C3: Discovered

10 0 0
                                    

Zandrex' POV

10:30 na ng nakarating kami sa condo.

"Sige, kita na lang ulit tayo bukas!" Sabi ni Jayson mula sa bintana nang nakalabas na kami ni Grace sa sasakyan

"Anong kita bukas? Dito kayo matulog!" Sabi ko

"Gabi na, San eh! Tsaka maaga pa pasok namin bukas." Sabi naman ni Allysa na lumipat na sa harap sa tabi ni Jayson.

"Yun na nga eh! Gabi na! Delikado sa daan! Tara na kase! Kahit doon na lang kayo sa unit ni Joseph." Sabi ko. Wala na silang nagawa kundi pumayag.

Nang naihatid ko na sina Grace, Allysa at Jayson sa unit ni Joseph, dumiretso na rin ako sa unit namin. Nababagabag talaga ako sa mga sinabi ni Allysa. Kailangan ko na talagang kausapin si Kyle!

"Dito na lang kuya, salamat po." Sabi ko sa isang katiwala ng condo na tumulong sa akin na magbuhat ng ilang bagahe ko.

Pagpasok ko,

"Welcome back, Zandrex!!!" Sigaw aagd nila Adrian, Lyndon at Lito. Si Justin nasa isang tabi lang na nakaupo.

"Nasaan si Kyle?" Tanong ko agad sa kanila kaya nawala ang mga ngiti nila. Napatingin lang sila sa isa't-isa.

"Nasaan yung Kyle na yun, ha?" Sigaw ko sa kanila

"Alam mo na?" Tanong ni Lito

"Oo! Alam ko nang sila na ni Queenie! Alam ko an rin na nabuntis nya ito! Pero hindi ko alam kung nasaan sya! Nasa kwarto ba sya?" Tanong ko at binagga na sila. Dumiretso ako sa mga kwarto pero wala akong Kyle na nakita.

"Uhm, umalis na kase si Kyle." Sabi ni Lyndon na sinundan pala ako

"Saan sya pumunta?" Tanong ko

"Bumalik na sa dati nyang pamilya." Nakunot naman ang noo ko sa sagot nya

"Sa Isabela?" Tanong ko

"Hindi. Sa pamilya ng mga Fernando." Sagot nya.

"At Fernando ulit apelyido nya. Nagpapalit ulit." Sabi naman ni Adrian na kakararing lang

"B-bakit daw?" Tanong ko

"Aish! Hayaan mo na nga! Walang utang na loob yung taong yun eh!" Sabi naman ni Justin

"Wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang kapatid ko ah!" Pagbabanta ko kay Justin

"Kapatid? Walang pakikibagay ang taong yan! Kung kapatid pa ang turing nya sayo, bakit sya nagpalit ang apelyido? Bakit nya pinalitan ang Carino ng Fernando?" Sigaw ni Justin

"Baka may problema lang sya!" Sabi ko

"Oo! May problema sa utak!" Sabi ni Adrian

"Ano ba! Bakit ba kayo ganyan? Bakit kayo ganyan kay Kyle?" Tanong ko

"Alam mo ba ginawa nya nung wala ka? Marami pa syang ginawang kagaguhan maliban pa sa mga nagawa nya kay Lito!" Sabi ni Lyndon kaya napatingin ako kay Lito na nakayuko na

"Kaya nga kakausapin ko sya! Pupuntahan ko sya ngayon!" Sabi ko at lumabas na.

"Kuya saglit!" Hinila naman ako ni Lito pabalik nang nasa hallway na ako.

"Ano?" Tanong ko

"Hayaan mo na si Kyle." Sabi nya

"Bakit?" Tanong ko ulit

"Kuya makinig ka muna. I think you have to let him go. Masyado syang nasaktan sa lahat ng nangyari sa kanya eh. Sa tingin ko si Queenie na ang nagpo-provide ng blank space sa puso ni Kyle. Hayaan mo na, pagbigyan mo na." Sinamaan ko naman sya ng tingin

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon