Epilogue: 4 of 4

10 0 0
                                    

Third Person's POV

Lulan ng kanilang sasakyan, pumunta ang mag-asawang Christian at April kasama ni Lia sa ampunan para maasikaso ang project nila dito.

Habang kinakausap nila Christian at April sina Lito at ibang madre, nainip naman si Lia kaya nagpaalam muna syang pumunta sa taas ng hill.

Habang paakyat si Lia, natanaw naman nya ang batang lalaki na halos kaedad lang nya na naghuhuli ng crickets sa halamanan.

"Hi! What's your name?" Tanong ni Lia sa batang lalaki.

"Hi! Ako si Kevin! Ikaw? Anong name mo?" Tanong pabalik ni Kevin

"My name is Thalia. Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito? Saan bahay mo?" Sunod-sunod na tanong ni Lia.

"Dyan lang ako sa ampunan. Nandito ako kase naghuhuli ako ng crickets." Sagot ni Kevin.

"What is cricket?" Tanomg ni Lia

"Heto oh. Tignan mo." Sabi ni Kevin kaya lumapit dito si Lia.

"Kapag pinisil mo tiyan nya, tutunog! Try mo!" Sabi ni Kevin at ipinahawak kay Lia ang cricket.

Pareho naman silang natuwa nang napatunog nila ang mga cricket.

"Kevin! Nandyan ka na naman pala! Let's go na sa loob! Hinahanap ka na nila kuya Lito!" Pagtawag kay Kevin ng isang babae.

"Ate Wilma naman! Mamaya na!" Reklamo ni Kevin

"Ikaw talaga! Naaalala ko na naman sayo yung dati kong alaga na si Kyle!" Sabi ni Wilma

"Kyle? My daddy?" Tanong naman ni Lia.

"Teka, Thalia? Ikaw na ba yan? Ang laki mo na!" Sabi ni Wilma at niyakap si Lia. "Kumusta na? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Wilma

"My parents' business trip po." Magalang na sagot ni Lia.

"Napakabait mo namang bata!" Pagpuri ni Wilma.

"Thalia? Thalia!" Narinig nilang pagtawag ni April.

"Thalia, here! Magtago ka sa likod ko!" Sabi ni Kevin kaya napataas ang kilay ni Wilma. Naalala nya kase ang nangyari din noon kina Kyle at Grace.

"Miss, may nakita po ba kayong batang babae?" Tanong ni April kay Wilma.

"Hayun po, sa likod ng batang lalaki." Pag-amin ni Wilma

"Ate Wilma naman!" Reklamo ni Kevin

"Lia, let's go na! Naghihintay na sa baba ni ninong pogi. Uwi na tayo." Sabi ni April.

"Dito na po muna tayo!" Sabi ni Lia

"May pupuntahan pa kase tayo. Baka malate tayo. Lets go na." Sabi ni April at kinuha na si Lia

"No! Dito ka muna, Lia!" Sigaw ni Kevin.

"Kevin! Bad! Diba sabi ko wag mong sinisigawan ang mga mas matanda sayo?" Suway ni Wilma.

"Ate Wilma naman! I don't want Lia to leave pa! I want her beside me!" Pagdradrama ni Kevin

"Pero they need to go na. Halika na." Sabi ni Wilma at hinawakan si Kevin para di na makakalas pa. Si April naman ay hinila na rin si Lia pababa ng hill.

Nang nasa baba na si Lia, bigla na lang sumigaw si Kevin.

"Thalia, wait! Take this!" Sigaw ni Kevin at ibinato kay Lia ang isang pares ng tsinelas nya.

"Take that! Hahanapin kita!" Sigaw ni Kevin

"Oo! Hihintayin kita!" Sigaw din pabalik ni Lia.

Mula sa malayo ay nagkatinginan naman sina April at Wilma. Sa pagkakataong yun, iisa lang ang iniisip nila. History repeats itself. Dahil ang nangyari dito kina Lia at Kevin ay nangyari din noon kina Kyle at Grace.

- - - - -

Author's Announcement:

The Cricket Hill is now officially ended. But the story is not yet done.

Bakit? Una, ano nang nangyari kay Judy? Pangalawa. Sino ang pipiliin nya kina Joseph at Lito? Lastly, sino ang tunay na magulang ni Lito at bakit sya iniwan sa ampunan?

Sa katunayan guys, balak ko sanang gawan ng sariling kwento sina Lito, Joseph at Judy. Kaso, sobrang ikli lang nun. Sayang din kapag gawan ko sila.

Kung saka-sakaling gagawin kong ibang kwento ang kwento nilang tatlo, ang balak ko sanang gawing title ay 'Dear Diary'. Iikot kase ang kwento nila sa diary ni Lito kung naalala nyong may eksena dito na ipinakita ang diary nya.

Kaya ang announcement ko, di ko muna tatapusin ang The Cricket Hill at dito ko na idudugtong ang prequel ng kwento ng tatlo.

4-part special chapter, coming up!

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon