Good Night???

5 0 0
                                    

Kyle's POV

Papaalis na sila at hinatid ko na lang ng tingin si Grace. Hanggang dun lang ang kaya kong gawin eh. Gustong-gusto ko na syang kausapin, ngitian, yakapin, lahat! Kaso hindi ko magawa! Nakokonsensya ako. Kaya hangga't maaari lalayo at iiwas muna ako.

"Huling sulyap!" Pagpaparinig ni April pero hindi ko na sya pinansin

"Kuya tara po sa likod!" Sabi ni Bela.

"No! Stay here!" Sigaw ni April pero di ko na naman sya pinansin

"Ok. Tara." Nakangiti kong sabi kay Bela kaya pumunta kami sa likod habang hawak ko sa wrist si Bela at buhat naman sa kabilang braso si Luis

Ang ganda pala dito. Madaming puno kaya hindi gaanong maaraw. Tsaka mahangin pa. Ang sarap dito.

"Kuya dito po kayo." Sabi ni Bela at ibinuka ang duyan na gawa sa tela

"Hindi ba ito babagsak?" Tanong ko sa kanya

"Hindi po. Nung buhay pa nga po yung tatay ko, tatlo po kami nila ate Kim nakaupo dito." Nagulat naman ako sa sinabi nya at natuwa rin at the same time kase napakagalang nyang bata

"Namatay tatay mo?" Gulat kong tanong habang papaupo ako sa duyan at kinandong si Luis

"Opo. Pinatay po sya." Sagot ni Bela

"Eh nasaan ang ate Kim mo?" Tanong ko

"Nasa palengke po. Kasama ni nanay na nagtitinda. Kuya! Tulog na si Buchukoy!" Napatingin naman ako kay Luis at tulog na nga sya. Tumayo naman ako ay ipinahiga sa duyan si Buchukoy

Napatitig ako kay Luis. Ewan ko, parang ang gaan ng loob ko kay Luis. Dahil siguro buchukoy din tawag sa akin ni ate Wilma at nila sister noon sa ampunan.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong ko kay Bela

"Opo. Pero hihintayin ko na lang po si mama." Sagot nya

"Eh anong oras ba umuuwi mama mo?" Tanong ko

"Minsan gabi na po." Nagulat naman ako sa sagot nya

"Hinihintay mo sya ng ganoon katagal? Edi sobrang gutom ka na! Tara bili tayo ng pagkain mo. Ipasok lang natin si Chukoy!" Naawa naman ako sa bata. Bata pa sya pero natuto nang magtiis ng gutom

"April, pakibantayan naman si Luis oh!" Sabi ko kay April

"No!" Tipid nyang sagot habang naga-apply ng make up

"Sige pakitignan na lang. Ibibilhan ko lang ng makakain si Bela." Di ko na hinintay pa ang sagot ni April at inilapag na si Luis sa papag. Lumabas na rin naman kami ni Bela pagkatapos.

"Malayo ba tindahan dito?" Tanong ko kay Bela

"Medyo po." Sagot nya

"Uy Bela! Ang pogi naman ng kasama mo! Pakilala mo naman ako!" Sabi nung babaeng nakasalubong namin

"Sya po si kuya Kyle. Kuya, sya po si ate Marie." Tumango lang ako bilang sagot

"Ay masungit! Pogi na sana eh!" Sabi nung babae tsaka umalis na.

Ayoko kaseng ngumingiti sa iba eh. Para sa akin kase sign yun na pagbibigay ng motibo. Ayoko namang kulitin ako nung babae at baka umasa

"Bela! Nasaan na yung nanay mo? Yung utang ninyo magdadalawang buwan na hindi pa nababayaran!" Nasa tindahan na pala kami. At sinisigawan na agad nung tindera itong bata

"Nasa palengke pa po sya eh. Babayaran na lang po namin kapag madami po kaming nabenta sa palengke." Kita nyo, bata pa sya pero alam na nya magsabi ng ganito. Nagma-mature yung bata ng di oras eh.

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon