The Cricket Hill

106 4 3
                                    

"Ate Wilma! Lets go sa hill please! I want to go there again and play again with the crickets!" Masiglang sigaw ng batang si Kyle habang nakamasid sya sa burol sa likod ng ampunan na tinitirhan nya

"Baby! Galing lang tayo dyan yesterday! And nakakapagod umakyat baby! Hindi ka ba napapagod umakyat?" Tanong ni Wilma na syang inatasang magbantay kay Kyle

"Ate Wilma it is not nakakapagod! Its masaya kaya! Lets go!" Pagpupumilit ni Kyle habang hinihila ang laylayan ng damit ni Wilma

"Fine! Kung hindi ka lang malakas sa akin eh! But we still need to ask sister kung pwede." Sabi ni Wilma patukoy sa mga madre na namamahala sa ampunan

"Yehey! Lets go na ate!" Sigaw ni Kyle at nauna nang tumakbo papunta sa office ng mga madre

"Wait baby, don't run! Madadapa ka!" Sigaw ni Wilma habang hinahabol si Kyle

Habang tumatakbo, nabangga naman ni Kyle ang isang madre kaya napaupo si Kyle

"Oh Kyle. Are you okay? Why are you running?" Mahinahon na tanong ng madre habang pinapatayo si Kyle

"Sister I want to play in the cricket hill!" Masigabong sigaw ni Kyle habang tumatalon pa kaya napatingin yung madre kay Wilma

"Aligaga po yang si Kyle kanina pa po. Gusto po ulit umakyat sa burol. Pwede po ba?" Tanong ni Wilma

"Sure! Basta mag-iingat kayo doon. Wag mong papabayaan si Kyle. Baka gumulong yan pababa ng burol! Magdala ka ng extrang damit nya. Wag mong hahayaang matuyuan sya ng pawis!" Paalala ng madre

"Yey! Thank you po!" Sigaw ni Kyle at niyakap yung madre kaya napangiti na lang din yung madre

"Sister, pwede po ba naming isama si Lito sa cricket hill?" Nawala naman ang ngiti ng madre sa sinabi ni Kyle

"No baby. Hindi sya pwedeng sumama." Sagot ng madre

"But why?" Pagmamaktol ni Kyle

"Marami pa syang gagawin baby eh. Maglilinis pa sya!" Sagot nung madre

"But I want to play with him! He's nice!" Pagpupumilit ni Kyle

"No he's not! Baby diba I told you na, na don't play with him because he is bad!" Sabi nung madre

"No! Mabait si Lito!" Iyak ni Kyle

"Fine! But promise me na this is the last time na makikipaglaro ka sa kanya ha?" Sabi nung madre.

...

"Kyle wait! Hintayin mo naman ako! Nakakapagod!" Pagtawag ni Wilma habang hinahabol si Kyle paakyat ng burol

"Ako na pong susunod sa kanya." Sabi ni Lito habang tumatakbo rin paakyat

"Come here Lito. I will teach you how to catch crickets." Sabi ni Kyle at pumunta na sa halamanan sa isang gilid. Napatingin naman si Lito kay Wilma na parang nagpapatulong dahil hindi nya maintindihan ang English.

"Sabi nya sumunod ka daw sa kanya. Turuan ka daw nyang humuli ng kuliglig." Tumango lang naman si Lito at sinundan na si Kyle sa halamanan.

Hindi nagtagal ay nakahuli din sila ng tag-isang cricket.

"Lito, pindutin mo yung tiyan nya! Tutunog!" Pambibida ni Kyle na ginawa naman ni Lito. Kapwa naman sila napangiti habang pinaglalaruan ang mga cricket.

Maya-maya ay may nakita silang batang babae na umiiyak habang paakyat sa burol. Nilapitan naman ito ni Kyle habang naglalaro pa rin si Lito

"Hey, why are you crying?" Tanong ni Kyle

"Because mama wants us to leave na. I don't want to go home pa!" Iyak naman nung bata

"What's your name?" Tanong ulit ni Kyle

"Grace." Tipid na sagot ng batang babae

"My name is Kyle. Don't worry. I will hide you from your mama. You will not go home pa!" Sabi ni Kyle

"Grace! Grace where are you? Baby!" Nagulat naman yung dalawang bata sa narinig.

"Here, stand behind me. Hindi ka nila makikita dito." Bulong ni Kyle

"Miss may nakita ba kayong batang babae dito na dumaan?" Tanong nung babae kay Wilma.

"Opo. Yun po oh, sa likod ng batang lalaki." Pambubulgar ni Wilma sabay turo kay Kyle

"Ate Wilma!" Reklamo ni Kyle at doon na rin naiyak ulit si Grace

"Don't worry. I will not let them na makuha ka!" Pambibida ni Kyle

"Sorry baby boy, but we need to go home na." Sabi nung babae

"Hayaan mo na Kyle. Uuwi na sila." Sabi naman ni Wilma

"No! Hindi pa uuwi si Grace!" Sigaw ni Kyle at umiyak na rin

"I'm sorry but we need to go na. Grace lets go. Your dad needs to talk to his client so we better go home early." Sabi ng babae at hinila na ng sapilitan ang umiiyak na si Grace habang hila rin ito ng umiiyak ring si Kyle

"Kyle, let her go na! They need to go home na." Sabi ni Wilma habang hinihila din si Kyle hanggang sa naghiwalay na nga ang dalawang bata. Iyak pa rin ng iyak ang dalawa habang pilit silang pinaghihiwalay, habang pilit nilang inaabot ang isa't-isa.

Nang nakalayo na sila sa isa't-isa, biglang pinulot ni Kyle ang isang tsinelas nya at inihagis kay Grace

"Grace! Keep it! I will search for you soon!" Sigaw ni Kyle dahil magkalayo na sila. Pinulot naman ito ni Grace at sumigaw din

"Yes! I will wait for you!" Sigaw din ni Grace nang tuluyan nang hindi nila nakita ang isa't-isa...

...

Author's Note:
Oops, cut muna! Guys this is it! Ang promise ko sa inyo na sariling kwento nila Kyle at Grace! Sorry ngayon lang nagka-time ang inyong lingkod eh.

By the way, sorry rin kase medyo baduy itong first chapter. Hindi ko na nga nalagyan ng prologue eh. Pinilit ko kaseng gaein ito ngayon eh. Wag kayong mag-alala sa kabaduyan kase bata pa naman sila dito. Kung may mga hindi kayo naintindihan dito, maipapaliwanag ko din po yan sa mga susunod na chapters.

One more thing, may mga eksena kayong mababasa dito na naulit mula sa una kong kwento. Wag na po kayong magtaka dahil pareho lang naman sila. Kaso ang pinagkaiba lang, hindi na sila sa Mortem kaya wala nang patayan kaya makakaasa kayong malaking pagbabago sa kwento ang mababasa nyo. Yun lang po, sana suportahan nyo pa rin po ito gaya ng pagsuporta nyo sa una kong kwento. :)

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon