Lumabas na ako ng gate para mag-abang ng masasakyan.
Nga pala, yung sasakyan pala ni Melvin ginamit namin papunta dito. Pero ngayong may lakad sila ni Grace, magt-trike na lang ako.
May tiwala naman ako kay Melvin. Kay Queenie ang wala. Alam nyo naman siguro ang dahilan kung bakit.
Mabait naman si Melvin. Naging kaibigan din namin yan noon. Madaldal nga lang sya. Parang babae. Joseph Lazaro level.
Speaking of Jose, uuwi muna ako sa condo. Pupuntahan ko lang sya sa unit nya. Actually ang laki ng ipinagbago ni Jose dahil sa mga medications nya. Bumait na sya, nag-iisip muna sya bago gumawa ng move, hindi na sya palamura, may preno na ang bunganga nya, hindi na sya nanlalait ng iba. Basta ibang-iba na sya! Pero nandun pa rin ang ugali nyang maharot sa amin pero limitado na nga lang.
PS, tatlo pala kami nila Grace at Jose ang tumigil sa pag-aaral. #sharelang
Habang naghihintay, may pamilyar na sasakyan ang nakita kong nagpark sa kabilang side ng kalsada. Natuwa naman ako dahil marunong nang magdrive si Via.
Lalapit sana ako para batiin sya pero natigil ako nang nakita sya sa loob.
Hindi pala si Via ang driver. Si Lito pala. At nasa tabi nya si Via na mukhang tuwang-tuwa pa kay Lito.
Dahil hindi tinted ang sasakyan ni Via, kitang-kita kong naghalikan pa sila sa loob.
Lumabas si Via at nagulat sya nang nakita akong nasa harap ng kotse nya. Pabalik-balik pa ang tingin nya sa amin ni Lito na parang kinakabahan pa.
Napatingin din ako kay Lito at mukhang nagulat din nang nakita ako.
"Uhm, Zandrex?" Panimula ni Via pero di ko sya pinansin. Bagkus binuksan ko ang pinto ng driver's seat at sapilitang ibinaba si Lito.
Walang sali-salita, sununtok ko agad ng malakas ang mukha ni Lito.
"Zandrex! Ano ba! Tumigil ka nga!" Sigaw sa akin ni Via pero di ko ulit sya pinansin. Sumakay na lang ako ng tricycle at umalis na.
Kung sina Kyle at Grace, almost over pa lang, kami ni Via, I guess its officially over. Kitang-kita ko eh.
Dumiretso ako sa bahay nila Allysa. Alam kong may klase pa sya pero ito alam kong lugar kung saan ko makakalimuran pansamantala ang nangyari.
Naabutan ko sa bahay nila si mommy. Mommy din kase tawag ko sa mommy nila Allysa at Grace. Mommy din tawag nila sa mommy ko.
Pinapasok naman nya ako dahil kilala na nya ako. Pumasok ako sa kwarto ni Allysa at doon ko muna inilabas lahat ng hinanakit ko.
- - - - -
Jayson's POV
"Jayson! Stop using cellphone during my class!!" Bulyaw sa akin ni baklang Barney. Yung matabang teacher namin.
"Sorry po." Sabi ko na lang at ibinulsa ang cellphone ko.
"Pinapayagan ko kayong gumamit ng cellphone sa klase ko, pero wag naman during discussion! Anytime, pwede kayong gumamit basta ba wag na wag nyong ipapakita o ipapahalata sa akin!" Dagdag pa ni Barney.
Ganyan sya kaluwag sa amin. Walang bawal. Lantarang kopyahan pa nga minsan. Hindi kami sinisita. Nung ngang 1st quarter, sinabi din nya lahat ng sagot. Diba? Ang saya!
Ipinagpatuloy na nya ang pagdidiscuss habang nagsusulat sa board. Inilabas ko naman ulit yung cellphone ko at inopen yung camera.
Hindi ako nagse-selfie ah! Tinitignan ko lang mula sa screen si Allysa na nasa likod. Pasimple kong paraan para makita sya anytime.
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...