My Happy Ending

5 0 0
                                    

Grace' POV

Maaga kaming ginising ni nanay dahil mag-iigib pa daw ang mga lalaki.

In fairness, ang lakas at ang sipag nila Lester at Kyle. Pinuno talaga nila ang malaking drum sa banyo.

"Babes! Paano ako maliligo dito?" Maarteng tanong ni April

"Baka basahin mo katawan mo?" Pabarang sagot ni Lester

"I mean, walang bubong! Tapos yero pa ang door! Baka masilipan ako!" Sabi no April

"Sino naman kayang magtatangka?" Tanong ni Lester

"Malay mo, ikaw?" Sagot ni April

"Hahaha! Parang sinabi mo na rin na magkakaregla ako! Never yung mangyayari!" Sagot ni Lester

"O baka naman si Kyle?" Tanong ulit ni April kaya nanlaki ang mata ni Kyle

"Wag ka na lang maligo! Ang daming arte!" Sagot ni Kyle

"Mauna ka na Grace." Sabi ni Lester kaya nauna na ako. May tiwala naman ako sa mga kasama ko at kampante naman akong walang sisilip sa akin.

Mabait naman si Lester. May respeto sa mga babae. Kaya nga sya sinagot ni Allysa diba? Ayaw kase nya sa bastos. Si Kyle naman, malabo din. Tsaka nandyan naman si Lester na sisita kung sakali.

5 na ng umaga at ready na kaming lahat maliban kay April

"Ano? Ganyan ka na ba talaga? Hindi ka maliligo?" Tanong sa kanya ni Lester

"Ano bang gamit ng pabango?" Sagot ni April at naglagay ng pabango all over

"Osha tara na mga anak." Sabi ni nanay.

Gaya ng nangyari kahapon, nasa likod na naman ang dalawang lalaki kasama ng dalawang bata. Nandito naman kami sa loob nila April, nanay at Kim. At gaya kahapon, reklamo pa rin ng reklamo si April

- - - - -

Magtatanghali na at wala pa kami halos nabenta. Dagdag mo pa sina April at Lester na hindi talaga magkasundo.

"Lester! Dahan-dahan nga! Nababasa ang aking precious foot!" Reklamo ni April. Binabasa kase ni Lester ang mga gulay para mapanatiling fresh

"Bakit ka kase nandyan?" Tanong ni Lester. Oo nga naman, nasa tabi kase sya ng mesa. Halatang ayaw nyang katabi sina nanay

"Away nang away! Kaya konti lang nabebenta eh!" Sabi naman ni Kyle kaya natahimik na naman kaming lahat maliban kay nanay na nagtatawag ng costumer.

Napatingin kami sa pwesto ng gulay sa harap namin. Nilagyan na nila ito ng design ng isang bahay kubo.

"Bahay kubo, munting presyo." Pagbasa ko sa nakalagay sa taas. Dahil sa nakalagay, mas naeengganyo ang mga mamimili na bumili sa kanila. Dapat may gawin din kaming pakulo.

"Mga suki! Bili na kayo dito sa amin! Buy one, take one!" Napatingin naman sa akin ang mga mamimili, pati na rin ang mga kasama kong nagtitinda

"Hindi ba kaya tayo malulugi nyan anak?" Tanong ni nanay

"Edi doblehin din po natin ang presyo para pareho din. Ang kaibahan lang po, mas maa-attract sila sa idea na buy one take one." Sabi ko at kinindatan si nanay

"Hanep ah! Dumidiskarte!" Sabi ni Lester na nakikinig pala kaya kinindatan ko rin sya

"Dito na lang kayo mga suki! Buy one, take two!" Sabi ng bakla sa kaharap naming pwesto

"Paano yan ineng? Alangan namang labanan natin yan? Hindi na natin kaya ang buy one take three." Bulong ni nanay

"Ako pong bahala nay. Leave it to me! Mga suki! Makinig kayo! Hindi lang buy one take one, may libre pang hugs and kisses mula sa mga gwapong lalaking ito!" Sigaw ko at itinulak paharap sina Lester at Kyle. Halata namang nagulat sila sa ginawa ko.

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon