Kyle's POV
Nang nakarating na ako sa company nila Grace, tinanong ko agad kung saan ang office niya. Nang nalaman kung saan, agad akong nagtungo dun.
"Excuse me, sir? Ano pong kailangan nila?" Tanong ng secretary siguro nya pero nilagpasan ko lang sya at binuksan agad ang pinto ng office nya.
"Good day! Are you here to talk about our partnership?" Formal nyang bati nang nakita ako.
Di ko naman sya sinagot at dumiretso na ako sa table nya at ibinagsak doon ang hawak kong folder.
Bago sumagot ay sinenyasan muna nya ang sekretarya nya na lumabas muna.
"What's that? Another contract? Need anything more?" Tanong nya.
"Totoo bang ikaw ang bumili sa lahat ng shares ko sa dati kong pinagtratrabahuan?" Matigas kong tanong habang tinititigan sya sa mata.
Kita kong nawala ang ngiti sa labi nya at sumeryoso sya bigla. Nang nakabawi ay bigla naman syang ngumisi.
"Oo! Binili ko lahat ng shares mo! Ako nga rin ang dahilan kung bakit ka naalis sa trabaho! Higit sa lahat, ako din ang may pakana kung bakit wala nang ibang kompanya pa ang tatanggap sayo!" Ibinagsak ko naman ang kamao ko sa mesa dahil sa narinig.
Nang nakabawi ay bigla din akong humalakhak. Mula sa bulsa ko ay inilabas ko ang recorder kung saan na-save ang mga sinabi ni Grace.
"Gotcha! Another evidence!" Sabi ko kaya nanlaki mata nya.
"Akin na yan!" Sabi nya at sinubukang agawin ang recorder pero ibinulsa ko yun agad.
"Ang laman ng folder na ito ay ang evidence na ikaw ang bumili lahat ng shares ko! Humanda ka! I-enjoy mo na ang outside world dahil ipapadala kita sa kulungan!" Sabi ko at dinala na ang folder at lalabas na sana nang hilain bigla ni Grace ang folder ng evidences ko.
"Akin na ito! Walang kulungan na magaganap!" Sigaw nya pero naagaw ko rin agad ang folder dahil lalaki ako at mas malakas ako.
Lumabas ako agad at sinundan pa rin ako ni Grace.
"Kyle please! Wag mo akong isusumbong please! Nagawa ko lang naman yun dahil galit ako sayo! You heard it right? Galit ako sayo! Galit ajo sayo dahil niloloko mo lang ang kaibigan kong si Via!" Di ko naman sya pinansin at sumakay na ako sa elevator pero pumasok din sya.
"Kyle! Let me explain! Urgh! Alright! What do you want? What do you want to happen?" Tanong nya pero di ko pa rin sya kinakausap.
"Fine! If those shares are really important, I'll give those back to you! Just don't bring me to jail!" Pagmamakaawa nya.
"Kyle please! Listen to me! Kung ang problema mo ay yung sa block list thingy, then I can pull it back!" Pakiusap nya pero di ko pa rin sya pinapansin.
"Kyle naman! Para namang wala tayong pinagsamahan!" Paglalambing pa nya. Sinamaan ko lang sya ng tingin at umiwas ulit. Wala nang epekto sa akin ang mga sweet-sweetan kuno nya.
"Kyle!!! Ano pa bang gusto mong gawin ko??? Lahat naman gagawin ko eh!!!" Bigla naman akong nag-init sa sinabi nya.
"Lahat?" Tanong ko
"Oo! Lahat!" Kusa namang lumabas ang evil smirk ko sa sagot nya.
Inilapit ko naman katawan ko sa katawan nya kaya napalunok sya. Lapit ako nang lapit pero layo lang sya nang layo, hanggang sa nakalapat na ang likod nya sa pader ng elevator.
"Hindi na kita ipapakulong! Pero! Spend a night with me!" Sabi ko habang hinahaplos buo nyang katawan.
"H-ha? B-bakit ko naman gagawin yun?" Kinakabahan nyang tanong. Namumula na nga rin mukha nya eh.
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...