Third Person's POV
Habang nagkakasiyahan ang lahat sa likod ng bahay nila Grace, masaya namang naghahabulan sa harap ng bahay sina Luke at Adrian.
"Wait lang baby! Sumakit tiyan ni ninong!" Sabi ni Adrian.
"Ok po ninong!" Sagot naman ng bata.
"Tara, sama ka sa loob." Sabi ni Adrian at hihilain na sana si Luke pero hinila nito pabalik ang braso nito.
Dito lang na-realize ni Adrian na ayaw palang pumasok ni Luke sa loob ng bahay.
Luminga-linga naman si Adrian at nakita nya si Grace na nakaupo sa di kalayuan.
"Gracia! Pabantay naman saglit si Luke oh!" Sabi ni Adrian.
"Paano kung ayaw ko?" Taas-kilay na tanong ni Grace.
"Saglit lang! Ang sakit ng tiyan ko!" Sabi ni Adrian at papasok na sana nang yakapin sya sa likod ni Luke.
"Ninong! Dito ka!" Sabi ng bata
"Saglit lang talaag baby! Babalik ako!" Sabi ni Adrian at tuluyan nang iniwan si Luke sa labas ang bata.
Napalingon naman si Luke at nakita nya si Grace na masama ang tingin sa kanya.
"I don't want to be a babysitter!" Sabi na lang ni Grace at nauna nang umalis.
Naiwan namnag umiiyak si Luke dahil wala na syang kasama sa labas.
Umupo na lang sya at idinukdok ang mukha sa tuhod habang umiiyak pa rin.
"Anak?" Napalingon naman si Luke sa babaeng nagsalita
"Ikaw yung witch?" Gulat na tanong ni Luke.
"Ako nga! Halika na, sumama ka!" Sabi ni Queenie at hahawakan na sana si Luke pero umiwas ang bata.
"No! Sabi ni daddy wag daw akong sumama sa strangers!" Sabi ng bata.
"But I'm your mommy!" Sabi ni Queenie
"No! Hindi ikaw si mommy Grace!" Sigaw ni Luke.
Namintig naman ang tainga ni Queenie sa narinig.
"Ginagalit mo akong bata ka? Halika, sumama ka!" Galit na sigaw ni Queenie at sapilitang binuhat ang bata.
Mas lumakas naman ang iyak ng bata habang nagpupumiglas pero hindi yun dinig ng mga tao sa likod dahil sa lakas ng tugtog.
"Hindi ikaw ang mommy ko! Mommy Grace!!!" Sigaw ng bata baka sakaling marinig ni Grace na kanina'y kasama lang nya.
Mas lalong nagalit si Queenie sa sinabi ng bata kaya hinagis nya ito sa upuan sa backseat ng kotse nya.
"Manahimik ka!!! Sumama ka na lang!!!" Sigaw ni Queenie at sumakay na rin para magdrive, samantalang iyak pa rin ng iyak ang batang si Luke.
Pagkarating sa bahay nila Queenie, kinaladkad nya agad ang bata patungo sa isang kwarto.
"Bakit ayaw mong sumama? Ayaw mo ba dito? Look oh! Inayos pa ni mommy itong room mo! Nagustuhan mo ba?" Sabi ni Queenie.
"No! Ayaw ko! Si daddy ang gusto ko!" Sigaw ng bata habang nagpupumiglas pa rin.
"Oh! I almost forgot! Si Kyle pala, tawagan ko lang!" Sabi ni Queenie at kinuha sa bulsa nya ang cellphone nya.
Dahil sa pagkakabitaw ni Queenie kay Luke, sinulit na ng bata ang pagkakataon para makatakbo.
"Hep! Saan ka pupunta?" Tanong ni Queenie nang nahawakan ang kwelyo ng bata.
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...