Letter

9 0 0
                                    

Zandrex' POV

Alas nueve ng gabi nang makarating dito si Kyle kasama ni Lyndon at nung driver. Pauwi na sana si Lyndon pero di ko na sya pinayagan. Anong oras na rin at baka anong mangyari sa kanya sa daan.

Kaya yun, magkakatabi kaming tatlo nila Kyle at Joseph dito sa sahig natulog, samantalang nasa magkabilang sofa naman sina Lyndon at Xande... Lito pala. Pero kahit na! Sya pa rin naman yung kilala kong Xander na itinuring kong kapatid.

Anong oras na nung natulog kami ni Kyle. Siyempre nag-bonding muna kami kahit sa cafeteria muna ng hospital. Bumawi ako sa kanya kahit papano. Baka sa bakasyon ipagpakilala ko na sya sa amin sa Isabela. Medyo nakakahiya nga sa parents ko kase pangalawang pakilala ko na to. Buti sana kung girlfriend ko ipapakilala ko. Kaso yung pinapangarap kong girlfriend, iba yung pinapangarap na boyfriend. At yung kapatid ko pa. Kinakapatid, rather. Pero kapatid pa rin turing ko kay Lito, promise! Hindi yun nagbago!

Speaking of Lito, hindi na nya ako kinausap mula nung tumawag si Kyle. Nakaramdam yata ng awakwardness? Tas nung dumating kami kagabi ni Kyle sa room, nakatulog na sya.

Paggising ko, gising na sina Via at Grace. Nag-uusap lang sila sa kama about something. Sina Kyle at Joseph naman tulog pa. Tapos si Lyndon, nagising na rin pero nagpaalam din agad na babalik muna sa condo. Pero wala si Lito. Baka maagang bumalik sa condo.

"Good morning guys! Good morning bestie!" bati ni Allysa nung dumating

"Hello guys! Anong meron?" tanong naman ni Jayson at dumiretso na sa ref. Dahil sa kanila, nagising na rin sina Kyle at Joseph

"Uy! Ang aga nyo ah!" bati ni Kyle at dumiretso na sa CR para makapaghilamos.

"Yeah. Matitiis ko ba itong bestie ko?" sagot ni Allysa

"Salamat bestie ah!" sabi naman ni Grace.

"Naman! Kaya nga ako bumalik ng SB eh. Kase nabalitaan kong may iba na si Kyle eh. Tsaka inaapi ka pa nya! Papayag ba ako nun? Hindi! Baka unahin ko pang patayin yang boyfie mo eh!" sabi ni Ally

"Uy grabe! Napilitan lang ako nun!" sabi ni Kyle habang nagpupunas ng mukha

"May napilitan bang nakipaghalikan sa fiance sa harap ng ex?" sagot naman ni Joseph

"Isa ka pa! Wag ka nang magsalita. Ang baho ng hininga mo! Magmumog ka muna! Basta kahit ano pa yan, hate ko talaga si Kyle sa ginawa nya sa bestie ko!"

"Sasa! Next topic! Wag mo munang ipaalala kay Sese!" pagsuway ko "Tsaka wag mong inaaway ang kapatid ko ah!" dagdag ko pa

"Woo! Kapatid daw? Lahat naman kapatid mo eh! Iuntog ko pa yang Kyle na yan sa abs ng boyfriend ko eh!" sagot ni Allysa

"Seryoso. Kapatid ko si Kyle!" sabi ko

"Ooh. Umikot pala ang mundo. Akala ko si Lito ang kapatid mo? Iba na?" tanong nya

"Akala ko rin. Basta mahabang kwento." sabi ko na lang.

"Kaya naman pala magkamukha kayo! Pareho halos lahat ng features nyo. Mas maputi nga lang sya ng slight." sabi naman ni Jayson na nilalantakan yung ice cream sa ref.

"Huy, kay Via yan! Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ni Joseph na syang nagdala kahapon. Kumuha sya ng tag-isa kami eh

"Oh, hayan! Ang takaw eh! Umuwi ka na nga!" sabi naman ni Sasa

"Ally, ayos lang. Sige lang Jayson. Sayo na yan. Di naman namin mauubos lahat ng laman ng ref eh." sabi naman ni Via

At yun na nga, pinag-usapan namin yung about sa amin ni Kyle. Hindi na ako masyadong nagsalita. Kaya na nila yan. Nag-aalala kase ako kay Lito eh. Ano na kayang ginagawa nya sa condo?

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon