C3: Arrested

8 0 0
                                    

Queenie's POV

"Honey ko, pwede bang sa bahay muna ako matulog? Nakakamiss yung kama ko eh." Sabi ko kay Kyle

"Sure ka? Sige, dun na rin siguro ako matutulog. Sasamahan kita." Sagot ni Kyle.

"Hindi! Ayos lang! Kaya ko nang mag-isa doon. Gusto ko lang talagang masolo ang kama ko ngayon." Sabi ko ulit kay Kyle

"As you wish." Hinalikan ako sa noo ni Kyle at hinatid ako sa bahay.

Kinagabihan, mag-isa nga ako sa kama ko ngayon. Ang sarap talagang mahiga sa kama ko!

Kring... Kring...

Napabalikwas naman ako nang may tumawag. Napairap rin ako nang makitang yung haliparot na Grace pala ang tumatawag.

"Hi sis! Good evening! Napatawag ka?" Kunwaring masaya kong bati sa kanya

"Wag ka nang magmaang-maangan! Alam ko na lahat! Ikaw ang may pakana ng nangyari sa kin sa Bolinao noon!" Seryoso nyang sagot kaya napairap na naman ako

"Oh, edi ano ngayon? Alam mo na pala eh!" Mataray kong tanong

"Ayaw mo naman siguro itong malaman ni Kyle diba? Paniguradong magagalit sya sayo at iiwan ka nya! Kahit pa may anak na kayo!" Pananakot nya. Pero medyo natamaan yata ako.

"Then tell me what you want to happen." Deretsahan kong utos

"Meet me! Kita tayo bukas ng eksaktong alas otso ng umaga sa burol sa likod ng ampunan!" Iisa lang naman ang ampunan sa buong Pangasinan kaya alam ko na agad ang tinutukoy nya.

"Sure! Expect me to come! In one condition!" Sabi ko sa kanya

"Anything, Queenie!" Seryoso pa ring pananalita ni Grace.

"Wag kang magsasama ng pulis!" Dapat ngayon pa lang sisiguraduhin ko nang hindi nya ako isusumbong sa pulis!

"Hahahaha! Queenie naman! Kay Kyle nga, hindi kita isusumbong! Sa mga pulis pa kaya? Hahahaha! Tingin mo ba ganoon ako kaduwag?" Sagot nya. Naasar naman ako sa sinabi nya. Parang ipinamukha nyang ako ang duwag.

Pinatay ko na yung tawag at dumiretso na ako sa office ni kuya. As usual, nandun na naman sya tinititigan ang larawan ni Grace. Nakakairita! Pati itong kuya ko adik na adik na rin kay Grace.

"Kuya! Kailangan ko na ng baril!" Sabi ko at dumiretso na sa cabinet nyang puno ng mga baril.

"Saan mo gagamitin?" Tanong nya

"May project kami. Gagamitin ko sanang pangdikit." Sarcastic kong sagot

"Seryoso, Queenie! Para saan yan?" Sigaw nya

"Kikitilan ko lang ng buhay ang pinakamalaking sagabal sa buhay ko!" Sagot ko

"Sino?" Tanong ulit ni kuya

"Sino pa ba? Edi yung haliparot na Grace na yun!" Sagot ko

"Wag! Wag mong gagawin yan!" Nagulat naman ako sa sigaw ni kuya

"At bakit? Kailangan ko nang ligpitin ang babaeng yun dahil alam na nyang ako ang may gawa ng nangyari sa kanya!" Sigaw ko

"Ikaw ang dahilan ng pangingidnap kay Grace?" Gulat na tanong ni kuya

"Naman! Kaya dapat lang na mawala na ang babaeng yan sa mundong ibabaw! Hadlang sya sa love story namin ni Kyle eh!" Sigaw ko

"Wag! Kung yan lang naman ang iniisip mo, leave it to me! Soon, mapapasakin na rin si Grace! Wag mo syang patayin please!" Pagmamakaawa ni kuya

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon