C2: First Love

13 0 0
                                    

Zandrex' POV

Unang araw ng klase, alphabetical ang ayos. Ayos na sana kase magkatabi na sana kami ni Via kase Carino ako at Cano sya pero... Nasabi ko na bang nagpalit na ng apelyido si Kyle? Carino na rin sya! At dahil mas nauuna ang K sa Z, nasa pagitan namin sya ni Via. Nakakainis naman! Sana hindi ko muna sya pinapalitan ng apelyido! Hahahaha

"Kuya! Mukhang pinagsakluban mukha mo ah!" Pang-aasar pa ni Kyle

"Heh! Wag mo akong kausapin!" Sabi ko na lang

"Ayos lang yan! Isipin mo na lang na one seat apart!" Sabi ni Via kaya napangiti ako

"Asus! Ang arte! One seat apart lang naman! Kami nga ni Ally, three rows apart." Sabi nya sabay turo kay Ally na nasa pinakalikod dahil Repancol ang apelyido, katabi sina Grace (Ravelo) at Adrian (Sandoval). Pati nga yung ex ni Ally na si Lester (Viloria). Nangangamoy gulo yata ito ah!

"Buti nga kayo, magkakasama lang sa room! Eh kami? Iniwan na nga nya ako at sumakabilang bahay na! Wag nga kayong madrama!" Sabi ni Danilo na nasa row din namin. Magkakatabi kaming apat kase nila Via, Kyle at Jayson kase pare-pareho kaming C ang apelyido. Sina Danilo at Lyndon ang magkatabi dahil A apelyido nila, Antonio at Albay. Apat na tao pero ang pagitan nila Danilo at Jayson.

"Oh? Ang sakit no? Deserve mo!" Sabi ni Lyndon kaya nagtawanan kami. Pati yung apat na nasa pagitan namin. Nakakatuwa lang si Lyndon kase nakikipagbiruan na. Mahiyain kase yan.

"Wag kang magsalita! Hindi kita kilala!" Mas lalo kaming natawa sa sagot ni Danilo. Pero napansin ko, hindi nakikitawa si Kyle. Nakatulala lang sya sa labas. Nang lumingon ako, may isang magandang babae ang kausap ng isang guro. Ano kayang meron?

"Kyle!" Pagtawag ko sa kanya kaya humarap sya sa akin at mukhang kinakabahan

"Kuya! She's back!" Bulong nya. Napatingin naman ako kay Via at nakikipag-usap na sya kay Jayson. Medyo malayo din sina Lyndon at Danilo na nag-aaway pa rin. Yung iba naming kaibigan nasa 4th at 5th row kaya safe kaming mag-usap ni Kyle

"Sino? Si ma'am?" Tanong ko

"Si Queenie!" Sagot nya.

"Oh? Sino si Queenie?" Tanong ko

"First girlfriend ko! First love ko!" Kinakabahan nyang sagot

"Oh? Bakit kinakabahan ka dyan? Mahal mo pa?" Tanong ko kaya natahimik sya. Halos napamura naman ako nang tumango sya. Napatingin na naman ako sa mga kaibigan namin at busy pa rin sila

"Eh paano si Grace?" Pabulong kong sigaw

"Hindi ko alam!" Sagot nya kaya napatayo ako at naglakad palabas. Ewan ko kung bakit ako nag-walk out. Nabigla yata ako? I didn't see it coming eh.

"Carino! Magsisimula na ang klase!" Sigaw ni Justin na class president ulit namin pero di ko pinansin

- - - - -

Kyle's POV

Paglabas ni kuya Drex, sumunod naman ako. Sinundan ko sya ng tahimik.

"Isa pang Carino! Balik!" Sabi ni Justin pero lumabas pa rin ako.Sakto wala na sa labas ng room si Queenie.

Nang nakarating sya sa music room, dun na sya humiga sa sofa.

"Kuya sorry!" Sabi ko agad sa kanya

"Alam mo bang niloloko mo lang ngayon si Grace?" Tanong nya sa akin

"Alam ko!" Sabi ko at umupo sa kabilang sofa

"So anong plano mo?" Galit na nyang tanong

"Kuya! Hindi ko alam! Kuya anong gagawin ko?" Sabi ko na mangiyak-ngiyak na.

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon