Farewell

18 0 0
                                    

Allysa's POV

Linggo ngayon at feel kong magmukmok sa kwarto ko. Miss ko na agad si Kyle! Open ko kaya fb account nya?

Pagkaopen ko, yung sa messenger agad binuksan ko

To Grace:
Need to talk to you tomorrow. Starbucks, 8am sharp! Something important.

Ano ito? So lumalakad na sila na wala ako?

Kinabukasan, 7 pa lang nasa starbucks na ako. Pero siyempre nagtotal transformation ako. Hindi ako naka-make up tsaka naka-baseball cap ako.

Maya-maya dumating na si Kyle. At nagkataong sa likod ko sya umupo. Bale magkatalikod kami. Alam ko yun kase may salamin sa harap ko.

Maya-maya ulit ay dumating na rin si Grace.

So nagkita na pala sila dati? Ang kwento ayon sa narinig ko, nagkita sila noong bata pa sila. Tapos na-love at first sight sila sa isa't-isa tapos ito namang si Kyle, ibinigay kay Grace yung tsinelas nya. Kay Kyle pala yung kinukwento sa akin ni Grace noon?

Tapos ngayong alam na nila, tinawag na nilang 'Male version ni Cinderella' at 'Female version ni Alladin' ang isa't-isa. Susugurin ko na sana sila nang umalis na si Grace. Pasalamat sila!

Lunes, dun ko na nga nailabas lahat ng galit ko sa kanilang lahat. Una, itong si Kyle. Actually hindi naman talaga tumitingin sa akin yung lalaki at babae sa kabilang building eh. Sinabi ko lang yun para magpalit kami ng upuan. Akalain mong ayaw nya? Halata namang gusto nyang katabi si Gracia eh! Nahahalata ko na promise!

Ikalawa itong si Vina. Nasampolan ko tuloy! Tas umeksena pa si Joseph kaya nabato ko sya ng bag sa mukha.

Tas umeksena na naman si Grace kaya sya naman nasigawan ko.

Pagkatapos nun nag-volleyball na kami. Confirmed. Gusto nga ni Kyle si Grace. Hanggang sa naglaro na kami at titig pa rin na titig si Kyle kay Grace. Dahil dun, nahagip tuloy sya ng bola! Katangahan!!!

Makalipas ang ilang araw, mas malala pa pala ang makikita ko. Nakita ko sila sa likod ng main building na naghahalikan. At nag-confess pa nga sila sa isa't-isa.

Pagbalik ko ng room, dahil sa hindi ko na makayanan ang sakit, nakipagpalit ako ng upuan kay Luis. Ayoko na silang makatabi o makasama man lang! Traydor! Mang-aagaw! Mga hayop!

Kinahapunan, habang nag-aayos ng gamit, lumapit sa akin si Kyle

"Ally, ako na magbubuhat nyan!" Pagyaya nya

"No thanks. Kaya ko na." Sagot ko

"Sige ihatid na lang kita sa inyo." Sabi nya ulit

"Ayoko. Edi si Grace ihatid mo!" Sigaw ko sa kanya

"Ally ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong gusto kay Grace!" Dahil nangangati na ang kamay ko sa galit, sinampal ko ng napakalakas si Kyle

"At ilang beses na nga kitang nahuli, sige ka pa rin! Wag kang mag-alala! Hindi na kita pipigilan pa! Hindi ko na kayo gagambalahin pa! Good luck na lang sa inyo ha? Mukhang ako na kase ang nagiging kontrabida sa kwento nila Alladin at Cinderella!" Nagulat naman sya sa sinabi ko

"Allysa ano bang sinasabi mo?" Dahil dun nasampal ko na naman si Kyle

"Ano? Ide-deny mo pa rin? Kyle nasa starbucks ako nung linggo! Nakita at narinig ko kayo ni Grace. Ngayon tignan mo ako sa mga mata at sabihin mong hindi yun totoo!" Hindi naman nakapagsalita si Kyle at hindi rin sya makatingin ng diretso. Doon na ako natawa ng mapait. Itinulak ko naman sya para makadaan ako.

"Bestie!" Sabi ni Grace na nasa may pintuan pala nanonood sa amin. Hindi ko naman sya pinansin tsaka binangga ko lang sya

"Bestie mag-usap tayo!" Sabi ni Grace at hinila ako sa braso. Pagharap ko sinampal ko agad sya gamit ang natitira ko pang lakas kaya natumba sya sa sahig

"Wag na wag mo akong tatawaging bestie, animal ka! Wala akong bestie na mang-aagaw at malandi! Kalimutan mo na ring nakilala ko ako dahil yun na din gagawin ko! Ano, pakasaya kayo ha? Nagiging masaya na rin siguro kayong mawawala na ako. Kung sabagay, bagay naman talaga kayo! Isang ibinasura, at isang basurera!" Pagkasabi ko nun ay tumakbo na ako palayo. Ayoko na dito!

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon