Good morning!

127 3 0
                                    

"Ugh!", dahan-dahan akong bumangon sa kama ko. Mataas na ang sikat ng araw sa kwarto ko at mainit na ang pakiramdam ko.

Kinusot ko muna ang mga mata ko at di ko namalayang napatitig ako sa kawalan ng ilang segundo. Ang bigat ng katawan ko na parang napagod ako sa kung ano mang pinagagagawa ko kagabi.

Kagabi???

Hmmmmm.....

Kagabi!!!! Anong nangyari kagabi??

Teka?....

Nag-isip ako ilang saglit at biglang bumuhos sakin lahat ng pangyayari pagkatapos niya akong yakapin sa ilalim ng ulan.

Hindi...hindi...hindi!!!!!

Naglulupasay ako doon sa kama ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko sa sobrang kahihiyan!

Una kong naalala ay sumuka ako sa damit ni Ronin ilang sandali pagkatapos niya akong yakapin.

Pangalawa, umangkas ako sa likod ng bike ni Ronin habang mahigpit ang yakap ko sa kanya. Inaamoy-amoy ko pa kubg gano siya kabango!

Pangatlo, kung anu-anong sinabi ko sa kanya na wierd things at naalala ko pang kinagat ko ang leeg niya! Kinagat ko!!! Ako talaga!!

Pang-apat, sinabihan ko siya kung gano siya kagwapo! My gooooodness!! Oooooohhhh Sheda pashneya!!!

Pang lima, kinomplement ko ang pag gigitara niya kahit di maganda boses niya. Kung gano siya kagaling! At kung gano ka-cool siya sa itaas ng stage! Nag thumbs up pa ko!! Nuknukining kumag naman eh!

At pang-anim, ang worst sa lahat ng nagawa ko! Di ko siya pinapauwi ng naihatid na niya ko sa bahay! Kumapit pa ko sa braso niya habang hinahatak ako ni mama papasok sa loob. Ayoko siyang umuwi dahil gusto ko siyang makasama ng habang buhay!!!! Habang buhay!!!!

Aaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!!!

Pagkatapos nun di ko na maalala pano ako nahiga sa kamang ito.

Letsugas ni singkamas at ni toyo na may patis!!!! Grrrrr!!!! I hate this! I hate this !!!!!!!

Pano na ako papasok nito sa school??? Anong mukhang ihaharap ko sa kanya??

"Good morning!", bati ni Ron2 sakin na kakapasok lang ng pader. Abot tenga ang mga ngiti niya.

"Alis!", sigaw ko dito at binato siya ng unan. Tumagos lang yun pero wala akong pakealam. Paulit-ulit ko siyang biato. All i know is ayoko siyang makita o makausap ngayon.

"Ano bang problema mo??", pagtataka niya, at kahit hindi naman talaga siya natatamaan, umiilag pa din ang tangang multo.

"I hate you!", sabi ko at ng wala na akong mapulot na gamit ay dali-dali akong pumasok sa loob ng CR.

Agad kong ni lock ang pintuan. Para akong tanga dahil tiyak na tatagos din naman ang isang yun sa kahit saan! Pero nakakainis lang kasi eh!

"Ba't ka ba nagkakaganyan?",tanong ni Ron2 sa labas at alam kong pinagtatawanan niya ako dahil sa boses niya!

"Pinagtatawanan mo ba ko Ron2?!", galit kong sigaw.

Ilang segundo bago siya sumagot, "No---" ,halatang pinipigilan niya ang pagtawa kaya lumabas ako ng CR.

Nakita ko siyang nakatakip ang bigbig ng kamay niya at humahagikgik. Ng nakita niya ako ay agad sumeryoso ang muka niya.

"Pinagtatawanan mo ko Ron2.", sabi ko at sobra akong napipikon!

Di ko alam kung bakit pero nakakapikon talaga!!!

"No.", seryoso niyang sabi.

Tiningnan ko siya ng masama! Alam kong nagsisinungaling siya!

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon