Zandrex' POV
After ng lunch namin sa lighthouse, nagbiyahe naman kami sa may windmill. Maganda naman dito. Kaso ang init! Walang silungan! Buti na lang talaga meron akong payong. Halos lahat naman may payong maliban kay Lito. Kaya naman share sila ni Via sa payong nya. Kanina pa nga sila nagtatawanan kaya medyo nagseselos ako. Oo, aaminin ko na sa inyo na type ko si Via.
"Guys listen! Hindi lang tayo nandito para magsaya!" sabi nung principal namin sa may megaphone nya
"Tama! Kung napapansin ninyo, binigyan namin kayo ng tag-iisa kayong basket. Gagamitin nyo yan para sa ating first activity." dagdag pa ng isang lalaki na sa tingin ko ay principal ng kabila
"At para sa first activity ninyo, kailangan nyong mag-hanap at mag-ipon ng kahit anong uri ng seashells. Sa bawat 25 pieces na makukuha nyo ay katumbas ng 100 pesos na ido-donate natin sa DENR para sa pagpapaganda pa nitong windmill!" sabi ulit ng principal namin
"Yeah, at ang lahat ng maiipon nyong seashell ay pagsasamahin at idodonate natin sa mga taong gumagawa ng shell accessories." sabi ng principal ng kabila
"Paano ba yan? Umpisahan nyo na! Magkita-kita na lang ulit tayo dito mamayang 3pm." sabi ng principal namin kaya nagsimula na kami.
Halos 30 minutes na ang nakakalipas pero di ako mapakali kase kanina pa talaga magkadikit sina Via at Lito. Ang sweet lang nila! Nakakainis!
"Ayoko na! Ang init!" napatingin naman ako kay Justin at isinasalin na nya yung mga naipon nya sa basket ko. Teka, ang dami nito ah! Nahanap nya ito sa 30 minutes lang?
"Pupunta ka nang sasakyan?" tanong ko
"Ano pa nga ba?" pambabara ni Justin
"Nagtatanong ng maayos eh! Akin na nga yang payong mo! Pahiram!" bago pa man sya makareact ay hinablot ko na sa kanya yung payong. Narinig ko pa syang nagreklamo pero di ko na sya pinansin pa. Naglakad na ako papunta kina Lito
"Oh, kuya? Nandyan ka pala! Ilan na napulot mo?" tanong sa akin ni Lito nang nakita akong papalapit.
"Woah! Ang dami na nyan ah! 200+ na yata yan eh?" sabi naman ni Via nang makita ang laman ng basket ko
"Mukhang nahihirapan na kayo sa payong nyo. Heto pang isa oh!" sabi ko
"Yown! Salamat kuya!" sabi ni Lito at kaswal na naglakad palayo. Medyo nainis naman ako. Alam nyo yun? Parang nainsulto ako. Kaswal lang sa kanila ni Via ang maglapitan at maghiwalay. I mean, bakit kapag kami ni Via parang may ilangan. Nag-uusap naman kami pero hindi as close as sa kanila ni Lito. Pero hindi ko naman kayang magalit kay Lito.
"Huy tulala ka!" nabalik naman ako sa realidad nang nag-finger snap sa harap ko si Via
"H-ha? May sinasabi ka?" tanong ko kaya tumawa sya
"Sabi ko, paano ka nakakuha ng ganyang kadaming shell?" tanong nya
"Hindi ako ang nakakuha ng iba dyan. Kay Justin yung iba. Ibinigay nya sa akin. Umatake na naman kase ang pagkainipin ni mister sungit! Hayun, nasa shuttle na!" at nagtawanan naman kami ni Via
"Osha, maghahanap na muna ako. Bye!" sabi nya at umalis na.
Ako naman, pumunta muna sa gilid ng dagat at umupo. Sa di kalayuan, nakita ko si Vina na may katext kaya nilapitan ko sya
"Ayyie! Hindi mo sinasabi katext mo pala si Lazaro ah!" pang-asar ko sa kanya
"Eww! No! This is my kuya Ron! Kinukumusta nya lang ako!" sagot nya
"May kapatid ka pa? Nasaan sila?" taka kong tanong
"Yes, I have a brother and a twin sister! I left them in Nueva Ecija!" sagot nya
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...