Ayoko ng mangulit..kapagod..haha..cge basa na kayo agad..
Alam kong nababaliw na ko. Alam kong sobrang tanga ko. Alam kong wala akong kwenta! At alam kong mas lalo ko lang pinalala ang sitwasyon!
Ok! Buong klase ko pinag-isipan ang lahat ng bagay. Una, hindi sila sigurado sa lahat ng mga sinabi nila. Haka-haka nga lang di ba? So, ibig sabihin, hindi din sila siguradong may mangyayaring masama kay Ronin kapag minahal ko siya o kapag iniwasan ko siya, walang assurance yun na maililigtas din si Ronin.
Pangalawa, di namin magiging kami ni Ronin dahil unang-una, ayoko! Oo nararamdaman ko ng lahat-lahat pero hindi ko naman yun ipapaalam kahit kanino. I plan on keeping it to myself, kaya kailangan ko pang tanungin si Lowi kung eepekto ba yung hindi kami sa sinasabi nilang kaechosan.
Pangatlo, kailangan kong mag focus sa pag-aaral. Malapit ng exams! Hindi ako matalino na kayang-kaya i-pick.up agad-agad lahat ng lessons namin. Marami din kaming projects at assignments kaya kailangan ko munang unahin yung mga yun.
Hay naku!... Bahala na nga si Batman!
........................................................
Uwian na at nagulat ako dahil bago ko maayos ang gamit ko ay nasa tabi ko na si Ronin. Nakangisi at hinihintay akong magligpit ng gamit.
"Uh...ihahatid na kita.", sabi niya.
"Wala kayong practice?", tanong ko habang linalagay mga gamit ko sa bag.
"Wala naman.", at pinihit niya ulo niya sa kabilang direksyon.
"Ronin tara na! May praktis pa tayo!", sigaw ng isang lalaking klasmate namin. Mukang kasali din siya sa team ng basketball.
Napakamot sa ulo si Ronin at di maipinta ang mukhang tumalikod sakin at pinuntahan ang klasmate namin.
By the time na paalis na ako ay nandyan na siya ulit sa tabi ko.
"Akala ko ba may praktis ka?", tanong ko.
"Ihahatid nga kita di ba?", sabi niya at kinuha ang bag ko, "Ok lang yun, mag-oovertime na lang ako mamaya sa praktis. Nagpaalam na ko kahapon kay coach at ok naman siya dun."
"Pero di mo naman ako kailangang ihatid Ronin.", sabi ko.
"Kaya nga. Nandito naman ako eh.", biglang sumabat si Lowi at nagulat kami ni Ronin na nasa tabi ko na siya.
Pinapagitnaan na ako ng dalawa ngayon habang patuloy kami sa paglalakad. Medyo pinagtitinginan pa kami ng ibang tao dahil nagsisilabasan na din yung ibang klase.
"Hindi..ok lang naman sakin ihatid siya eh.", sabi ni Ronin. "Busy ka sa upcoming festival ng school di ba?"
"Not really. Maasikaso naman kesa sakin ang vice President natin so everything is ok. Saka,.. sinusundo mo naman siya sa bahay nila papunta sa school so hayaan mo na lang ako ang maghatid sa kanya pauwi. Para patas di ba?", sabi pa ni Lowi.
"Kinidnap niyo siya noong birthday mo ng di ko alam, asan ang patas dun Lowi?", halata ang unti-unting pagkainis ni Ronin.
"Huli na akong nagsimula kesa sayo kaya humahabol lang ako. Para fair pa din kahit papano.", cool pa din si Lowi.
"Fair? So fair ba na para makuha ko number ni Nana may kapalit na pagnanakaw ng halik sa kanya?"
"Nagnakaw ka din naman ng halik. Hindi ba din ako pwede?"
"Hindi naman ito ang pinag-usapan natin di ba?"
"Woa! Baka hindi mo lang naintindihan pinag-usapan natin."
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
RomanceHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..