Queenie's POV
Saktong isang buwan na nang lumipat ako dito sa SB. Isang buwan ko na ring nakakasama si Kyle. At mas lalong isang buwan na rin akong nagpapanggap na mabait! Ang hirap! Nakakasawa! Lalo na't gustong-gusto ko nang hampasin ng plywood ang pagmumukha ng Grace na yun! Nakakaasar! Sobrang bait nya! Hindi bagay sa kanya! Malandi sya eh! Inagaw nya ang dapat na sa akin!
Speaking of agaw, aagawin ko pabalik ang dapat sa akin! Sisiguraduhin kong disadvantage para kay Grace ang pagiging mabait nya! Thats great dahil mas madali kong maaagaw si Kyle.
Ano ba ang plano ko? Madali lang. Kakaibiganin ko yung haliparot na Grace na yun! And if I gained her trust, dun ko na unti-unting lalasunin ang utak ni Kyle para mapunta sya sa akin. Actually nagawa ko na yun.
Next step, I'll make sure na big percent ng time ni Kyle ay mapupunta sa akin, na malapit ko na ring ma-achieve.
Actually totoong may sakit ako sa puso. Pero ayon sa doctor, malapit na akong gumaling. At hinding-hindi ako papayag na gumaling agad ako! Kailangang mapasaakin muna si Kyle bago yun mangyari para sigurado nang hindi nya ako iiwan.
Kanina nga, check up ko kaya tinawagan ko si Kyle na samahan ako. Alam nyo kung anong naging plano ko kanina? Dahil nararamdaman kong good news ang sasabihin nya, gumawa ako ng paraan.
Alam nyo ginawa ko? Pasimple lang naman akong pumuslit kay Kyle at nagtungo sa ICU. Saktong may isang matandang babae dun. Tinakpan ko lang naman ang mukha nya hanggang sa mag-agaw buhay sya.
Nang nagkagulo na ang lahat, pasimple akong bumalik kay Kyle. Yung doctor naman ay pumunta sa matanda para buhayin pero nabigo sya.
Dahil dun, nanlumo ng sobra ang doctor at nagfile agad ng leave. Masyadong sinisi ang sarili eh.
Kita nyo? Kaya kong pumatay ng tao! Kaya humanda sa akin ang Grace na yan! Soon, dadaanin ko na rin sya sa santong paspasan!
Nang pauwi na kami, nadaanan namin ni Kyle sina Grace at kaibigan nya. Siyempre pabait-effect ako kaya nag-act akong concern at sinabi ko kay Kyle na tigilan muna sila.
Nagkamali yata ako dahil pinagbantaan ba naman nung kasama ni Grace ang buhay ko? Akala naman nya kaya nya ang isang tulad ko! Isang kalabit ko lang ng baril ko, bagsak ang babaeng yan! Pero hinay-hinay muna! Kailangan kong humanap ng tyempo.
At gabi na nga. I miss Kyle so much na! Kaya naman tinawagan ko muna si Grace para kunyaring inaatake ako. Akalain mong magkasama pala ang dalawa? Kung sinuswerte ka nga naman! Tipid pa sa load!
Makalipas ang ilang minuto ay may tumigil sa tricycle sa harap mismo ng sasakyan kaya isinubo ko agad ang inhaler ko at nag-act na inaatake.
"Queenie!" Sabi nya nang nabuksan na nya ang pinto ng sasakyan ko
"K-kyle!" pagkukunwari kong hindi makahinga
At yun na nga, kumanta n naman si Kyle. Actually kahit hindi pa sya kumakanta, mala-anghel na talaga boses nya kaya narerelax ako.
"A-ayos na ako. Uwi na tayo?" pagkukunwari ko pa rin.
Nang nasa bahay na kami,
"Dito na ako. Kailangan ko nang umalis eh. Babawi pa ako sa girlfriend ko. Bye!" yung girlfriend nya na naman! Actually that should be me! Hindi naman talaga kami nagbreak eh. Yung parents ko lang ang naghiwalay sa amin. We never really said goodbye though.
Bago pa sya nakalabas, hinil ko sya pabalik at hinalikan sya sa labi. Nung una nanlaban pa sya. Hinawakan pa nga nya ako sa likuran eh. I like the feeling but I need to act like an innocent angel.
"Uhm, I'm sorry Kyle. Nabigla lang ako." sabi ko at kunwaring umiwas ng tingin.
"A-ayos lang." sagot ny
"Sorry. But I admit, I still love you Kyle! Its my parents who end up our relationship! Wala na bang chance?" tanong ko. Sht! Nadala ako!
"Q-queenie." tanging sabi nya kaya tumawa ako
"I know we can't be together again! You have Grace, right? I'm so happy for you guys!" bakit ko ba sinasabi ito?
"But we can still be friends right?" friends my ass!
"Yes! Of course! That's better! Anyways, pwede mo ba akong samahan sa hospital sa kabilang province sa Saturday? I need to have second opinion." sabi ko
"Sure. Expect me there!" sabi nya at nagpaalam na.
Pagpasok ko ng bahay, dumiretso agad ako sa office ng kuya ko, si kuya Melvin.
Pagpasok ko, naabutan ko pa sya doon na tutok sa trabaho nya pero nilagpasan ko lang sya at dumiretso na sa cabinet nya kung saan nakatago ang iba't-ibang uri ng baril nya na galing pang ibang bansa ang iba.
"Hindi mo man lang ba yayakapin si kuya?" bitch! We're not even close!
"No!" tipid kong sagot
"What's with those guns, sis?" tanong nya sa akin
"Can I have some of your guns, kuya?" pagpapaalam ko
"Of course, you can! But use those guns wisely, huh!" sabi nya
"Naman! A wise woman like me can use a gun wisely!" sabi ko sabay paputok nung nakuha kong baril sa hawak na wine glass ni kuya. Natamaan yung glass at di napuruhan kahit konti ang kamay ni kuya
"Nice shot, sis!" sabi nya pero pinagpagan ko lang ang balikat ko bilang sagot.
Ibinalik ko naman ang mga baril sa pwesto nila
"I'll get those soon. I can't use those for now." sabi ko at lumabas na. Kailangan kong maghinay-hinay! Tutal malapit ko nang makuha ng buo ang trust ni Grace.
Nang nasa kwarto na ako, tinawagan ko naman ang isa sa mga kaklase nila Grace. Kaibigan din yata nya?
"Napatawag ka?" tanong nya
"How's Kyle and Grace?" tanong ko
"Hayun, happily together pa rin! Nakakainis nga eh. Ang sakit sa mata!" napangiti naman ako sa sagot nya. I picked the right person! Galit din kase sya kina Kyle at Grace. Traydor ang taong ito.
"Just keep your eyes on them. And keep your ears on me because anytime, I'll give my signal and you know what to do! Am I clear?" tanong ko. May plano na kase kami.
"Aye, aye!" sagot nya
"Mapagkakatiwalaan ba kita dito?" tanong ko
"Of course! You can count on me!" sagot nya
"Great! I'll send the money to your account." sabi ko at binabaan na sya.
Malapit ko nang maisakatuparan ang plano ko! Humanda kayo!
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...