The First Goodbye

23 3 0
                                    


Naging masaya naman kami kahit papano ni Queenie. Kaso dumating ang araw na pinakakinakatakutan ko. Ang graduation

"Guys! Selfie, selfie!" sabi nung isa kong tropa kaya tumabi ako sa kanila at naki-picture. Kulang na lang maubusan kami ng pose dahil sa dami ng nakuha nyang picture.

"So ano? Outing tayo sa linggo? Sagot ko na entrance. Sa tito ko yung resort!" sabi nung isa kong kaklase kaya naghiyawan kami

"Tutal, mayaman naman si Kyle, sa kanya na ang foods!" sabi nung isa kaya napakamot ako ng batok

"Hindi ako marunong magluto masyado eh." sagot ko

"Ano ka ba! Magaling namang magluto si Queenie! Patulugin mo na sa bahay nyo!" sabi nung isa pa. Minsan kase, nags-sleep over kami sa kung saan-saang bahay ng kaklase namin tas si Queenie ang tagaluto namin.

"Eh? Pwede din. Speaking of, nasaan na ba si Queenie?" tanong ko tsaka umalis na muna sa barkada. Sa malapit sa gate, nakita ko sya na kausap yung magulang nya

"Queenie!" pagtawag ko kaya tinignan nila ako. Humarap naman ulit si Queenie sa magulang nya. Tumango naman yung mommy nya kaya pumunta sa akin si Queenie. Bakit ang seryoso nya? Ok, that's weird!

"Queenie! Kanina pa kita hinahanap! Hindi ka tuloy nakasali sa groupie natin! Pero wag kang mag-alala, may outing tayo sa linggo. Sabi nga nila ikaw magluluto eh!" sabi ko trying to lift up the mood. Masyadong awkward eh

"Kyle, aalis na ako!" seryoso nyang sagot na nakatingin ng diretso sa mata ko

"Ha? Bakit naman? Nasa loob pa mga kaklase natin eh! Tara maki-picture muna doon!" sabi ko at hinila sya pero nagmatigas sya

"I mean, aalis na kami. Pupunta kaming states." natigil naman ako sa sinabi nya

"You're kidding right?" natatawa kong tanong

"Kyle, I love you but I have to do this! For me, for you, for us, for our future!" sagot naman nya

"So leaving is the best way? Bakit, hindi ba magiging masaya kapag nag-stay ka?" tanong ko

"Kyle naman! I said it is for us naman! Bakit hindi mo ako maintindihan! Pupunta ako doon para ipagpatuloy ang pag-aaral! May communications naman tayo! Gusto mo magdamagan pang tawagan eh!" sigaw nya sa akin

"So ganoon pala kadali lang sayo yun, na magkahiwalay tayo!" sabi ko sabay mapait na ngiti

"Kyle! Nahihirapan na ako! Bakit ba kase hindi mo ako magawang maintindihan! This is not only for my own good! Hindi lang ako mag-aaral doon para sa sarili ko! Para sa atin din yun! Tsaka ayon kina mommy mas maganda daw ang environment doon kesa dito para hindi lumala ang sakit ko! Kyle isipin mo na lang yung sakit ko! Isipin mo na lang na pupunta ako doon para magpagaling!" sigaw ni Queenie

"Sa tingin mo ba hindi kita maalagaan dito? Queenie maraming magagaling na doktor dito sa Pilipinas! Bakit kailangan mo pang lumayo?" sigaw ko din

"Kyle nama---"

"Kung gusto mong umalis, umalis ka na!" sigaw ko tsaka tumalikod na

"Kyle please naman oh! Para din naman ito sa atin!" pero hindi ko sya pinansin

"Kyle! K-kyle! T-teka l-lang! Tek-teka lang!" napalingon naman ako at nakayuko na sya habang hawak ang inhaler nya habang inaatake na

"Queenie? Queenie!!!" sigaw ko at tinulungan syang tumayo

*****

Kasalukuyan kaming nandito sa hospital ngayon kasama ng parents ni Queenie. Suot ko pa nga yung toga ko eh. Nakaupo kami ni tita sa hilera ng upuan sa hallway habang nasa loob ng room ni Queenie yung daddy nya

"T-tita. Sorry po." sabi ko na nakayuko

"Kita mo ginawa mo? Nagpaalam ng maayos yung anak ko diba? Pero anong ginawa mo? Hindi mo pinaniwalaan? Pinaiyak mo sya!" sagot i tita na hindi tumitingin sa akin

"Sorry po, hindi ko po sinasadya! Nabigla lang po talaga ako!" sabi ko at may tumulong luha sa mata ko

"Alam mo bang mamayang madaling-araw na ang flight namin? Tsaka kaninang nakita mo kami, paalis na kami papuntang airport. Pinagbigyan na nga kitang makausap saglit yung anak ko kaso anong ginawa mo?" sabi ni tita kaya 

"Babawi po ako sa anak ko tita, promise po yan!" desidido kong sagot

"Too late, hijo! Salamat na lang sa pagmamahal mo sa anak ko but its over! Sorry pero ako na ang pumuputol sa relasyon nyo o sa anumang komunikasyong meron kayo! You may now leave!" sabi ni tita at papasok na sana nang hilain ko sya

"Tita, wag naman po! Gagawa po ako ng paraan." sabi ko

"I said its too late! Hijo umuwi ka na! Maghahating gabi na! Baka hinahanap ka na sa inyo!" sabi ni tita at tuluyan nang pumasok. Ako naman, tuluyan na ring umiyak. Basta natagpuan ko na lang sarili ko na umiiyak habang pauwi sa bahay.

Kumukulog, kumikidlat, umuulan ng malakas, umiihip ang malakas na hangin. Lahat na yata ng kamalasan inabot ko na habang naglalakad pauwi ng bahay. Pero lahat ng yun ay hindi ko napansin dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Iyak lang ako ng iyak habang naglalakad. Hanggang sa nahanap ko na nga ang hinahanap ko, bigla na lang nandilim ang paningin ko at kasabay nun ang pagkatumba ko sa malamig na semento ng kalsada.

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon