C2: Recovery

6 0 0
                                    

Grace' POV

Nandito kaming lahat ngayon sa bahay para sa isang fries party daw. Nagdala ba naman sila ng tag-isang kilong fries? Masisira diet ko nito eh.

Lahat sila nandito maliban na lang kina Lester at mga kaibigan nya. Gusto ko sanang imbitahan si Lester dahil naging kaibigan ko naman sya noon sa immersion, kaso ang awkward naman para kay Allysa. Si Jayson din gusto ko rin sanang i-invite. Pero wag na nga lang! Baka makasira pa ako eh.

Pati nga pala si Vina, nandito din. Cinorner ba naman ni Sansan? Hahaha, nakakatuwa nga sila eh. Para silang mga bata!

Pati si Kyle pala, wala din. Sinamahan si Queenie sa check up nya.

Speaking of, tawagan ko nga si Kyle. Kukumustahin ko lang si Queenie.

After 3 attempts ay sinagot na nya

"Uy Kyle! Ano? Nasaan ka na? Kumusta na si Queenie?" Tanong ko

"Salamat sa concern sis, ha? Ayos naman ako." Nagulat naman ako nang si Queenie ang sumagot

"Bakit nasa iyo cellphone ng boyfriend ko?" Nagmukha tuloy akong bitter sa sinabi ko. Eh paano, hawak lang naman ng ex ni Kyle ang cellphone nya

"Nasa CR sya. Ipinahawak nya sa akin saglit." Sagot nya

"Eh bakit ang tagal mong sagutin?" Tanong ko

"Nag-aalangan kase ako. Baka kase magalit ka. And tama yata ako? Wag kang magselos sis, please! Ayoko lang magalit ka sa akin eh!" Lumambot naman agad ang puso ko sa sinabi nya.

"Hindi ako galit. Nagtataka lang ako. Anyways, kanina pa ba sa CR si Kyle?" Tanong ko

"Medyo. Masakit kase tiyan nya eh. Yung nakain yata namin kanina?" Sagot nya

"Ok. So ano nang ginagawa mo ngayon? Ayos ka lang ba dyan mag-isa?" Tanong ko

"Yes. I'm fine! Thank you, sis! Kakatapos lang kanina ng check up ko. Mamaya pa makukuha yung result." Sagot nya

"Eh bakit hindi nyo pa ipagpabukas?" Tanong ko

"Because I'm also concern for you, sis! Gusto kong ngayon ko na makuha ang result. Dahil kung sakali mang positive ang result, edi solo mo na si Kyle simula bukas!" Sabi nya kaya napangiti ako

"Salamat ha!" Sabi ko

"Don't mention it! Sorry nga pala for these past weeks. Mukhang naaagaw ko na yata ang atensyon ng boyfriend mo. Sya lang kase malalapitan ko eh." Sabi nya

"Ayos lang, ano ka ba! Basta I wish you all the best. Get well soon. I mean, sana positive nga ang result!" Sabi ko

"Aww, thanks sis! By the way, I need to hang up na. Mukhang malapit na akong tawagin sa office ng doctor eh. Bye sis!" Sabi nya

"Bye!" Sabi ko at binaba na ang cellphone ko.

Ngayon ko lang napansin, nakatingin na pala sa akin ang lahat. Naka-loud speaker kase eh.

"Katangahan alert! Katangahan alert!" Pagpaparinig na naman ni Allysa

"Ano ba! Queenie's nice! Bakit ba kayo ganyan?" Tanong ko sa kanila

"Masama pakiramdam ko sa bruhang yan eh. May kutob ako na may masamang mangyayari kapag ipinagpatuloy mo ang pakikipagkaibigan sa kanya." Sabi ni Allysa

"Grabe ka naman, bestie! Kutob mo lang yan!" Sabi ko

"Ano ba yan! Nandito tayo para magsaya! Hindi para mag-away!" Sabi ni Lito

"Yeah. I have a plan! Laro tayo! Spin the bottle ulit!" Sigaw ni Lyndon kaya nagsang-ayunan kaming lahat maliban kay Vina

"Bakit na naman?" Tanong ni Sansan

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon