Sorry po talaga sa mga chapter title. Yan lang talaga kinakaya ng brain cells. 😂😂😂
Kyle's POV
Linggo ng hapon nang ma-discharge sa hospital si Grace.
Lunes ngayon at gustona nyang pumasok pero pinigilan ko pa. May benda pa sya sa ulo at may cast pa ang kanang kamay. Ni hindi pa nga nya kayang tumayo mag-isa eh. Paano yun papasok?
Ako naman, gusto ko pa syang bantayan kaso pinapasok ako ni tita. Sya na daw bahala. Pati nga sa gastusin sa hospital. Sapat na yung ipon ko para bayaran yung bill kaso si tita pa rin nagbayad. Itago ko na lang daw.
Heto na nga, nagtaxi akong pumasok kase nahihiya akong sumabay sa blood band. Wala kase si kuya eh. Hinanap daw yata si Lito? Naglayas eh.
Sa room, naabutan ko na sina Jose, Vina, Allysa at Jayson. Wala pa si April pero wala akong pakialam!
"Kumusta na si Grace? Buhat pa?" tanong ni Vina na ngayon lang ulit nakipag-usap.
"Yeah! Alive and kickin' without a G." maarteng sagot ni Allysa
"Good! Akala ko natuluyan na sya? Sayang naman!" sabi ni Vina
"Hoy! Baka gusto mong ikaw ang tuluyan ko ngayon?" sigaw ni Ally. Wala pa naman si ma'am eh.
"If you can! I dare you!" panghamon naman ni Vina kaya napatayo si Allysa. Pinigilan naman namin si Allysa kase kilala namin sya. Kung anong sinabi nya, gagawin talaga nya.
"Wag mo akong hinahamon! Kapag ikaw tinuktukan ko, hilo ka! Pag ako hindi nakapagpigil, liliwanag bahay nyo!" sigaw ni Allysa
"No need. We have a lot of lights at home." sagot ni Vina kaya natigil sa pagkalas si Allysa
"Hayown! Tanga lang teh? Pweh! Ayaw ko nang makipag-away sa mga kagaya mo! Lazaro, yang babae mo! Bantayan mo!" sabi ni Ally
"Yuck!!!/Eww!!!" sabay na reklamo ni Vina at Joseph
"Sumasakit ang head ko! Kahapon pa! Actually nung friday night pa! Bwenas yung April na yun! Balak pa akong patayin eh! Kung tutuusin, ako dapat ang nasagasaan eh! Kapag talaga nakita ko yung babaeng yun, uunahan ko syang patayin! I will cut her head off using my precious naked nails! Makikita nya!" pagmamaktol ni Allysa. Sakto namang nakita naming papasok si April
"Ang kapal ng mukha mo!" pabulong na sigaw ni Allysa at sinugod si April. Pipigilan pa sana namin sya pero huli na. Nasampal na nga si April ng ubod ng lakas kaya napaupo ito sa sahig. To the rescue naman ang ilan sa mga kaklase namin kay April
"Walang hiya kang babae ka! Dahil sayo, hindi nakapasok si Grace! Dahil sayo, nagkaroon sya ng mga benda at pasa!" sigaw ni Ally
"Hindi ko sinasadya!" sigaw din ni April na umiiyak
"Malamang! Hindi mo sinasadyang sagasaan si Grace, dahil ako naman talaga ang sasagasaan mo diba? Ha? Diba? Sagot!" sigaw ni Ally at sinipa si April sa puson.
"M-meron ako ngayon." sabi ni April na namimilipit na.
"Meron ka ngayon? Then nice! Minsanan ang dugo, minsanan ang sakit!" sabi ni Allysa
"Ally tama na nga! Sobra na yan!" pagsuway ko
"Bakit? Mahal mo pa?" tanong ni Allysa
"Ally naman! Pisikalan na yan eh! Kahit mahal ko ang isang tao o hindi, ayokong may nakikitang nasasaktan ng pisikal!" sigaw ko
"Ano naman kung matuluyan yan? Ako nang bahala sa kabaong nya! Family size pa! Libre lang yung kabaong sa check up ng senior citizen sa amin." sabi ni Allysa
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...