Grace' POV
Umaga na at nandito kami ngayon lahat sa Baluarte. Meron daw mahalagang announcement. Ano naman kaya at kailangang dito pa sa Baluarte? Isusuko na ba si Joseph sa mga kapatid nyang unggoy? O si April ang isusuko sa mga kamag-anak nyang ahas? Ehem...
"Pinatawag ko kayo dito para sa huling task nyo dito sa Ilocos." Panimula ng principal ng kabila
"Magkakaroon tayo ng immersion. So it means, ang susunod at huli nyong task ay group work." Nagkaroon naman ng bulungan sa sinabi ng principal namin
"Sis! Excited na ako! Magkagrupo tayo ah!" Sabi sa akin ni Via kaya tumango at ngumiti
"Guys quiet! Dahil ang pinaka-goal natin ay reconciliation, magkahalong estudyante ng Sta Barbara NHS at Daniel Maramba NHS ang magkakasama sa grupo." Nagkaroon na naman ng diskusyon at reklamo ang lahat
"Osha! Quiet na! Ipapaliwanag ko na kung anong mangyayari sa immersion..."
- - - - -
"Uy bro! Sinong kagrupo mo?" Tanong ni Adrian kay Sansan. Heto kami ngayon sa Jollibee kumakain ng breakfast. Kakatapos lang kase ng meeting
"Ay buti natanong mo! Kasama ko kapatid ko! Kaso mukhang magbe-behave kami kase kasama din namin si miss vice president." Nagtawanan naman sila sa huling sinabi ni Sansan
"Uy grabe! Hindi naman!" Sabi ni Via
"Ikaw ba bro? Sinong kasama mo?" Tanong rin ni Adrian kay Lyndon
"Naku, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o sasakit ang ulo! Ang JoNa ship lang naman ang makakasama ko!" Nagkantyawan naman sila sa sagot ni Lyndon
"Yuck!!!/Eww!!!" Sabay na naman na reklamo nila Joseph at Vina
"Yun oh! Ikaw pa yata magiging tulay sa JoNa ship eh, mister kupido!" At nagtawanan na naman sila sa sinabi ni Lito
"Ikaw ba Justin?" Tanong ni Sansan sa kanina pang tahimik na si Justin
"Si Adrian!" Padabog nyang sagot. Naistorbo pa yata sa pagkain nya
"Oh bakit galit ka pa? Parang napipilitan ka pa ah!" Sabi ni Adrian
"Yun na nga eh! Wala akong magawa!" Masungit nyang sagot
"Actually meron ka pang choice. Pwede ka nang umuwi ngayon din!" Iritang sabi ni Adrian
"Osha tama na guys! Kain na! Maaga daw tayong ihahatid sa titirhan nating bahay eh!" Sabi ni Via.
Tama, yung immersion, yun yung titira kami sa isang bahay ng tatlong araw. Parang makikitita kami sa isang pamilya. Basta di ko ma-explain.
"Yung sasakyan natin?" Tanong ni Lyndon
"Sila na daw bahala." Sagot ni Via
"Teka, bakit kanina pa tahimik ito?" Ayos na eh, sinita pa ako ni Lazaro
"Kaya nga, sino bang kagrupo mo?" Dagdag pa ni Sansan. Napabuntong hininga na lang ako tsaka tumingin sa kabilang table.
"Kaya naman pala!" Sabi ni Vina habang nakatingin rin kina Kyle sa kabilang table. Kaya naman nagsilingunan din silang lahat. Humarap naman silang lahat sa akin na parang nagtatanong
"Ayos lang." Sabi ko na lang
"Sure ka? Kaya mo?" Tanong ni Sansan
"Naman! Ako pa ba? May makakasama pa naman kaming guy from DMNHS kaya ayos lang!" Sagot ko
"Sigurado ka ba? Sabihin mo lang, pwede kong kausapin ng principal!" Sabi ni Via
"Ayos lang talaga!" Sabi ko ulit
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...