FC: Fate

9 0 0
                                    

[Contains inappropriate words that may not suitable for young audiences and readers]

Grace' POV

Nandito na kami ngayon ni Kyle sa harap ng bahay namin. Pinili ko kaseng matulog dito sa bahay. Pati si Kyle uuwi daw muna sa bahay nila (dapat ni Via). Gusto din daw matulog dun.

"Ayokong matapos ang gabing ito! Ang saya!!!" Sigaw ni Kyle at nakatingala pa.

"Huy! Maingay! Tulog na kapitbahay!" Pagsaway ko sa kanya.

"Di ko mapigilan eh! Ang saya talaga ng gabing ito!" Sabi nya at niyakap nya ako kaya yumakap ako sa kanya pabalik.

"Oo nga eh! Lahat tayo naging masaya dahil sa birthday ni Jose!" Sabi ko

"Hindi din! Si Jose mismo hindi yun masaya ngayon." Napakalas naman ako sa sinabi nya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko

"Diba nga inamin na ni Lito na may gusto sya kay Judy? Paano yun? Sila naman ngayon love triangle? Hahahaha!" Natawa na rin ako sa sinabi ni Kyle.

"Oo nga eh. Excited tuloy ako kung sino magiging bayaw ko sa mga kaibigan ko!" Sabi ko

"So tinatanggap mo na si Judy bilang pinsan mo?" Tanong ni Kyle.

"May magagawa pa ba ako?" Sagot ko na lang.

"Ano kaya sa tingin mo nangyari ngayon kay Via? Kumusta na kaya sya?" Nanlaki naman mata ko sa sinabi nya.

"Sabi ko na nga ba eh! Mahal mo pa si Via! Baki..." Di ko na naituloy nang halikan nya ako.

"Honey ko naman! Masaya na tayo! Masaya na sila!" Sabi nya

"Kung hindi tayo masaya, kung hindi sila masaya, edi may chance na bumalik ka sa kanya?" Tanong ko

"Pwede?" Sagot nya.

Dun na nangilid luha ko kaya tinalikuran ko na sya. Papasok na sana ako ng gate namin nang yakapin nya ako sa likod ko.

"Tampo naman oh! Biro lang! Hindi ko naman sya minahal eh! Di din naman nya ako minahal! At kahit kailan, hindi kami magmamahalan! Sorry na, honey ko! I love you!" Sabi nya at hinalikan at inamoy nya ako sa leeg.

"So bakit mo sya kinukumusta?" Tanong ko

"Eh diba nga kaninang bumalik si Zandrex sa unit ni Jose, humiram sya ng damit sayo?" Tanong ng lalaking kaharap ko.

Teka, sino sya??? Sino itong kaharap ko???

Pero imbes na matakot, pinili kong pakinggan ang mga sinabi nya.

"Ano sa tingin mo gagawin ni Zandrex sa pambabaeng damit? Baka may nangyari na sa kanila ni Via? Hahaha!" At natawa pa!

"Sinong Zandrex? Sinong Via? Sino ka?" Tanong ko

"Aish! Alam kong nagseselos ka lang! Sorry na nga diba!" Sabi nung lalaki at hinalikan ako.

Nagulat naman ako kaya itinulak ko sya bigla

"Bakit ka nanghahalik? Sino ka?" Sigaw ko

"Sige na! Aalis na po ako, honey ko. Pasok ka na rin! I love you!" Sabi nya kaya pumasok na ako sa bahay. Umalis na rin naman sya.

Pagpasok ko, napalingon naman ako sa paligid. Hindi ko ito bahay!!!!

Papalabas na sana ako nang nakita ko ang isang family picture sa pader. Ako yung nasa gitna ah? So bahay ko ito?

Teka, bakit nga pala ako nandito sa sala? Papasok na sana ako nang may bigla akong naalala. Birthday nga pala ni Joseph kanina.

Naalala ko na ang lahat! Pero sino yung lalaking naghatid sa akin kanina???

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon