C3: Luke Ravelo-Fernando

9 0 0
                                    

Kyle's POV

"Ninong! Get ready! Here I come!" Sigaw ni Luke habang nagbi-bike papunta kay kuya Drex.

"Baby, no. Nagre-review si ninong." Mahinahon kong sabi sa anak ko. Huli na ako kase binangga na nya ang upuang kinauupuan ni kuya Drex.

By the way, heto kami ni kuya Drex na nagre-review sa sala ng condo. Ito na kase ang huling school year namin ng college. In short, graduating na din kami. Yung iba nauna nang nakagraduate kaya dapat galingan namin para di kami masyadong maiwan ng iba. May trabaho na nga yung iba.

Grabe, ang hirap maging ama. Lalo na kapag ganitong sobrang likot ng anak ko. Buti na lang talaga gwapo sya at kamukha ko. Iniisip ko na lang hindi ko kayang magalit sa sarili ko hahaha. Pero di ko talaga kayang magalit sa anak ko.

Dahil sa ginawa ng anak ko, nabitawan ni kuya Drex ang libro. Imbes na magalit, nagpahulog pa sa upuan si kuya Drex.

"Ahhh! Ang sakit! Tama na po sir! Hindi na po ako uulit!" Natawa at natuwa naman ako sa inasta ni kuya. Kahit busy sya ay di pa rin sya nawawalan ng time sa pamangkin nya.

"Next time, wag nang nakaw ha?" Mas natawa naman ako sa anak ko dahil ang cute nya. 4 years old na nya pero medyo bulol pa rin.

Dati pa, mga police video na ang pinapanood ng anak ko. Yun na ang kinahihiligan nya mula pa nung nagkaisip na sya. Di na ako magtataka kung paglaki nya, pulis ang kukunin nya.

Dahil pa dun, natuwa si kuya Drex kaya binilhan sya ng mga police costumes and toys. Pati parents ni Grace, binilhan sya ng police bike. Ito ang gamit nya ngayon dito sa condo namin.

Speaking of Grace' parents, tuwang-tuwa talaga sila sa anak ko. Kaso ayaw na talaga ni Grace sa akin. Pero nung binyag ni Luke, apelyido na namin ni Grace ang ipinagamit sa anak ko. Luke Ravelo-Fernando. Kahit labag yun sa kalooban ni Grace na gawing anak ang anak ko, wala na syang magagawa dahil parents na nya ang nag-decide.

Kahit ganoon, gagawin ko pa rin ang lahat to gain her trust again. Mahal na mahal ko sya!

"Yes sir! But I saw your ninong Adrian na nagnakaw ng chocolates!" Sabi ni kuya Drex at itinuro si Adrian na papasok sa unit namin.

Dito pa rin pala kami nakatira sa unit kasama pa rin sina Adrian at Lyndon. Ayon kase kay Lyndon, wala daw aalis dito hanggang hindi nag-aasawa. Aalis lang daw kapag bubukod na kasama ng asawa.

Wala pa naman silang asawa kaya dito muna sila. Si Adrian marami nang girlfriends pero masyado nyang mahal itong condo kaya ayaw iwan. Ganoon din si Lyndon.

Actually ayon sa kanilang tatlo, ang huling makikipag-asawa, sya na ang officially titira dito sa unit. Kaya yun, patigasan sila.

May trabaho na nga pala sina Adrian at Lyndon. Si Adrian, uwian sya kase dyan lang sya sa kabilang kanto nagtratrabaho. Pero si Lyndon, na-assign sya sa Manila kaya kami na lang nila kuya Drex at Adrian kasama ng baby ko ang naiiwan dito sa unit.

"Baby Luke!" Sigaw ni Adrian. At yayakapin na sana ang anak ko pero itinutok ang laruang baril ng anak ko sa tiyan ng ninong nya.

"Did you stole chocolates from the grocery?" Sigaw ng anak ko

"No, I didn't! But I bought some for my inaanak!" Sabi ni Adrian at naglabas ng chocolates sa bag nya.

"Wow! Thank you, ninong!" Sabi nung anak ko at niyakap si Adrian.

"You're welcome, baby boy!" Sagot ni Adrian.

"Baka masanay yang anak ko ah! Nakakahiya naman!" Sabi ko kay Adrian

"Sus! Maliit na bagay! Yamuna, wala naman akong ibang pinagkakagastusan maliban sa mga condom ko para sa mga girlfriends ko!" Hinampas ko naman ng unan ang mukha ni Adrian dahil sa sinabi nya

The Cricket HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon