Kyle's POV
Mula sa school, umuwi muna ako sa condo para magbihis. May trabaho pa kase ako sa condo.
Para saan pa nga ba't nagtratrabaho ako? Diba nagtratrabaho lang naman ako para kay Grace? Ngayong wala na sya, para saan pa ang pagtratrabaho ko?
Para saan pang kumakain ako, para saan pa na malakas ako, kung ang taong tunay na nagbibigay sa akin ng lakas ay nawala na.
Para saan pang nag-aaral ako, kung iniwan na ako ng taong paglalaanan ko ng future ko?
Ganoon na ba talaga ako ka-insensitive? Hindi ko ba talaga naiintindihan ang mga tunay na gusto nyang sabihin? Masyado ko na bang napi-prioritize si Queenie? Napapabayaan ko na ba si Grace?
Pagpasok ko sa kwarto, naabutan ko si kuya Drex na naglalagay ng mga damit nya sa maleta nya.
"Kuya, saan ka pupunta?" Tanong ko
"Sa Isabela. May kailangan lang akong asikasuhin doon. Doon muna siguro ako mag-aaral pansamantala." Sagot nya
"Sama ako." Sabi ko
"Wag na. Dito ka na lang. Ipagpatuloy mo na lang ang pag-aaral mo dito." Sabi ni kuya
"Kapag sina Lito at Justin, sinasama mo doon! Ako na kapatid mo na tunay na taga-doon, ayaw mong isama."
"Wag ka nang magtampo! May aasikasuhin lang si kuya! Para din naman ito sayo eh. Babalikan din kita! Promise, babalik si kuya!" Sabi nya at hinalikan nya ako sa noo
"Sige! Ganyan ka naman! Alam mo na ngang broken hearted ako tapos iiwan mo ako? Hindi mo man lang ba naisip na inisip ko na ring magpakamatay." Sabi ko
"Hindi naman sa ganoon! Para din ito sayo. Isipin mo na lang na ginagawa ko ito para maging independent at matatag ka!" Sabi ni kuya
"Sige! Umalis ka na! Iwanan mo na ako!" Sabi ko at tinalikuran na sya para makapagbihis na ako.
"May mighty wifi naman dito sa condo! Kahit araw-gabing tawagan pa eh! Gagawin ko pa naman ang role ko bilang kuya sayo! Tsaka di naman kita kakalimutan! Paano kita makakalimutan kung para sayo naman itong ginagawa ko!" Paliwanang nya
"Kuya? Paanong para sa akin ang gagawin mo eh iiwan mo naman ako!" Sigaw ko
"Dahil aasikasuhin ko ang lahat sayo sa Isabela! Ayos na? Kyle naman! Makinig ka naman sa kuya kahit ngayon lang! Para talaga ito sayo! Tsaka nandito pa naman ang iba naying kasama eh! Si Allysa! Si Jayson! Yung mga kaibigan nya! Yung blood band, kasama mo pa rin! Tsaka pinakiusapan ko na rin si Lito na samahan ka dito pansamantala." Natigil naman ako sa sinabi nya
"Si Lito? Si Lito ang makakasama ko dito?" Tanong ko
"Oo. I hope magkasundo na kayo officially." Asa ka pa, kuya! Kahit kailan hindi ko sya matatanggap! Kahit katiting hindi sya dumikit sa ugali ni kuya Drex. Basta ayoko lang sa kanya!
Tumango lang ako bilang sagot. Ayoko sa Lito na yan at sisiguraduhin kong hindi nya magugustuhan ang pagtira kasama ko!!
"Nice! Thats my bro! Una na ako ha? Kailangan ko na talagang umalis! Bye!" Sabi ni kuya at hinalikan na naman ako sa noo. Dahil nakabihis na rin ako, tahimik akong sumabay sa kanya palabas.
"May trabaho ka pala diba? Ihatid na kita?" Tanong nya
"Wag na. Marami pang taxi sa labas." Sagot ko na lang
"Aish! Sabay ka na! Matagal pa ulit bago kita makakasama eh." Hindi na ako sumagot dahil nagtatampo talaga ako.
Nagpahatid na rin naman ako sa resto bar. Papasok na sana ako pero lumingon ako pabalik kay kuya na nasa labas pa pala ng sasakyan nya habang hinihintay akong makapasok. Naiyak naman ulit ako kaya bumalik ako at niyakap sya
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...