Stops and Starts

10 0 0
                                    

Allysa's POV

Nandito kami ngayon ni Lester sa tabi ng dagat. Nakaupo lang kami sa isang nakatumbang kahoy. Walang nagsasalita sa amin. Kakatapos lang kase ng away namin

"Ayoko na! Nakakapagod!" Sabi ko sa kanya

"H-ha? S-sige magpahinga na tayo." Pagyaya nya

"Hindi! Nakakapagod yung ganito! Puro na lang selos! Puro na lang away! Nakakasawa na Lester!" Sabi ko sa kanya

"Wag ka namang magsalita ng ganyan!" Kinakabahan nyang sabi at humarap sa akin

"Kung talagang mahal mo ako, dapat may tiwala ka! Dahil lang sa pinagkamalan ni mommy na boyfriend ko si Jayson, dahil lang sa inaasar ka lang nila Derrick, at dahil lang sa dare na yun, pinapalaki mo pa?" Sigaw ko sa kanya

"S-sorry na." Sabi nya

"Sorry? Too late! Ayoko na!" Sigaw ko sa kanya

"Uy wag naman! Sorry! Babawi ako!" Sabi nya na mangiyak-iyak pa

"I said its too late!" Sabi ko

"Babawi ako Ally! Magtiwala ka lang!" Sabi nya ulit

"At ako pa ngayon ang magtitiwala? Wag mong isumbat sa akin ang bagay na kahit ikaw mismo hindi mo kayang gawin! Ayoko na Lester! Sorry pero break na tayo! Its over!" Sabi ko kaya naiyak sya. Niyakap pa nya ako pero kumalas ako at tumakbo na palayo. Sinubukan nya akong habulin pero naligaw ko sya.

Sa likod ng hotel ako napunta. Hindi naman madilim kase maliwanag ang buwan ngayon. Dito ko na inilabas lahat ng hinanakit ko.

Habang umiiyak, may narinig din akong umiiyak mula sa di kalayuan. Anubayan! Moment ko na sana eh! Kaso mas malakas pa ang iyak ng babaeng ito.

Lumapit ako sa babae para komprontahin.

"Hoy, wag ka ngang umiyak..." Huli na nang ma-realize ko kung sino yung babae. Nagmukha tuloy akong concerned sa sinabi ko

"Bestie!" Sigaw ni Grace at niyakap ako

"Ano ba! Lumayo ka nga!" Sigaw ko sa kanya pero lumapit pa rin sya at niyakap ulit ako

"Bestie! Sige na please bestie! Kahit saglit lang! Ilabas mo muna yung bestie ko!" Sabi nya habang umiiyak sa balikat ko. Lahat naman ng inis at galit ko sa kanya ay biglang naglaho

"A-ano bang nangyari?" Kusang lumabas sa bibig ko

"N-aghalikan sina K-kyle at April..." Di na nya natapos at humagulgol na sya. Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya. Ito yung pinakaayaw ko eh. Ang umiyak ang bestie ko. Nahihirapan rin kase ako kapag nakikitang nahihirapan ang kaibigan ko.

Mali ito eh! Sya ang dahilan bakit ako lumipat sa DM! Hindi ko dapat sya kaawaan kaya itinulak ko ulit sya at tumakbo na naman ako palayo.

Habang tumatakbo, may nakabangga naman akong lalaki kaya natumba ako sa sahig.

"Sorry. Tayo na Ally!" Nagulat naman ako nang kilala ako ng lalaki

"J-jayson?" Tanong ko nang makita ng malinaw ang mukha nya

"Tayo ka na dyan." Mahinahon nyang sabi at inalalayan akong tumayo.

"May coffee shop na malapit dito." Sabi nya at inakay ako palabas. Buti na lang hindi mahigpit yung gwardya. Tsaka mismong harap pa ng resort eh kaya ayos lang daw.

"Anong gusto mo?" Tanong ni Jayson

"Hot milk tea." Sagot ko at umorder na nga sya

Pagbalik nya,

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon