The Truth

7 0 0
                                    

Zandrex' POV

Sabado ngayon at nandito kami sa hospital room ni Grace. Buti nga Biyernes kahapon nung nabangga sya kaya walang pasok ngayon.

Kasama namin sa room ngayon ang mama ni Sese, Xander, Joseph at si Kyle na natutulog ngayon sa may sofa. Puyat kagabi eh. Pinilit nya kaseng magtrabaho pa rin sa restobar eh. Sinabi na naming mas kailangan sya ni Grace ngayon. Kaso sabi nya mas kailangan daw nya ng pera pampagamot kay Sese.

Si mommy naman, na mama ni Grace, sinabi kay Kyle na ayos lang daw na wag na syang gumastos. Eh mapilit si Kyle. Ayaw daw nya na wala syang gawin sa mahal nya. Toinks! Edi instant basbas na yun sa mama ni Grace, hahaha.

"Guys, tita. Punta po muna ako sa resto. May aasikasuhin lang po. Tita, sama na po muna kayo sa akin. Magpahinga na po muna kayo. Kagabi pa po kayong walang tulog." sabi ni Joseph. Aba, may tinatago pala itong kagalangan!

"Kaya nga po. Kami na po ni Xander muna ang bahala kay Sese. Matulog po muna kayo." dagdag ko naman

"Sige, salamat mga hijo. Mauna na ako." sabi ni mommy at umalis na sila ni Jose

Kaya ngayon, kami na lang nina Xander at Kyle ang naiwan dito na nagbabantay.

"Kuya. Nagtext na ba si Allysa? Dadalaw daw ba sya ngayon?" tanong ni Xander

"Baka mamayang hapon pa daw sya. May pasyente din kase sya eh." sagot ko kaya tumango sya at ibinalik ang tingin sa cellphone. Baka katext na naman si Via?

"Si Via ba? Makakapunta?" tanong ko

"Try daw nya mamayang gabi. Nasa SB ngayon lahat ng officers eh. Kung di daw sya makakadalaw ngayon, baka bukas na lang daw ng umaga." ako naman ngayon ang tumango at umiwas na ng tingin.

Papaidlip na sana ako nang makita ko si Xander na nagsusulat sa notebook nya.

"Uy ano yan? May assignment ba kayo?" tanong ko

"Ah hindi. Wala ito." sabi nya na parang nahihiya

"Psh, ano yan sabi?" tanong ko

"W-wala." sabi nya at itinago sa likod nya yung notebook

"Ano ba yan kase! Titignan ko lang." sabi ko at tumayo na para lapitan sya at tignan yung notebook.

"Kuya naman! Wag na! Nakakahiya!" reklamo nya

"At ngayon ka pa talaga nahiya sa akin." sabi ko at nakipag-agawan sa notebook. Hanggang sa nakuha ko naman.

"Diary?" tanong ko kaya tinakpan nya mukha nya

"Oh, bakit ka nahihiya? Normal lang naman sa isang tao ang magkaroon ng diary!" sabi ko

"Oo na! Akin na kuya! Wag mo nang basahin! Nakakahiya!" sabi nya at sinubukang kunin pero nilayo ko.

"Ilang page lang! Ito naman! Para namang hindi tayo magkapatid! Walang lihiman!" sabi ko kaya tumahimik na sya.

Binuklat ko na yung diary nya at sinimulan ko sa medyo gitna. Sabi ko nga hindi ko babasahin lahat

Dear diary,

Unang araw ng klase ngayon. Medyo nahihiya nga ako kase naka-white shirt lang ako at kupas na pantalon. Pati black shoes ko nga magkaiba eh.

Napatingin naman ako kay Xander at nakatingin pa rin sya sa akin na parang nahihiya. Drama nito? Di naman nya alam kung anong page binabasa ko hahahaha!

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon