Doubt

20 0 0
                                    

Kyle's POV

Sunday na at nandito pa rin ako sa Tagaytay kasama ng mga Gabriel. Ang parents ko? Wala na! Umalis na! Umuwi na kahapon! Ang saya diba? Great! So great!

At ngayon naman namromroblema ako dahil kanina pa tumatawag at nagtetext si Grace. Hindi ko naman alam kung paano ito sasabihin. O kung paano ko sya kakausapin o haharapin? Ni hindi ko nga alam kung may mukha pa akong maihaharap sa kanya! Paano na lang kapag nalaman nyang engaged na ako? Hindi ko kaya!

Kasalukuyan ako ngayong nandito sa balcony ng rest house ng mga Gabriel. Tanaw mula dito ang ganda ng view ng Tagaytay kaya medyo relaxed ako kahit papano.

"Babe! Nandyan ka lang pala! Luto na yung niluto kong cookies!" sabi ni April at yumakap mula sa likod ko. Actually dalawa lang kami ni April ngayon. May maid naman kaso namalengke daw

"Wala akong gana." cold kong sagot

"Sayang naman yung niluto ko!" reklamo nya

"Edi ikaw kumain! Ipakain mo kay manang! Edi tapos!" sabi ko at umupo sa may parang beach chair

"Bakit ba ang cold mo?" tanong nya

"Alam mo bang may outing ang Sta Barbara NHS bukas sa Ilocos? At mamaya na ang alis namin! Gustong-gusto kong pumunta dahil makakasama ko ang mga kaibigan ko pero ano? Hindi ako makakasama dahil sa lintek na engagement party na ito!" sigaw ko sa kanya

"So pinagsisisihan mo na engaged na tayo, ganoon ba?" sabi nya tsaka umiyak na naman. Gosh! Kailan ba matatapos ito?

"H-hindi! Tumahan ka na! Gusto ko lang naman kaseng sumama sa kanila eh." mahinahon kong sagot para di na umiyak pa

"Then lets go! Pupunta tayong Ilocos ngayon! Sasama tayo sa kanila! Ipapa-ready ko na kay manang yung mga gamit natin!" sagot nya at pumasok na. Kaya heto ako na abot tainga ang ngiti.

Alas cinco na at naglalagay na kami ni April ng gamit sa kotse nya. Tama, meron na syang kotse. Kahapon lang binili to be exact. Spoiled kase masyado si April. Kahapon isang sabi lang sa parents nya ng kotse, ibinilhan agad! Diba? At may driver na rin agad!

"Kyle nabalitaan mo na ba? Sa Sta Barbara NHS na daw ako mag-aaral ngayong January! Isn't it exciting?" sabi nya at tatalon-talon pa

"Nabalitaan ko na yan at ilang beses mo na ring nabanggit." sagot ko na lang

"Sorry naman! Nae-excite lang ako talaga eh!" sabi nya

"Bakit sa January pa? Bakit sa 4th quarter pa? Pwede namang sa susunod na pasukan diba?" sabi ko sa kanya

"Eeeh!!! Excited na kase akong makasama ang future husband ko eh! Tsaka ako rin ang nag-request kina mommy na lilipat ako dun ASAP." ayown, sya na naman pala ang may pakana! Wala na akong nagawa kundi ang sumakay sa kotse nya kasama nya.

Sa daan, nagtext na naman pala si Grace. This time sumagot na ako.

Sorry Grace. Hindi ako makakasabay sa inyo. Hahabol na lang ako bukas sa Ilocos.

Sabi ko na lang at ibinulsa na yung cellphone ko

"Sino yun? Babae mo? Kebago-bago lang natin nambababae ka na agad?" dakdak ni April kaya sinamaan ko sya ng tingin

"April ano ba! Kaibigan ko lang yun! Tinatanong kung makakapunta ba ako kaya ni-replyan ko ng oo! Wag mo ngang bigyan yun ng malisya!" sigaw ko

"Sorry na babe! Hindi na mauulit!" sabi nya at yumakap sa akin. Itinulak ko naman sya palayo dahil naiirita ako sa kanya

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon