"Good afternoon po tita! Nandyan po ba si Allysa?" tanong ko sa mommy nya nang naabutan ko syang nagdidilig sa garden nila
"Oh, ikaw pala anak! Halika pasok ka!" pagyaya nya at binuksan yung gate
"Uhm, hindi na po ako magtatagal tita. Monthsary po kase namin ni Allysa ngayon. Yayayain ko lang po sana syang lumabas, kung pwede po sa inyo?" tanong ko
"Aba'y pwedeng-pwede, nak! Maupo ka muna dito sa bench at tatawagin ko lang yung batang yun! Jusko, may lakad pala kayo, hindi nagsasabi!" sabi ni tita at pumasok na. Papaupo na sana ako nang narinig ko agad si tita
"Jusko pong bata ka! May lakad pala kayo ng nobyo mo hindi ka nagsasabi! Hala bilisan mo, lumarga na kayo! Kanina ka pa nya hinihintay!" sabi ni tita
"Eh!" reklamo ni Allysa sa mommy nya
"Hi Allysa!" sabi ko at inabot sa kanya yung flowers tsaka ko sya hinalikan sa pisngi
"Ops! Hanggang pisngi lang ang kiss ah!" paalala ni tita kaya nagkatinginan kami ni Allysa tsaka sabay na tumawa. Kung alam lang ni tita na nagkiss na kami nung unang araw naming nagkita hahaha. Yung hindi naman direct, remember?
"Yes ma! Ano ka ba!" sagot ni Allysa
"Ikaw din hijo! Wag nyo munang gagawin yun! Masyado pa kayong bata!" nagets ko naman yun agad kaya ngumiti ako
"Opo naman! Mataas ang respeto ko po sa anak nyo. Ay, tita by the way. Heto rin po pala flowers nyo." sabi ko at binigyan din sya ng boquet ng roses.
"Aww! Salamat hijo! Sige, larga na kayo! Basta iuwi mo ang anak ko in one piece pa rin ah! Lagot ka sa akin!" pagbabanta nya kaya natawa ako
"Opo naman! Sige po, alis na kami!" at umalis na nga kami ni Allysa
- - - - -
Nandito kami ngayon sa isang resto kumakain,
"Ally? Pwede bang magtanong? Naka-one month na rin naman tayo, baka naman pwede ko na itong itanong?" sabi ko kaya ngumiti sya na parang sinasabing go
"Yung tungkol sa picture frame sa kwarto mo? Uhm, sino yung lalaking punit yung mukha?" tanong ko kaya nawala yung ngiti nya
"Sorry, na-offend ba kita? Sige, next topic na lang." sabi ko nang pigilan nya ako
"No, no, no! Sasagutin ko rin naman. Daddy ko sya. Kaso iniwan nya kami ni mommy nung 3 years old pa lang ako. Ipinagpalit nya si mommy sa secretary nya. Masyado pa akong bata noon para maintindihan pero ngayon alam ko na. Alam ko na na puro galit ang nararamdaman ko sa ama ko. Lumaki akong wala man lang ama!" sabi nya at pumatak na ang luha nya
"Shh, wag nang umiyak!" sabi ko at pinunasan yung luha nya
"Yeah, ayos lang! Ituloy ko pa rin yung kwento. Buong buhay ko, kami lang ni mommy ang magkasama. Actually meron nga akong bestie eh. Simula nung nakita kita sa kalsada noon, hindi ko na sya nakikita. Bakit kaya? By the way gusto mo ba syang makilala?" tanong nya kaya napangiti ako
"Oo naman!" sagot ko. Siyempre wala na kaming communications ng dati kong mga kaibigan nung elementary. Mas mabuti na siguro itong bumuo ulit ako ng new circle of friends.
"Gusto mo ba now na? I mean, ayos lang ba sayo kahit itong date natin? Kase malapit lang bahay nila dito eh." sabi nya.
"Ayos lang! Basta ikaw!" sabi ko. Ayos lang naman talaga. Hindi naman big deal para sa akin kung may kasama kaming iba. As long as kaibigan naman nya
"Sige tatawagan ko lang." makalipas ang ilang attempt na tawagan yung kaibigan nya,
"Wala eh, hindi sinasagot. Nagtatampo yata ang bruha!" bruha?
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...