ang tanga! Letsugarengreng ka Ronin! Ang sarap sabihin at ipamukha sayo kung gano ka katanga!
"Pwede ba di yun big deal.", sabi ko na lang.
"Yan ang hirap sa stone face eh. Di ko alam kung anong nararamdaman mo maliban na lang kung galit ka. Isang ekspresyon lang ba talaga kaya mong gawin? Pero di yun yung point ko. Ang point ko, kung di yun big deal sayo sakin oo. Kala ko pa naman kasi ok na ang tingin ng mga tao sayo. Tapos ngayon biglang hindi na.", napailing ito.
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
RomanceHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..