Reunited

12 0 0
                                    

Grace' POV

Naalimpungatan ako nang may sinag ng araw ang tumama sa mukha ko. Pagmulat ko... Teka, nasaan ako? Blangkong kwarto??? Tanging itong kama lang ang nandito sa kama ko

Teka, sa pagkakaalala ko, nasa shuttle lang ako kanina kasama nila Sansan ah! Hindi kaya nananaginip lang ako? Kinurot at sinampal ko naman sarili ko pero walang nagyari! Nandito pa rin ako sa kwarto! Totoo nga ito!!!

Tumayo naman ako tsaka lumabas. Wala ring tao!! Nasa isang pasilyo ako na walang katao-tao kaya dahan-dahan akong naglakad para pakiramdaman ang paligid. 

Habang hinahanap yung daan palabas sa bahay na ito, nakasalubong ko naman si Vina

"Vina! Nandyan ka pala! Alam mo ba kung nasaan tayo? Nasaan yung mga kasama natin?" tanong ko pero ngumisi lang sya tsaka pumasok sa isang pintuan. Weird! Wait lang, hindi kaya... Hindi si Vina ang nakita ko? Baka kung sino sya na gumagaya kay Vina!!!

Mas binilisan ko naman ang paglalakad para mahanap ang daan palabas. Nang papaliko na ako, nagulat naman ako nang may nakasalubong akong lalaki kaya napatili ako ng malakas.

"SESE!!! SESE ANONG NANGYAYARI SAYO SESE!!!" narinig kong sigaw ni Sansan habang niyuyugyog ako pero patuloy pa rin ako sa pagsigaw

"SIS!!!" sigaw naman ni Via tsaka ako sinampal kaya dun na ako nabalik sa realidad

"Bakit ka nananampal?" tanong ko

"Gaga! Ikaw dapat ang tanungin eh! Bakit ka sumisigaw!" napatingin naman ulit ako sa lalaki tsaka ko sya itinuro

"Si Joseph? Ano na naman bang ginawa mo Joseph?" sigaw sa kanya ni Sansan. Tama, sya nga ang nakasalubong ko at dahilan ng pagsigaw ko.

"Wala ah! Nakasalubong nya lang ako tas sumigaw sya. Hindi ko nga alam kung maiinsulto ba ako dahil natakot sya sa akin o matutuwa dahil tinilian nya ako!" dahil dun ay natahimik ako

"S-so? S-so totoo ngang... Wait, nasaan tayo? T-tsaka..." di na ako nakapagsalita kaya itinuro ko na lang ang pinto kung saan pumasok si Vina at saktong papalabas na rin sya

"What? Ngayon lang nakakita ng magandang galing sa CR?" maarteng tanong ni Vina

"Hindi! Ngayon lang kase kami nakakita ng kampon ni satanas na marunong gumamit ng CR." sagot naman ni Lazaro

"Oh! Same here! Ngayon ko nga lang din nakita si satanas ng personal eh! At nakasama ko pa buong biyahe!" sabi ni Vina kaya medyo natawa na ako

"Ayos ka na? So ano ngang nangyari?" tanong ni Sansan

"Eh kase nga nagising ako sa unfamiliar na kwarto. Tapos paglabas ko nakita ko si Vina na parang ang weird. Kinausap ko pero ngumisi lang!" sagot ko

"Wow! Itong ganda kong ito, weird? Ano pa kayang tawag sayo no? Makalabas na nga lang!" sabi ni Vina at lumabas na nga

"So yun na nga, tumakbo ako hanggang sa nakasalubong ko si Joseph. Dahil sa sobrang taranta ko, akala ko, killer na sya o rapist o ano kaya napasigaw ako." namayani naman ang katahimikan nang matapos akong magsalita pero natigil din nang biglang tumawa ng malakas si Lito

"Mygass! Hahahaha! Sabi ko na nga ba eh! MUkha ka talagang manyakis! Pati kaibigan mo na mismo oh! Hahahaha!" binatukan naman ni Lazaro si Lito dahil sa sinabi nya

"Makaalis na nga lang!" sabi ni Lazaro kaya natawa silang lahat. Lahat naman sila umalis na maliban lamang kay Sansan

"Ayos ka na?" tanong nya

"Medyo. Bakit nga ba ako napunta sa kwartong yun?" tanong ko sa kanya

"Binuhat kita. Ang sarap ng tulog mo eh. Nasampal mo pa nga si Vina habang ginigising ka nya kanina." sagot ni Sansan

"Talaga? Ginawa ko yun?" nagtataka kong tanong kase wala akong idea.

"Oo nga! Bakit ka ba kase nagpupuyat?" tanong ni Sansan

"Eh hinihintay ko text kagabi ni Kyle eh. Wait, nandito na ba si Kyle?" tanong ko na nanlalaki ang mata

"Oo, kaso..." di ko na sya tinapos at patakbo na sana ako nang hilain nya ako pabalik

"Teka lang, baka hindi mo gusto maabutan mo!" nagtaka naman ako sa sinabi nya

"Ano bang pinagsasabi mo? Kagabi ko pa sya hinihintay kaya kailangan ko na syang makita!" sigaw ko sa kanya

"Pero..." di ko na sya pinansin tsaka tumakbo na palabas.

Paglabas ko, nakita ko agad ang tatlo pang member ng blood band na naghaharutan sa may pintuan

"Guys, nakita nyo na si Kyle? Dumating na yata sya?" tanong ko sa kanila

"Ah oo! Nakita ko sila sa likod ng lighthouse!" sagot ni Lyndon kaya tumakbo ako doon. Naabutan ko naman sya doon. Malayo pa lang ako tinawag ko na sya

"Kyle!" sigaw ko. Lumingon naman sya pero parang di nya ako kilala. Ang cold ng tingin nya sa akin. Baka pagod lang siguro? Galing Tagaytay eh.

Lalapit pa sana ako nang may biglang lumapit kay Kyle na babae

"Babe! Heto nang tubig mo oh!" sabi nung babae at niyakap si Kyle

"B-babe?" tanong ko kaya napalingon silang dalawa sa akin.

"Who's that?" medyo nandidiri pang tanong nung babae

"Ako lang naman ang girlfriend nya so back off!" sagot ko na may pandiriin ng boses kase medyo insulted ako sa sinabi niya. Niyakap ko pa nga sa braso si Kyle eh, kaso nga lang nagulat ako nang itulak ako ni Kyle

"I-i don't even know you." cold na sabi ni Kyle kaya napanganga ako

"Kita mo? Ikaw ang mag-back off!" sabi nung babae na ginaya pa ang way ng pagsasalita ko. Hinila naman nya ako kay Kyle at sya naman ang kumapit sa braso nya

"H-honey ko! Anong nangyayari sayo?" tanong ko pero nakatingin lang sya sa akin

"Honey ko? Hahahaha! Bitch please! I said back off!" sabi ulit ng babae pero di ko na sya pinansin

"Kyle ano ba! Na-amnesia ka ba? Hindi mo ba ako naaalala? Ako si Grace!" tanong ko sa kanya

"Ah! I remember! Elementary classmate! So long!" bati ni Kyle sa akin at ngumiti na parang inosente

"E-elementary classmate?" nagulat kong tanong

"Oo! Diba? Ano, kumusta ka na? Kailan reunion natin?" nakangiting tanong ni Kyle

"A-ah, w-wala pa daw eh. A-alam mo naman, high school pa tayo, wala pag budget. Kaya wala pa daw muna. Hehehe." sabi ko at pinipilit ngumiti kahit tinatakasan na ako ng luha

"OMG!!! Elementary classmate ka ni Kyle! I'm so sorry! Hindi ko naman alam na 'honey ko' pala ang tawagan nyo!" bungol naman pala itong babaeng ito eh! Sinong elementary friends ang 'honey ko' ang tawagan?

"A-ayos lang! Sige, aalis na ako!" sabi ko at tumakbo na palayo habang pinipigilan ang luhat at pinupunasan ang mga tumatakas.

Papalabas na sana ako nang may nakasalubong akong bus kaya nahinto ako. Ewan ko kung bakit hindi pa ako umaalis kahit nakalagpas na ako sa bus.

Bus pala ito ng DMNHS. Habang pababa ang mga tao, umaasa naman akong bababa din si Allysa. Sana naman sumama sya! Sya ang kailangan ko sa oras na ito eh!

Makalipas ang ilang minuto, nakita ko na rin ang hinahanap ko.

"Bestie!! Oh my God, nandito ka! Allysa!!!" sabi ko at niyakap sya

"What the f...act!!! Sino ka?" napabitaw naman ako sa sinabi nya. 

"Pati ba naman ikaw?" tanong ko

"Oh bakit ako? Kilala ba kita? Get out of my way!" sabi nya at hinawi ako kaya napayuko ako. Hindi ko na alam gagawin ko kaya napatakbo ako pabalik sa loob. Saktong pagpasok ko, nabangga ko naman si Vina

"Bitch ano na naman ba???" sigaw nya. Imbes na sumagot pa, niyakap ko sya ng mahigpit

"Payakap. Kahit saglit lang." sabi ko at niyakap sya. Napabuntong-hininga naman sya pero yumakap din pabalik kaya napahagulgol na ako sa kanya.

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon