New Dudes in Town

17 1 0
                                    

"Guys! Pwede bang palitan na lang natin yung kanta natin? Mamayang gabi pa naman ang opening eh! May time pa tayo!" sabi ni Lyndon habang tinotono yung bass guitar nya

"Ngayon pa ba tayo magpapalit eh praktisado na natin buong kanta!" sabi naman ni Justin habang tinatap yung drum stick nya sa sahig

"Eh nahihirapan ako sa chorus ng Umagang Kay Ganda eh. Mag-isip na lang tayo ng madaling i-practice! Gaya ng Start of Something New! Simpleng kanta lang yun!" sabi ulit ni Lyndon

"Too late." sagot ni Justin at umayos na ng upo.

"Adrian ipahiram mo muna kay Lyndon yung gitara mo. Ikaw munang mag-bass. Palit muna kayo please." pakiusap ng lead vocalist na si Zandrex

"Ha? Ayoko nga! Hindi ko nga ipinapagamit sa iba itong baby guitar ko eh! Nag-bassist pa kase sya!" sagot ni Adrian

"Sige na, ngayon lang naman!" medyo iritadong sigaw ni Zandrex

"Kahit na! Ayoko pa rin!" sagot ni Adrian na parang bata

"Isa! Sasapakin kita dyan!" pagbabanta ni Zandrex

"Kahit bilangan mo yan ng hanggang one million, kung ayaw nyang ipahiram, wag mong pilitin!" sagot naman ni Justin

"At bakit ka nangingialam?" maotoridad na tanong ni Zandrex

"Eh para kang leader dyan eh! Porke ikaw ang LEAD vocalist akala mo ikaw na ang leader! Porke ikaw ang sumusustento sa amin?" namintig naman ang tainga ni Zandrex kaya tumayo ito at susugudin na sana si Justin nang pumagitna na si Lyndon

"Teka, tama na. Ayos na pala ako sa Umagang Kay Ganda na tugtugin gamit ang bass." sabi ni Lyndon

"Oh, yan naman pala eh! Aarte pa kase!" sabi ni Adrian. Kaya kahit bwisit na bwisit, umupo na lang sa isang tabi si Zandrex.

"Bakit hindi kayo naglaban? Sayang! Akala ko live show na!" napalingon naman silang apat sa lalaking nasa pinto

"Joseph wag ngayon! Lumabas ka na!" sabi ni Zandrex

"Ipagtabuyan ang boss? Baka gusto nyong tanggalan ko kayo ng trabaho?" Imbes na sumagot, inirapan na lang sya ni Zandrex

"By the way guys, naaalala nyo pa ba sina Grace at Allysa? Akalain nyong kaklase ko sya ngayon?" pag-oopen ng topic ni Joseph at nakiupo sa sofa

"Ako pa! Kababata ko kaya yung mga yun!" sagot ni Zandrex

"So may chance na magustuhan mo sila?" nanunuksong tanong ni Joseph

"Ulul! Mukha mo! Kapatid turing ko sa kanila! Para nga kaming triplets ng mga yun!" sagot ni Zandrex

"Weh? So kilala mo na yung mukhang gago na boyfriend ni Allysa?" tanong ni Joseph

"Meron ba? Akalain mo nga naman! May nakatiis sa ugali nya?" tanong ni Zandrex

"Oh? Yan ang triplets? Kababata? Hindi ka nga updated na may boyfie na si Allysa eh!" sabi ni Joseph

"Eh sa nawala na nga ang komunikasyon namin nung bakasyon! Tsaka naging busy na rin kami sa rehearsals at sa trabaho namin sa resto bar mo." sagot naman ni Zandrex

"Speaking of! Tapos na ba kayo sa rehearsals nyo? Mamayang gabi na yung opening nyo." sabi ni Joseph

"Wow! Manager ka namin?" tanong ni Justin

"Sort of. By the way, wag lang kayo basta kakanta mamaya ah! Give others a chance para makakanta din!" makahulugang sabi ni Joseph

"Hoy wag mong sasabihing kakanta ka rin?" iritadong tanong ni Justin

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon