Stalker Mode

11 1 0
                                    

Habang nasa daan kami papunta kina Allysa, wala pa ring nagkikibuan sa amin.

"Ally, sure ka bang uuwi na talaga tayo?" pambabasag ko ng katahimikan

"Masakit talaga tiyan ko eh. Kailangan ko nang sa bahay ilabas ito. Pwera na lang kung gusto mo pang bumalik ng SM?" makahulugan nyang tanong habang nakatingin sa bintana ng taxi, pero mukhang wala yatang kahulugan yung sinabi nya... yata?

"Hindi na! Pauwi na nga tayo eh! Tsaka Ally! May problema ba?" tanong ko sa kanya

"Wow! Ang lakas ng loob mo ah! At ikaw pa talaga ang may ganang itanong yan!" sigaw nya at tumingin sa akin. Sasagot pa sana ako nang nagsalita yung driver

"Nandito na po tayo." kaya dali-daling lumabas si Allysa

"Ally inga..." hindi ko na naituloy nang isinara na nya yung pinto ng taxi. Wala na akong nagawa kundi mapabuntong-hininga.

"Kuya sa Forest Lake subdivision po." sabi ko na lang sa driver.

Pagkarating ko sa bahay, as usual nasa business trip na naman sina mommy. Lagi naman eh. Once a month na lang yata sila umuuwi?

Pumasok agad ako sa kwarto ko tsaka in-open yung laptop ko. Nag-open agad ako sa facebook tsaka ko hinanap yung pangalang Grace Ravelo kaso wala akong makitang mukha ni Grace. Pero may napansin akong kakaiba na ikinabigla ko. May isang account na tsinelas ang profile picture. 

Dahil isa akong curious na bata, pinindot ko yung account na yun. Imbes na unahin yung ibang picture, mas itinuon ko yung atensyon ko sa isang pirasong pambatang tsinelas na yun. Pamilyar eh. Ang tagal kong tinitigan yun.

Teka nga, hindi naman siguro ito si Grace kaya naghanap ako ng iba nyang picture. Pero sya nga ito! Tsaka mutual friend si Ally kaya sya na nga ito. Pero bakit tsinelas ang profile picture nya?

Clinick ko ulit yung tsinelas. May caption pala, hindi ko napansin kanina.

Been looking for my male version of Cinderella. Hope to see you soon, my prince charming!

Bigla namang nanlaki mata ko sa sinabi nya. Ewan ko pero parang natamaan ako sa sinabi nya. Hindi kaya ako yung tinutukoy nya sa prince charming? Assuming na kung assuming!

Ako naman, nag-post na rin sa facebook at sinabi kong...

Been searching for my princess all this time. But now, I think I found you!

Pagpindot ko ng post button, agad namang nag-react si Allysa. Sad reaction. Teka, nagseselos ba sya? I mean, urgh! Ano bang nagyayari sa akin?

Ting

May nag-pop na message sa baba ng screen ko at galing yun kay Ally

"One month na tayo ah!" sabi nya sa akin kaya nabigla ako

"What do you mean?" pagmamaangan ko

"Yung sinabi mo. Nakaisang buwan na tayo pero bakit parang ngayon ka lang nagsabi na nahanap mo na yung prinsesa mo? Hindi naman sa naghihinala ako sayo, Kyle! Pero para sa akin ba talaga yun?" tanong nya

"Oo naman! Duh! Ally naman! Umalis ka kanina na hindi man lang ako nakakapag-sorry! Ni hindi ko nga alam nagawa ko kung bakit ka nagalit eh! Monthsary pa naman natin pero ganoon nangyari? Basta kung ano man ang nagawa ko, o kung may nasabi man ako, sorry!" reply ko sa kanya

"Yung tungkol sa sinabi mo sa facebook yung pinag-uusapan natin! Tungkol ba talaga yun sa akin? Parang may mali eh!" sagot naman nya

"Allysa naman! Para nga sayo yun! Monthsary natin ngayon at alam mo namang dati pa prinsesa na ang turing ko sayo! Sino pa bang ibang prinsesa sa buhay ko? Tsaka ayaw mo naman akong kausapin kaya sa facebook ko na lang idinadaan. Hindi man naka-tag sayo pero ikaw talaga ang tinutukoy ko dun!" sabi ko pero sineen na nya

"Ano? Pati yun ba pag-aawayan pa natin?" tanong ko pero hindi na naman sya sumasagot!

"Ally naman eh! Nahihirapan na ako!" sabi ko sa kanya

"So sa tingin mo, ako hindi nahihirapan?" tanong nya pabalik

"Eh ano ba kaseng problema? Bakit ba kase hindi mo sabihin para maayos natin!" sabi ko sa kanya

"Wala. Kalimutan mo na lang. Good night!" sagot nya

"Ally naman! Hindi ganoon kadali yun! Wag tayong matutulog na hindi pa ito naaayos!" sabi ko

"Maayos na nga eh. Sabi ko wala nang problema! Good night na!" sabi nya

"Sure ka ah? Sige, good night na rin! I love you!" sabi ko pero sineen lang nya ulit. Nagseselos nga siguro?

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon