Lester's POV
Pangatlong araw na pero hindi pa pumapasok si Allysa. Nag-aalala na ako sa kanya. Dalawin ko na lang kaya sya sa bahay nila? Pero nakakahiya sa mommy nya eh.
"Mr. Viloria!" sigaw nung teacher namin
"Yes ma'am?" sagot ko
"For the fourth time! Mr. Viloria, ano bang nangyayari sayo? Tatlong araw ka nang lutang sa klase ko ah!" sabi ni ma'am
"Sorry po." sabi ko at yumuko na lang. Tinap naman nila Danilo at Derrick ang balikat ko.
Lunch break,
"Lester! Ano bang nangyayari sayo? Pati kami hindi mo na nakakausap ng maayos ah! Ano ba kaseng problema?" tanong ni Derrick
"Eh tatlong araw nang hindi pumapasok si Allysa eh." sagot ko
"Oo nga. Pansin ko din yun! Pati si Jayson! Ang tagal na ding di nagpaparamdam. Baka nagtanan na sila?" sinipa ko naman paa ni Danilo dahil sa sinabi nya
"Kung wala kang sasabihing matino, wag ka nang magsalita." sabi ko at pinandilatan sya ng mata
"No offense lang bro ha, pansin ko din yun. Akala ko coincidence lang kaya hinahayaan ko lang. Tatlong araw ko na rin kaseng hindi naririnig yung apelyido nila ni Jayson sa attendance eh. Sorry ha, pero feeling ko magkasama silang nagtransfer.
"Hindi! Hindi!" paulit-ulit kong binubulong sa sarili ko para makumbinsi ang sarili kong hindi yun totoo
"Kausapin mo kaya si ma'am? Tanungin mo para makasiguro ka. At kung sakali mang nagtransfer sila, edi sundan natin! Magtransfer din tayo!" dahil sa sinabi ni Derrick ay napatayo ako at tumakbo sa office ni ma'am
Walang katok-katok akong pumasok sa office
"Ma'am, nasaan po sina Allysa?" tanong ko
"Allysa? Repancol? Nagtransfer na sya! Sila ni Mr. Cabotaje." halos magunaw naman ang mundo ko sa narinig
"Saan daw po sila nagtransfer?" tanong ko
"Sa SB." bumalik na si Ally sa SB? Bakit? At bakit kasama nya si Jayson?
"Ma'am, magtratransfer din po ako!" desidido kong sabi kay ma'am
"I'm sorry pero hindi na pwede." sagot nya
"Eh bakit sina Allysa at Jayson pinayagan nyo?" tanong ko
"Kase yung principal na agad ang kinausap nila noon. At bago mag-4th quarter sila nagtransfer kaya pinayagan. Nung nasa Ilocos pa ang tayo kinausap na nila si ma'am. Wala na tayong magagawa." paliwanag ni ma'am
"Wala na po bang ibang paraan?"
"Sorry wala na. Sa susunod na pasukan na lang kung gusto mo." sabi ni ma'am at nagkibit balikat.
Wala na akong nagawa kundi lumabas at doon nakita ko nakaabang sina Derrick at Danilo. Tinanong pa nila kung anong nangyari pero ngumiti lang ako ng tipid at nilagpasan sila.
- - - - -
Kyle's POV
Nakuha ko na yung schedule ko sa restobar ni Joseph. M-W-F, 7-10 ako ng gabi. Tapos Saturday at Sunday, 12 ng tanghali hanggang 6 ng hapon. Yung natitirang panggabi, dun naman hahataw ang blood band. Siyempre halinhinan din kami. Nakakahiya naman kapag sinapawan ko sila. Nagtratrabaho din naman sila sa restobar eh.
Biyernes na ngayon at naka-ready na akong pumunta. Gusto pa ngang sumama ni kuya Drex eh. Kaso sabi ko nakakahiya naman. Sya itong totoong singer eh. Kaya yun, nagpaiwan na lang.
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...