C2: Video Call

6 0 0
                                    

Kyle's POV

Linggo ng hapon na ako nakauwi sa amin sa condo galing kina Queenie.

"At bakit ngayon ka lang?" Nakapameywang na bungad ni kuya Drex.

"Mano po." Sabi ko at nagmano sa kanya pero itinulak lang nya ang noo ko.

"Anong mano ka dyan?" Tanong nya

"Makasermon ka kuya! Daddy kita?" Tanong ko na nakangisi

"Nag-aalala lang ako sayo! Mula nang umalis ka na naman nung exam natin, ngayon ka lang ulit nagpakita! Anong gusto mong gawin ko?" Tanong nya kaya napangiti ako. Niyakap ko naman sya at ibinagsak yung katawan namin sa couch.

"Sorry na kuya! Kailangan ko lang tulungan si Queenie!" Sabi ko habang nakadagan pa rin kay kuya.

"Kyle umalis ka nga sa ibabaw ko! Ang bigat eh!" Sabi nya at inalis ako sa ibabaw nya. Kaya napaupo na lang ako

"Akala ko ba okay na si Queenie?" Tanong nya kaya sumeryoso na ako

"Akala ko din eh." Sagot ko

"Galing ba kayo sa hospital? Bakit ang tagal mo yata? Tatlong araw?" Tanong nya

"Eh, galing pa kami sa iba't-ibang hospitals para magpa-second opinion, third opinion, fourth, fifth! Ang dami kaya! Nagagabihan na nga kami eh! Kaya yun, ayaw akong pauwiin ng kuya nya. Delikado daw." Sagot ko

"Si Melvin?" Tanong ni kuya

"Oo, sya ng... Kilala mo? Bakit?" Gulat kong tanong

"Aish! Wag mo nang tanungin kung bakit! Ikaw, Kyle! Baka kung ano nang ginagawa nyo ni Queenie! Mapusok ka pa naman!" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni kuya

"Grabe naman yung mapusok! Hindi ko naman magagawa yun kay Queenie kahit ex ko pa sya! Kay Grace ko lang gagawin yun!" Sabi ko at ngumisi

"Hayan! Baka kay Grace mo naman ginagawa yan!" Sabi nya

"We know our limitations!" Pagmamalaki ko. Totoo naman ah! Dumarating kami sa point na yun pero hanggang topless muna. Saka na lang yung sa baba kapag sure na ready na kami pareho.

"Speaking of honey ko, kailangan ko pala syang kausapin. Babawi ako sa kanya." Sabi ko at inilabas ang cellphone ko

"Hayan! Babawi! Puro na lang bawi! Kailan ba darating point na sya lang ang priority mo?" Pangangaral ni kuya pero di ko pinansin

"Kuya! Hindi nya sinasagot!" Sabi ko

"Yan na nga bang sinasabi ko sayo eh! Lagi na lang kaseng Queenie inaatupag mo!" Sigaw ni kuya

"Eh sya din na nagsabi na puntahan ko si Queenie eh!" Sabi ko

"Pero wala syang sinabi na magtagal ka ng tatlong araw! Malamang nagtampo talaga si Sese! Baka inaasahan nyang uuwi ka sa kanila!" Napaisip naman ako sa sinabi nya.

"Bukas na lang siguro kuya. Kakausapin ko na lang sya ng personal."

- - - - -

Dala-dala ang bouquet ng roses, maaga akong pumasok para maaga ding makahingi ng sorry kay Grace. Maaga kase syang pumapasok eh.

Pagpasok ko ng room, si Allysa lang ang naabutan ko sa loob.

"Ally, bakit hindi mo kasama si Grace?" Tanong ko

"Malay ko sa babaeng yun!" Sagot nya

"Nag-away na naman ba kayo?" Tanong ko

"Obvious ba? Lumayas ka na nga sa harap ko! Imbyerna!" Sabi nya.

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon