[Medyo SPG]
Kyle's POV
"Kuya paano yan? Paano na yung anak ko?" Tanong ko kay kuya Drex na kasabay kong palabas ng room.
"Iwan na lang kaya natin sa condo? Nandun naman si Adrian!" Sagot ni kuya
"Eh! Hindi pwede! Kasagsagan ng big project nya eh! Ayoko namang mag-file sya ng leave para lang alagaan ang anak ko! Nakakahiya naman." Sabi ko
"Kunsabagay." Sagot na lang ni kuya.
Alam nyo ba pinag-uusapan namin? May interview daw kase sa isang company sa Manila kung saan kami nag-OJT. Eh dahil dalawa kami ni kuya sa mga nagustuhan nila pagdating sa aming performances, magkakaroon daw kami ng advance interview para daw sa instant trabaho kung maka-graduate kami.
Hindi nga sana ako pupunta eh. Kung interview lang naman, kayang-kaya ko yan sa future! Pero kailangan daw naming pumunta eh dahil mula na mismo sa pinakataas ng building galing ang request sa interview.
Ayaw ko sanang pumunta dahil walang magbabantay sa anak ko. Noon kaseng OJT ko, saktong leave din ng parents ni Grace kaya sila ang nag-alaga sa anak ko ng mahigit dalawang buwan.
Pero ngayon nababagabag ako dahil di ko alam kung kanino ko ibibilin ang anak ko. Nahihiya naman akong ibilin ulit si Luke kina tita. Baka sabihin nilang umaabuso na ako.
"Iwanan mo na lang kay Lito sa ampunan!" Sabi ni kuya Drex kaya natuwa ako.
"Oo nga 'no! Salamat kuya! Sabihin ko mamaya." Iniwan ko na naman kase si Luke sa ampunan.
Mamaya ibilin ko na lang sa kanila na iwanan ko sya ng halos 1 week.
1 week kase ang naitalang tagal ng interview. Ayon kase sa kanila, marami kaming napili from different universities. Eh di naman namin alam kung pang-ilang araw kami.
Ang hirap talagang maging ama lalo na't nag-aaral pa ako. Mahirap kaseng magtiwala sa mga mag-aalaga ng personal kay Luke. Alam nyo na, malay nyo sinasaktan na sya. O di kaya nakawin ang anak ko at ilayo.
Habang naglalakad, tumawag sa akin si tita. Yung mommy ni Grace.
"Kyle! Kumusta na si Luke?" Tanong nya.
"Di ko pa po alam, tita. Papunta pa lang po ako sa ampunan." Sagot ko
"Bakit ba kase iniiwan mo pa sya sa ampunan? Pwede mo namang iwan dito!" Sabi ni tita.
"Eh nakakahiya naman po. Tsaka wala pong magbabantay sa kanya. May pasok si Grace, may work naman po kayo." Sagot ko
"No! May nakuha na kaming katulong dito. Hindi mo na kailangang mag-alala dahil kamag-anak namin sya." Sabi ni tita.
"Talaga po? Sakto, dahil may interview po kami sa Manila next week. Iiwan ko na po muna sa inyo si Luke." Sabi ko
"Bakit ka ba kase nahihiya? Anytime naman pwede mong iwan dito si Luke! Pagkagaling nyo sa ampunan, diretso na kayo dito!" Utos ni tita.
"Sige po tita. Salamat po." Sabi ko at ibinaba na yung telepono.
"Problem solved! Tara, sunduin na natin si Luke." Sabi ni kuya Drex.
Galing ampunan, inihatid na kami ni kuya Drex sa bahay nila Grace. Hindi na daw sya magtatagal eh.
Tsaka nagpakuha na rin ako ng mga damit pa ni Luke tsaka mga damit ko na rin. Baka bukas o sa Linggo pa ako babalik sa condo. Baka manibago yung anak ko na wala ako sa tabi nya eh. Sanayin ko muna.
"Tita! Sorry po! Kailangan ko na po munang bumalik sa amin! Inatake po yung tatay ko eh! Sorry po talaga!" Sabi ng isang babae kay tita na naabutan ko sa bahay nila Grace.
BINABASA MO ANG
The Cricket Hill
RomanceA love story where the crickets will be the center, and the hill will be their shelter... A story started in cricket hill and ends in cricket hill... PS. Ang kwentong ito ay ang kwento nila Kyle at Grace kung sakaling hindi sila natuloy na pumasok s...