Kyle's POV
Isang araw bago ang klase ng 4th quarter, nandito ako sa harap ng piano ko sa loob ng kwarto ko.
Nasabi ko na ba sa inyo na nahihilig ako sa piano? Actually noon pa. Wala naman akong masyadong napagkakagastusan kaya bumili ako ng piano. Maliit lang naman.
Tinutugtog ko ngayon ang nanghihinayang, yung sobrang sad version. Dahil siguro sobra ko nang namimiss si Grace. Tama, I miss her so bad!
Sa kalagitnaan ng pagmumuni ko ay may linta na tumawag. Kilala nyo naman siguro kung sino
"Oh?" walang gana kong tanong
"Wala! Namiss lang kita babe!" mahinhin na sagot ni April. Ang arte! Sarap mambatok! Pero joke lang!
"Ok." sabi ko na lang at binaba ang cellphone ko. Itutuloy ko na sana ang pagtugtog nang tumawag ulit si April.
"Babe! How dare you! Bakit mo ako binabaan?" pagmamaktol ni April nang inangat ko yung cellphone ko
"Eh wala ka naman palang sasabihin eh." sabi ko na lang
"No! May sasabihin ako! Bukas na ang pasukan at I'm sooo excited lalo na at makakasama na kita everyday! Yippie!" nagbuntong hininga na lang ako at hindi na sumagot
"Sunduin mo ako bukas ha?" oo nga pala. Di ko pa alam kung saan sya naninirahan dito sa Pangasinan
"Saan kita susunduin?" tanong ko
"Dito sa Infinite Condominium." napanganga naman ako sa sagot nya. Ibig sabihin, magkakasama sila sa iisang condo ni Zandrex?
"Ok." sagot ko na lang at binaba na yung cellphone
- - - - -
Zandrex' POV
Palabas na kaming anim ngayon sa condo kasama ang Blood Band members, Xander at Lazaro
Dito na rin kami nag-new year nila Joseph, Xander, Via at Sese. Pati yung blood band kasama na rin naming nagbagong taon dito.
Habang hinihintay yung shuttle dito sa may harap ng condo, nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na babae malapit sa amin
"April?" tanong ko kaya lumingon sya
"Wait, let me guess. Zandrex?" sabi din nya
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko
"Dito na ako titira. Kahapon lang ako lumipat. Dito rin kayo?" tanong nya
"Yeah. Papasok ka na?" tanong ko
"Yes. Hinihintay ko na lang si babe. Susunduin daw nya ako." sabi nya
"Diba may kotse ka? Bakit hindi ikaw ang sumundo sa kanya?" tanong ko
"Pangit tignan ang babaeng sumusundo sa lalaki eh. At dito ko makikita na mahal nya talaga ako." baka naman napipilitan lang? Hamunanga!
Tumigil naman sa harap namin ang isang taxi at lumbas doon si Kyle.
"Hi babe! Buti sinundo mo ako!" paglalambing ni April sabay kapit sa braso ni Kyle
"May magagawa pa ba ako?" sabi ni Kyle at umiwas na ng tingin. Sakto namang napaharap sya sa akin
"Uy kuya Drex!" bati nya sa akin
"Kyle! Papasok na kayo? Sabay na kayo sa shuttle namin." pag-aalok ko sa kanila nang tumigil sa harap namin yung shuttle
"No thanks! Puro kayo lalaki! Baka gahasain nyo pa ako eh!" nangiwi naman kami nila Joseph at blood band sa sinabi ni April "Buti sana kung si Kyle lang!" si Kyle naman ngayon ang nangiwi nang yumakap pa sa kanya si April
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...