Grace's POV
Makalipas ang ilang linggo, sobrang bored na talaga ako dito sa condo ni Joseph. Ayaw pa nila akong pagtrabahuin eh. Brain dead pa daw ako. Eh normal na nga ako eh! Kaya ko na! Kaso mapilit sila.
Dito pa lang daw muna ako sa unit ni Jose dahil nasa business trip pa sina mommy. Dalawa pala kami ni Sansan sa isang kwarto tas magkasama naman sina Joseph at Lester sa kabilang kwarto. Share lang.
Dahil gustong-gusto ko nang makalabas ng condo, tinext ko si Sansan para magpaalam.
Grace:
San!!! Ayoko na!!! Ang booooriiiing!!! Magma-mall lang ako ah!Nang mai-send yun, ibinulsa ko na agad cellphone ko at di na hinintay ang reply ni Sansan.
Sa mall, mali pala ang pagpunta ko dito. Mas boring pala. Wala man lang akong makausap.
Dun na lang ako sa ladies' wear nagtungo. Ang gaganda naman ng mga damit! Namili ako ng ilan at dinala sa fitting room para isukat.
Pagpasok ko, nagulat ako sa nadatnan.
"Mga salahula kayo!!!" Sigaw ko sa kanila.
Si Kyle lang naman na naka-topless habang hinahalikan ang isang babae na ga-singit ang suot. Labas pa nga ang cleavage nya! Kulang na lang ipagsigawan nyang, 'MAY CLEAVAGE AKO!!!'
Ito namang si Kyle, hawak-hawak pa ang puwet ng babae habang naghahalikan sila.
Kapwa naman sila napaayos dahil sa sigaw ko. Ngumisi naman sa akin si Kyle. Shocks! Mali yata ang sinabi ko! Nagtunog tuloy akong nagseselos na girlfriend!
"Bye, baby! Need to go!" Malanding sabi ng babae at hinaplos ang mukha ni Kyle.
"See you around baby!" Sagot naman nitong si Kyle at hinawakan na naman sa puwet si miss cleavage.
Bago pa lumabas ay naghalikan pa ang dalawa with dila. Napapikit na lang ako ng mariin dahil sa pandidiri.
"Ano yun? Sino yun? Bakit kayo naghahalikan?" Tanong ko kaya ngumisi sya
"Are you jealous, honey?" Umakyat naman lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa pagtawag nya ulit sa akin ng honey.
Namalayan ko na lang na hinahalikan na pala nya ako. Dahil dun ay tinulak ko sya ng malakas.
"Lumayo ka nga! At hindi ako nagseselos no! Asa ka pa! Inaalala ko ay si Via!" Sigaw ko
"Wala yun, kakilala ko lang yung babae noon. Namiss nya ako kaya hinalikan nya ako!" Sagot nya na nakangisi.
"Kaya nagpahalik ka na? Kaya hinawakan mo na puwet nya?" Tanong ko
"Alam mo? You sounds like a jealous girlfriend! Aminin mo na kase! Nagseselos ka no!" Sabi nya
"Ang kapal ng mukha mo! Umalis ka na nga! Magbibihis ako!" Sigaw ko
"Bakit mo pa ako papalabasin? Pwede namang ako ang magbihis sayo!" Sabi nya at itinaas na ang blouse ko
"Uy ano ba? Tumigil ka nga! Ang manyak mo!" Reklamo ko at pilit ibinababa ang blouse ko.
"Come on sweetie! Wag ka nang aarte na parang di ko pa nakikita buong katawan mo!" Bulong nya sa tainga ko na syang nagpahina sa akin.
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...