Grace' POV
Makaraan ang ilang linggo, mas napapadalas na ang pagsasama nila Kyle at Queenie. Ayos lang sa akin kase nagpapaalam naman sa akin si Queenie. Tini-text nya ako kung may pupuntahan sila ni Kyle. Nakakagaan lang ng loob itong si Queenie kase sa akin muna sya nagpapaalam bago sya nagpapasana kay Kyle.
Habang nagdidiscuss si sir, may bigla na lang tumawag kay Kyle
"Excuse me, sir. Can I answer my phone?" Pagpapaalam ni Kyle
"Of course, you can. Go ahead." Sagot ni sir.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Kyle.
"Excuse me sir. May I excuse myself for the whole day? Just an emergency sir! May sasamahan lang po ako sa hospital." Naramdaman kong lumingon sa akin si Allysa pero di ko sya nilingon.
"Sure!" Sagot ni sir.
Kinuha naman ni Kyle yung bag nya. Akala ko lalabas na sya pero naglakad sya papunta sa akin
"Sorry, hindi muna kita maihahatid mamayang uwian ha? Babawi ako next time! Sasamahan ko lang si Queenie sa check up nya." Sabi nya sa akin kaya tumango lang ako
"Ge, bye honey ko. I love you!" Sabi nya at hinalikan ako saglit sa lips.
Umalis naman na sya pero bago sya nakalabas ay lumingon sya sa akin at nagsalita na walang boses.
"Babawi ako!" Nabasa ko naman ang sinabi ng bibig nya kaya ngumiti ako at tumango.
"Nagpapadala na naman si tanga!" Pagpaparinig ni Allysa pero di ko na pinansin.
Sabay kaming naglunch ni Allysa ngayon. Pero pansin ko talagang problemado sya eh. Ano kayang meron? Hayaan mo na nga. Baka dinadalaw lang. Baka ma-beast mode kapag kinulit ko pa.
Hindi pumasok ang blood band ngayon dahil nagpractice para sa kakantahin nila sa program ng school.
Uwian na at sabay kaming lumabas ni Allysa. Habang naglalakad ay tinawagan ko muna si Kyle. Buti sinagot nya agad.
"Kyle, nasaan ka?" Tanong ko
"Uhm, nasa labas lang. May inaasikaso lang." Pabulong nyang sagot
"Bakit ka bumubulong?" Tanong ko
"Bawal kase ang cellphone dito eh. Pumuslit lang ako." Napatango na lang ako sa sinabi nya.
"Sinong kasama mo?" Tanong ko
"Si kuya Drex." Sakto namang nasa tapat na kami ng music room at lumabas doon sina Sansan at ibang blood band.
"Uy, Sansan! Nasaan si Kyle?" Tanong ko
Toot toot toot
"Ay namatay?" Sabi ko nang pinatay ni Kyle ang cellphone nya
"Si Kyle? Ewan ko eh. Wala syang nabanggit sa akin na pupuntahan nya." Napatingin naman ako kay Ally at masama ang tingin sa akin. Narinig kase nya yung sinabi ni Kyle sa cellpgone earlier. Naka-loud speaker kase ako.
"Sansan, kausapin mo yung kapatid mo ha!" Sabi ni Allysa kay Sansan.
"Bakit? May nangyari na naman ba?" Medyo galit na tanong ni Sansan
"W-wala naman!" Sagot ko
"Anong wala? Sinungaling yang kapatid mo! Tara na nga Grace!" Sabi ni Ally at hinila na ako palayo.
Makakailang na katahimikan ang namagitan sa amin ni Ally habang naglalakad palabas ng gate.
"Uhm, bestie? Magpahatid na lang tayo sa boyfriend mo!" Sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...