Doctor

155 4 0
                                    

"Doc ano pong sakit ko?", tanong ko sa kaharap kong doctor.

"Hmmm...", tiningnan niya ng maige ang mga lab results ko,"Makati ang tiyan mo kamo na para kang kinikiliti?"

"Opo.",

"Bumibilis tibok ng puso mo at natataranta ka.", sabi niya.

"Opo."

"Pinagpapawisan ka at nanlalamig ang mga kamay mo kamo?"

"Opo."

Paulit-ulit?? Sinabi ko pa lang kanina eh.

"Hmm..actually iha, normal naman lahat ng lab results mo. Walang deperensya sa katawan mo."

"Ok.", sabi ko. Pero di ko pa din maintindihan bakit nararamdaman ko lahat yun.

"Pwedeng kinakabahan ka lang dahil may mga pangyayaring ikinagugulat mo o ikinatatakot. Stress siguro. May pinagdadaanan ka ba ngayon?"

"Wala po."

Ikinagugulat?? Ikinatatakot?? Kailan ko ba huling naramdaman ang mga yun?? Ng namatay ang lola ko? Pero iba naman at yun eh.

"Kung ganun mayroon ka bang naobserbahan na kadalasang nagtritrigger sa ganitong nararamdaman mo? Tao o pangyayari halimbawa?",

Come to think of it, nararamdam ko ang sakit ko dahil ky Ronin at ky Ron2! Bwesit yung mga yun! Walang naidulot na maganda sa buhay ko!

"May isang lalaking makulit na sunod ng sunod sakin kahit di ko siya pinapansin. Ginugulo niya ang tahimik kong buhay at kahit ipagtabuyan ko na siya nandyan pa rin siya.", sabi ko.

Napangiti at napailing-iling ang doktor.

"Alam mo ba ang phrase na butterfly in the stomach?"

"Opo."

Di naman ako tanga eh.

Anong connect nun?

"Well, that is what your experiencing. Yung kati o kiliti sa tiyan mo ay ganun, butterfly in the stomach. Ganun lang ang way ng pagdescribe mo nito."

"Ha?",

Di ba...ganun lang yun sa mga taong...

"Ok. I'll make a diagnosis for you. You're in love. Congratulations! Mukang ngayon ka lang nakaranas nito kaya naninibago ka pa. It's ok. Bata ka pa. Just take it easy ok?"

ANOOOOO????

Bigla akong tumayo at dinabog ang mesa ng doktor.

"Bobo!!", sabi ko at agad na umalis doon.

Di ako makapaniwala. Ako??? In lo----Ugh! Kahit ang salitang yun ay di ko kilala at ang hirap banggitin.

Di pwede! Di yun totoo.

Nagkakamali lang ang doktor.

Naalala ko bigla ang nangyari kagabi.

........................................................

Agad kong tinadyakan ang ari ni Ronin at nagpagulong-gulong siya sa sahig sa sobrang sakit habang hawak-hawak ang kanya.

"Papatayin kita!!!!", sigaw ko at pumatong sa kanya saka sinakal ito.

Umubo-ubo siya at pulang-pula na ang mukha dahil di siya makahinga.

Bigla namang bumukas ang pinto at napasigaw si mommy sa nakita. Pero di ako nagpaawat dahil gusting-gusto ko siyang patayin!

"Nana tigilan mo yan!!!", inawat ako ni mommy at nabitawan ko si Ronin.

Panay ang ubo ni Ronin ng nakahinga na ito.

"Wag na wag ka ng magpapakita dito ha! Wag na wag mo na akong susundan sa school at higit sa lahat wag mo na akong aalukin sa party sa pamamagitan ng ginawa mo kanina!", galit kong sabi. "Mom! Paalisin mo na siya dito!"

Tumayo si Ronin at tiningnan ako.

"I'm sorry.", sabi niya sa mahinang boses.

Inalalayan naman siya ni mommy papunta sa labas.

Napaupo ako sa kama ko at napahawak sa dibdib ko. Mabilis pa din ang tibok ng puso ko at hinahabol ko ang hininga ko.

What just happened??

Biglang nag-appear si Ron2 sa harapan ko. Malungkot ang mga mata niyang tumalikod sakin at umalis.

....................................................

Ugh!

I've never felt soooo humiliated in my entire life! Tingin ng doktor na yun in-L ako eh hindi naman. Hindi nga ba? Ba't ako nagkakaganito??

Oh c'mmon. Isang buwan ko pa lang kilala in-L kagad eh halos patayin ko nga lang yun tuwing magkasama kami eh!

In any case, kailangan kong gumawa ng paraan. Di pwedeng mangyari to sakin! Ayokong mangyari to sakin! Pero anong gagawin ko??

Hmm..

Tingin ko kailangan kong magsimula kay Ron2. Kung tama ang hinala ko, iisa lang sila. Pero kung iisa lang sila bakit magkahiwalay sila?

Ay putingalasisi! Ngayon lang ako nag-effort mag-isip at ang gulo-gulo ng lahat!

Basta kay Ron2 ako mag-uumpisa!

Pagdating ko sa bahay ay tinanong ko agad si mommy kung sino ang  may-ari ng bahay na to, ang contact at ang address.

Pupuntahan ko ito bukas since Sunday naman at magtatanong kung anong history ng bahay nito.

"Wait Nana.", sabi ni mommy ng paakyat na ko ng hagdan pagkatapos ko siyang tanungin.

Napatigil ako at parang alam ko na ang sasabihin niya. Tungkol siguro sa insidente kagabi.

Tiningnan niya ko ng ilang segundo at napabuntong hininga siya.

"Goodnight.", ngiti niya.

"Ok.", sabi ko lang.

Weird. Akala ko pa naman pagsasabihan nita ako.

Pagpasok ko ng kwarto nadatnan ko si Ron2.

"Bakit mo tinanong sa mommy mo ang dating may-ari ng bahay na to?", sabi niya agad.

"Ano ngayon??", napataas ang kilay ko.

Bakit para siyang pulis kung makatanong na parang isang krimen ang ginawa kong pagtatanong.

"Gusto mo ba talaga akong mawala ng tuluyan dito?", sabi niya na puno ng kalungkutan ang mukha.

Di ako nakasagot. Bakit? Totoo eh! Well, he can see right through me.

"Kagabi, naramdaman kita. Naramdaman ko ang sarili ko sa katawan ni Ronin. It's as if sumanib ako sa kanya. Alam kong may nagawa akong masama sayo kagabi. Kung masama man para sayo na ipakita ang nararamdaman ko, pero...di mo naman ako kailangang ipagtabuyan eh. Aalis naman din ako dito, at di mo kailangang magmadali.", he was devastated. Kitang-kita ko sa mukha niya ang lungkot at ang pagpipigil niyang umiyak. I've never seen a face like this before.

Oh God! Sumasakit ang puso ko! Ayoko ng nakikita ko ngayon sa harapan ko. How come...how come...i'm hurting too??

Hurt? Oo, pamilyar ang pakiramdam na to sakin. Dahil ilang beses ko din itong naramdaman noon. Noong hinahayaan ko lang kung sinu-sino ang pumasok sa buhay ko...noong wala pa akong alam kung pano protektahan ang sarili ko...noong masyado pa akong mahina para labanan ang buong mundo.

Tumalikod ako sa kanya.

"Alis.", sabi ko.

"I will Nana.", sabi niya.

Ng naramdaman kong wala na ang presensya niya, humiga nako sa kama ko.

Napabuntong-hininga ako. At sa unang pagkakataon, di ako nakatulog ng maayos.

Hi guys..comment and vote po kayo ha! tnx!mwah!

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon